Comparison 5//

206 8 6
                                    

ENJOY READING!

DON'T FORGET TO LEAVE YOUR COMMENTS PLEASE! THANK YOU!

-- FallenAngeLinPINK--

-----------------------------------------

COMPARISON 5 //

Sabi nila ang Love daw parang PAG-IIGIB--mahirap dalhin lalo na kapag DALAWA!

Halos  4months na rin after maging boyfriend ko si Luis.

Alam niyo yung saya ko??

101% lang everyday!

Yung kilig ko?? Yung dame ng butterflies sa tummy ko??

Grabecious sa dami ever!! *_________*

Yung ngiti ko??

Never yun nawala !! parang ganito ako lagi oh

^___________________________^

Lagi niya kasi ako sinosorpresa eh. Kaya everyday kiligmuch ako!

Nasabi ko tuloy sa sarili ko na sana magtuloy-tuloy na yun.

Marami na rin naman kaming pinagdaanan ni Luis.

May mga times na nag-aaway kami pero naso-solve naman agad.

Pag nagtatampo ako, lagi siyang gagawa ng iba’t-ibang paraan just to show me how much he loves me.

And yikes! Super happy ako sa mga yun dahil pinatunayan niya talaga na tapat siya sakin. He’ll do everything just to make me happy.

Pero ang akala kong lalaki na tunay na magmamahal sakin na puno ng sorpresa ay magbibigay sakin ng sorpresang sadyang dumurog sa puso ko.

Wala akong maalalang ginawang masama o mali sa kanya para gawin niya to sa akin.

Sinaktan niya ako!

*******************************************

--flashback—

(Luis’ POV)

“Hi Lulu! It’s me Jessie. Remember?”

Napatigil ako ng may biglang tumawag sa nickname ko. Isa lang naman ang tumatawag sakin nun eh.

Yun ay ang babaeng pinaka-ayaw ko.

Yung babaeng galit ako.

Hindi ko alam kung bakit siya nandito at kung bakit niya ako tinawag.

“a-anong ginagawa mo dito?” nauutal kong sabi sa kanya dahil sa sobrang gulat at kaba nung makita ko siya.

“wala naman Lulu. Gusto lang kitang makita. At gusto kitang makausap.” She said it with a seductive voice. May masama talaga akong pakiramdam kapag nakikita ko siya eh at malamang sa malamang, may kelangan siya sakin kaya niya ako gustong makita.

“wala akong panahon sayo! Kung pwede wag mu na akong kakausapin dahil kung hindi, malilintikan ka sakin.” Pagbabanta ko sa kanya.

“oh well! Kung yan ang gusto mo. Ayaw mo akong kausapin? Pwes, pagsisisihan mu to. Oops! Pati rin pala nung babaeng mahal na mahal mo. Ano ayaw mo talaga akong kausapin?”

naaasar na ko sa kanya! Ano bang gusto niya ha? Hindi pa ba sapat yung pinahirapan niya ko dati?? At ngayon, balak pa niyang guluhin si Pau. Nasisiraan na talaga siya ng bait! Letse!

“ANO BANG KELANGAN MO HAAA??!” naiinis na talaga ako. Gusto ko na siyang sapakin dahil hangga’t nakikita ko siya, naaalala ko yung mga panahon na pinahirapan niya ako. Mga panahon na naging sunud-sunuran ako sa kanya dahil sa pagbabanta niya sa buhay ko.

10 Comparisons of LOVE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon