Chapter 2

7.4K 112 5
                                    

FRELE

   "Bakit ang liwanag?" ang antok kong sabi. "Five minutes pa po. Wala naman akong clients ngayong araw." I turned to the other side, kung saan hindi ako nasisilawan.

   "No can do. May kailangan ako sayo kung kaya't gumising ka na, Ms. Fortis," narinig kong sabi ng boses ng isang lalake. Hindi pamilyar sa akin ang boses pero binalewala ko lang yun dahil baka bagong recruit na butler yun ni auntie.

   "Gumising ka na sabi e," ang sabi niya, obviously irritated. Pero sino ba ako? Kapag gusto kong matulog, mahihirapan kang gisingin ako. Day-off ko naman ngayong araw so... I'll wake up whenever I want!

   "Tch," ang narinig ko lang sa kanya bago niya ako tinulak mula sa kama.

   Hindi ako nakapag-prepare kung kaya't napahalik ang mukha ko sa sahig. "Ano ba?! Hindi ba nila sinabi sayo na day-off ko today?!" ang galit kong tanong sa butler na 'to.

    Tumayo ako na parang walang nangyari, kahit na namumula ang noo at ilong ko at ramdam ko na sumasakit ang ulo ko, para lang mapakita ko sa kanya na dapat hindi niya ako ginising. "What time is it?"

   "Eight in the morning," ang sagot niya.

   Wow. Inglesero pala itong butler na 'to. Syempre. Hindi rin ako magpapatalo. Dapat malaman niya ang posisyon niya. "Who gave you the right to wake me up?! It's only eight! I don't wake up until ten! Didn't auntie tell you that?" Suplada na kung suplada. Alam kong hinding magandang ugali ang pinakikita ko pero, sino ba naman ang hindi magagalit kung gigisingin ka sa paraan ng pagtutulak sayo mula sa iyong pinakamamahal na kama?

   "I have all the rights, Ms. Fortis. After all, I'm the master of this mansion," ang confident na sabi ng butler. Wait... Master of this mansion? Grabe naman ang pagka-feeler ng butler na ito. Agad-agad master of this mansion siya dahil natanggap siya!

   "Huh?! Oh really? Just so you know, this mansion does not belong to you but to the Fortis family and since I, myself, am also a Fortis, it means that I am one of the masters of this mansion!" ang sabi ko na naka-chin up pa. Wala akong narinig na reply mula sa kanya kung kaya't dineclare ko na panalo na ako. Akala ko lang pala iyon. Narinig ko siyang tumawa hanggang sa humalakhak na siya ng sobra-sobra.

   "Hindi ko inaakalang makakatawa ako sayo. I never expected that the Ms. Fortis would be this hilarious," ang sabi niya in between laughs.

   "What did you ju-"

   "Look around and see for yourself that this is not your room nor it is your mansion," ang sabi ng feeler na butler.

   Sinunod ko ang sabi niya at kinabahan ako. Totoo nga na hindi ko ito kwarto. Sa totoo lang, mas bongga pa ito kaysa sa kwarto ko. Parang nasa isang palasyo ako at nasa bedroom ako ng isang prinsesa. Nang tiningnan ko siya ulit ay namulat ako sa realidad. Nasa isang kwarto ako sa isang bahay na hindi ko alam kung saan at may gumising sa akin na isang lalakeng hindi ko kakilala. Kidnapping 'to diba? Tiningnan ko ang suot ko and I felt relieved na suot ko parin ang damit ko kahapon. Kahapon? EHHHHHHHHHHHHH???? Oh my God! Kinuha ko ang pinakamalapit na gamit sa akin na pwede kong magamit na weapon, which is a pillow. Yes, I'm serious. I'm using a pillow as a weapon. I have never imagined using it unless on ghosts. 

   "B-Bakit mo ako kinidnap?" ang tanong ko sa kanya habang hawak-hawak ang unan na parang ihahampas sa lalake.

   "You really are hilarious, Ms. Fortis. Dinala kita dito dahil may kailangan ako sayo. That's why, you must cooperate or ikaw lang ang mahihirapan," ang sabi niya habang lumalapit sa akin.

   "Huwag kang lumapit sa akin!" itinapon ko sa kanya ang hawak kong unan at kumuha ako ng isa pa.

