50. Trap of Fate

Începe de la început
                                    

Nakita ko si Haley, Mau, Angela, mama at si mommy na nasa isang room. Umiiyak silang lahat sa babaeng hindi ko naman makita.

Unti-unting naging malinaw ang imahe ng babaeng kanilang iniiyakan at do'n ko nalaman na ako pala 'yon. May benda ang aking ulo at may kung anong nakakabit sa kamay niya.

Biglang nalipat ang eksena. Malabo ang imahe ng isang lalakeng may benda sa kanyang tiyan. Marami ding machines na nakakabit sa katawan nito.

At mas lalo akong naiyak nang tuluyan ng naging malinaw ang imahe. Si Kite Fuerte, ang lalaking mahal ko. Madaming mga machines ang nakakabit sa bawat parte ng katawan niya.

"Kilala mo ba ang binatang 'yan anak?" tanong niya sa'kin.

"Kilalang-kilala po. Siya po si Kite, ang taong mahal ko."

"Naawa ako sa batang 'yan. Eight months na siyang hindi gumigising. Ikaw ay gano'n din kaya napagdesisyunan kong sunduin ka."

"Sorry po talaga papa kung hindi ako makakasama sa inyo. Pero tandaan niyo po, love na love po kita."

Niyakap ko siya ng mahigpit. Tinapik naman niya ang likod ko para maging kalmado ako.

"Naiintindihan ko. Hindi pa siguro 'to ang tamang oras para makapiling kita, anak. Pero lagi mong tatandaan na nasa tabi mo lang ako palagi, binabantayan at pinoprotektahan ka."

"Opo, papa. Kapag dumating ang araw na magkita po ulit tayo, sisuguraduhin kong handa na po ako."

Unti-unting lumayo sa'kin si papa. Ang magagandang tanawin na aking nakikita ay biglang naglaho na parang bula. Ang lugar ay tuluyan nang nawala at nakita ko na lamang ang sarili ko na bumabagsak sa kung saan mang dimensyon.

Dahan-dahan kong iginalaw ang kamay ko. Sumunod ay iminulat ko ang aking mga mata. Isang puting kisame ang bumungad sa'kin.

"Gising na si beshie!"

"Agatha, nakikita mo ba ako?"

"Bunso!"

Sunud-sunod na boses ang narinig ko. Tinignan ko sila pero medyo nahihilo pa din ako.

Teka, ano bang nangyari?

"Beshie, naaalala mo pa ba ako? Ako 'to si Haley!"

"Bunso, may amnesia ka na ba?"

"Hoy Agatha! Si Mauro Hanabishi 'to, 'wag mo yang kakalimutan!"

Biglang dumating si mama at mommy. Nagulat na nga lang ako na may kasama silang doktor.

"Diyos ko, anak!" yakap sa'kin ni mama.

Agad namang tumakbo si mommy at niyakap din ako.

"Pinag-alala mo ako, Hannah."

Kumalas sila ng pagkakayakap sa'kin. Pinilit kong ngumiti sa harapan nila. Nagtaka na lamang ako kung bakit sila kulang.

Teka, nasaan si Kite?

"Anak, kung hinahanap mo si Kite. Nasa kabilang kwarto siya, eight months na siyang coma."

Heaven's Last Cry (COMPLETED)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum