Chapter 1

17.9K 190 30
                                    

FRELE

   "Frele!!"

   "Frele!!!"

   Dumilat ang mga mata ko. Nasaan ako? Anong lugar ito? Napatingin ako sa aking paligid. May mesa sa aking kaliwa. Gamot ba yung na sa mesa? Tumingin din ako sa aking kanan, may machine? Sandali lang! Nasa ospital ba ako?!

   Bumukas yung pinto at may pumasok na isang babaeng naka-uniform ng nurse. Yeah, nasa ospital nga ako.

   "Ms. Fortis, sandali lang po. Tatawagin ko lang yung doktor," sabi ng nurse at umalis.

   Ano ba ang nangyari? Bakit ako nasa ospital? Kamusta na kaya sina mama at papa? Si bunso kaya? Btw, nasaan na sila? Huwag niyong sabihing kinalimutan na nila ako! Whaa! Huwag naman sana...

   Napuno na ng mga tanong at pagtataka yung ulo ko, hindi ko namalayan ang pagbukas ng pinto at pagpasok ng doktor.

   "Ms. Fortis," tanong ng doktor. Nagulat ako, bumalik agad ako sa aking katauhan. Kanina ka pa ba diyan, doktor?! Ngumiti ako, "Bakit po ako na sa ospital, doc?" Of course magtatanong ako... Wala nga akong kaalam- alam kung bakit nandito ako eh!

   "You and your family were caught in an accident, Ms. Fortis. You were the only survivor. I'm sorry to this... Your parents and your little brother died," sabi ng Ingleserong doktor. Wow! Ang sosyal ya ha? Teka! His joking right?! Hindi! Hindi! Hindi yun totoo! Hindi ko namalayan ang pagtulo ng mga luha ko. Hindi! Hindi! Hindi! HINDI!!! Parang umaagos na tubig yung mga luha ko. Hindi ko mapigilan ang pagtulo. Niyakap nalang ako ng nurse.

   "Tahan na. Tahan na..." ang sabi niya. Lumakas yung pag-iyak ko.

   Hindi! HINDI! HINDI!!!

   Panaginip lang ito diba? Sabihin niyo sa akin na panaginip lang ito. Please! PLEASE! Mga tanong na bumabagabag sa aking isipan. Sa sobrang pag-iisip, hindi ko na namalayan na nakatulog ako...

   "Frele!"

   "Sinong nandiyan?"

   "Frele!"

   "Mama?"

   "Frele!"

   "Papa?"

   "Frele!"

   "Bunso?"

   May tatlong, parang, taong, nakaputi, lumapit sa akin. Mama? Papa? Bunso? Tiningnan ko yung tatlo ng maigi. "Mama?! Papa?! Bunso?! MAMA! PAPA! BUNSO!" sabi ko, tumatakbo papunta sa kanila. Niyakap ko sila ng maigi. Ang ginaw nila. Totoo ito diba? Buhay sila diba?

   "Mama. Papa. Bunso. Buhay kayo! Nagsinungaling yung doktor kanina! Totoong buhay kayo...diba?" napaluha ako.

   "My child... Patawad... Totoo yung si...yung sinabi ng doktor," sabi ni mama.

   Umagos na naman yung luha ko.

   "Tandaan mo parati, Frele, na mahal na mahal ka naming. Nandito lang kami parati sa iyong likod. Susuportahan ka namin," ngumiti si papa.

   "I love you! We love you, ate! Very much yun! Hahaha! I miss you!" pa cute na sabi ni bunso.

   Lalo na lang tumulo yung luha ko. Unti-unti nawala sila. 'Sandali! Hindi! Huwag! Bidyan mo pa ako ng oras! Oras pa! Sandali!!!!!'

   Nagising ako. Basa ng luha ang mga mata ko. Bakit dapat ganito? Tumingin ako sa aking paligid. Sina tita at tito yun ha? Napangiti ako. Narinig ko ang mga pinag-uusapan nila, "We will adopt her...", "Don't worry, we'll take care of her.", "We'll be her new parents from now on." Oh ha! Mahilig din sila sa Ingles. Hahaha... Galing kasi sa marangyang pamilya ako. Isa sa pinakamarangya sa mundo. Huminga ako ng malalim. Bagong pamilya ha?

Me and My Fake Fiancé {HIATUS}Où les histoires vivent. Découvrez maintenant