   Binalewala niya lang ang unan at nagpatuloy sa paglapit sa akin. I threw the pillow again at him. And another. And another. Pero siya napigil sa paglapit sa akin. Sa masamang palad, wala ng unan na natira upang magamit ko panghampas sa kanya. Unti-unti akong nagmomove backwards para lang makalayo sa kanya. At bad move yun. Naramdaman ko ang dingding sa aking likuran na nagsasabi na 'dead end'. I tried escaping on my left but he swiftly caught my arm and brought me back to the wall, facing him.

   "Pakawalan mo ako," sinubukan kong kunin ang kamay niya na nakahawak sa braso ko.

   "No way. Not until you do your part."

   "What part?"

   Nakita ko siyang mag-smirk at alam ko na hindi maganda ang kalalabasan nito. "Become my fiancé."

   "What?!"

   "Don't worry. Hindi naman ito seryoso. Isang deception lang para mapaniwala ko ang grandfather at older brother ko para pabayaan na nila ako," ang sabi niya.

   "At bakit naman ako papayag sa gusto mo? Mang-dedeceive ka ng tao. At kapamilya mo pa. There's no way I'll agree to that. Plus, I don't even know your name. You're nothing but a stranger."

   "I apologize for not introducing myself. I'm Launce Moreau. If I'm correct, you know me, don't you?"

   Are you kidding me?! This man... in front of me... he's... Launce Moreau! That famous surgeon!! "You've got to be joking!"

   "No, I'm not. I don't care if you believe me or not, I can explain it some other time so let's move on. Back to the topic... Alam kong papayag dahil makikinabang ka dito."

   I raised an eyebrow. That caught my attention. "Sa anong paraan?"

   "Interested?" he teased. "If you'd agree, makakamit mo ang kalayaan na gusto mong makuha mula sa iyong nilakihang pamilya. And I'll make sure na hindi ka na nila magagambala. Yung kung aagree ka sa alok ko."

   "Pero mali parin ang pagloloko ng tao."

   "One time offer lang ito. Bibigyan kita ng five minutes upang mag-isip."

   Sobrang tempting ng kanyang offer. Kalayaan mula kina auntie. Sa totoo lang, yun yung pangarap ko sa ngayon. Sino ba naman ang hindi mangangarap nun kung sila ang sa posisyon ko? Gustong-gusto ko mag-yes sa kanya pero hindi ko gustong mangloko ng iba. Hindi niya ba alam na may masasaktan kapag ginawa niya yun? Hindi niya ba alam na maari niyang masaktan ang kanyang grandfather at older brother? Hindi niya ba pinahahalagahan ang kanyang pamilya?

   "Three more minutes left."

   Binibilang niya ang natitirang oras. Ano ba ang gagawin ko? Ano ba ang pipiliin ko? "Bakit mo ba gustong lokohin sila? Bakit ako?" Tiningnan ko siya sa mata para iparating sa kanya na gusto kong malaman ang mga dahilan bago ako magdesisyon.

   "Lolokohin ko sila para sa minamahal ko. At ikaw ang napili ko dahil alam kong mag-aagree ka."

   "Para sa minamahal mo? Why don't you ask her to be your fiancé? And how sure are you that I'll agree?"

   "It's complicated... Between the two of us. That is why, hindi siya pwede," ang sabi niya. "Furthermore, you value your freedom. And I'm going to let you have it. If you'd agree, I'll stop at nothing to give it to you because in return, ibibigay mo rin sa akin ang freedom na gusto ko." Tiningnan niya ako ng matatag sa aking mga mata. "Time's up. What's your decision?"

   "Fine. You'd better keep your word," ang sabi ko. Damn. Hindi ako makapag-hindi sa kanya. How lowly did I get?

   "Did I heard it right? Was that a yes?" tanong niya. Mukhang hindi siya kombensido sa sagot ko ha.

   "Bingi ka ba? Pumayag na ako, ok? Kaya dapat ay tuparin mo ang sinabi mo," ang sabi ko sa kanya.

   Nabigla ako ng nakita ko siyang ngumit. "Salamat."

-=-=-=-=-=-

A/N:  

Hello! Sorry sa late na update. Naging busy kasi ako sa school. :/ Pero summer na ngayon so... YEHEY!  Hahahaha!

Sana nagustuhan niyo ag chapter na ito. Open po ako sa comments and suggestions. Please support this story din. Maraming salamat!! ^^

Me and My Fake Fiancé {HIATUS}Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang