Nang matapos na ang klase ay nag-gayak na kaming magkakaklase upang umuwi. Sabay sabay kase kaming umuuwi, ako yung pinakalast saming nakakauwi dahil dalawang bundok pa ang aking aakyatin, tapos kaduluduluhan pa ng subdivision yung bahay namin.

" Uuwi ka na? " Tanong ni Tonny sabay hawak sa braso ko nang makita niya akong palabas na ng building at halatang napigil ako sa paglalakad palabas ng school.

" Mukha ba akong mags-stay? " Taas kilay kong tanong sakaniya.

" Ang aga niyo naman umuwi. "

" Gano'n kami ka-mahal ni Ma'am Meiran.. " Pang-iingit ko sakaniya sabay pilit na makawala kaso hinila niya ako bigla palapit lalo sakaniya sabay akbay.

Punyeta.

Porket mas matangkad at mas malakas siya saken.

" Baka kayo magka-tuluyan niyan. " Bulong ni Saun sabay lumabas na ng school. Ka-inggit buti pa siya nakalabas na, eto naman ako. Na-stuck na.

Sinamaan ko ng tingin si Alton, nakangiti lang siya sa'ken ng mapanloko. Tinignan ko yung orasan na nakadikit sa taas ng entrance ng room nina Alton.

Mag 3:00 na.

Na pansin ko lang na nakatingin na ang mga kaklase niya samen.

" Tonny! Si Shairan oh! " Turo ko kahit wala naman talaga si Shairan. Biglang lingon si gago eh.

Pagkakataon ko nang lumabas ng hinigit niya ulit ako mas malapit na sakaniya.

Punyeta!

Nasakal ako!

SINUSUMPA KITA ALTON SALVADOR JR.

Nakalimutan kong naka-akbay nga pala siya sa'ken.

" Hahaha, kala mo makakawala ka? " Nang-aasar na sabi nito saken. " Syempre 'di kita papakawalan."

Putangina mo ka talaga. Wala ba 'tong klase?

" MA'AM! SI ALTON PO OH! AYAW AKO PA-UWIIN! " Sigaw ko, nagpanic naman siya at pinisil yung cheeks ko.

" Letse! Tangina ang saket! "

" Ingay mo! "

" ALTON! PUMASOK KA NA NGA DITO, BINUBULLY MO NA NAMAN SI KHYRE! " Dinig kong sigaw ni Ma'am Juels. Sinamaan ako ng tingin ni Alton, binigyan ko lang siya ng mapanlokong ngiti. WAGI ANG LOLA NIYO!

" Humanda ka sa'ken mamaya! " Sigaw niya ng makalabas ako sa school.

" EDI WOW! " Pang-aasar ko sakaniya saka lumabas sa building.

Bigla akong kinabahan, naalala ko yung sinabi niya kanina. Parang nag-double meaning eh.

"Syempre 'di kita papakawalan. "

Pero yaan mo na, baka iba meaning niya non.

=

" Akala ko talaga nand'on si Shairan. " Chat ni Alton sa'ken.

" Uto uto." Reply ko sakaniya.

" Pero ang ganda niya talaga. " Napa-roll eyes ako sa reply niya sa'ken.

" Alam ko. "

" Online siya! "

" Chat mo. "

" Nahihiya ako. Ano sasabihin ko? Baka I-seen niya ako. "

Napa-facepalm na lang ako ng mabasa ko yung reply. Like, Level 99999 yung ka torpehan niya. I-chat lang naman di pa magawa.

11 Codes: GAME OVERWhere stories live. Discover now