"Bakit ka umiiyak ate Lenie?" - tanong ni Prince

"Wala. Mawawalan na din kasi ako ng baby eh!" - sagot nya

"Nandito naman ako ah" - biglang sabi ni Kuya Austin

Tumingin ako sa mga kaibigan ko at tumingin din naman sila sakin. Sabay sabay kaming tumango sa isa't isa at sabay sabay ding tumayo. Lalabas na sana kami sa pintuan ng magtanong bigla si Ate Ella.

"Where are you going?" - tanong nya
"
"Kila Max. Babay!!" - sagot namin at tuluyan ng lumabas at pumunta na nga kila M

Maxine's POV:

"Ang sarap!!!" - sigaw nilang apat habang kumakain ng cookies at cupcakes na binake ko.

"Dapat pala ikaw nalang yung gumawa ng cake at cupcakes nung foundation day. Nakatipid pa sana tayo" - sabi ni Lexie

"Yayayayaya!" - pagsang ayon ni Princess habang tumatango pa

Bigla namang may nagbukas ang pintuan at nakita namin dun sila Nathan. Lumapit sila samin at agad namang kumuha ng cookies si Prince ng makita nya ito.

"Wow! Ang sarap! Sinong nagbake?" - tanong ni Prince

"Si Max" - sagot ni Abi

"Marunong kang magbake?!" - Hindi makapaniwalang tanong ni Prince

"Ay Hindi! Hindi sya marunong magbake! Kaya nga nya nagawa tong cookies at cupcakes kasi Hindi sya marunong!" - sarcastic na sabi ni Princess sakanya at sinamaan naman sya ng tingin ni Prince pero inirapan lang sya nito

"Uy Nathan! Tikman nyo! Ang sarap! Sobra!" - sabi ni Prince kila Nathan kaya kumuha sila at tinikman ito

"Hmm... Oo nga! Pero teka lang. Bakit parang sobrang dami naman ata?" - takang tanong ni Louie

"Bibigyan ko kasi sila Kuya Migo at sila Ate Kisha. Bibigyan ko din sila Mommy at sila Tita" - nakangiting sagot ko

Nagbake kasi ako ng 22 boxes ng cupcakes at cookies. Ang dami diba. Sanay naman na akong magbake ng ganyan kadami kaya wala ng hassle. Tumulong din naman yung lima pero ako talaga yung mas maraming nagawa. Tumulong lang naman sila sa paghalo ng mga ingredients eh. Haha.

"Ahh okay" - sabi ni Louie

"Ahm.... Pwede ko namang bigyan yung mga parents nyo eh. Okay lang ba sainyo?" - nakangiting tanong ko

"Talaga?! Oo naman! Okay na okay!" - masiglang sagot ni Ethan

"Ngayon na natin ibigay. May meeting naman yung mga parents natin ngayon eh. Pagkatapos nalang nun natin ibigay" - sabi ni Adrianna kaya napatango kami at umalis na

Una muna kaming pumunta sa bahay nila Kuya dahil malapit ito sa bahay namin. Nang makarating kami dun ay agad kaming bumaba sa kotse at pumasok sa loob. Nakita namin sila sala at tahimik lang silang nanonood.

"Hi everyone!" - masayang bati ni Princess dahilan para mapatingin sila samin

"Oh! Ano na naman ang ginagawa nyo dito?" - tanong ni Kuya Adrian

"Dinalhan namin kayo ng cupcakes at cookies" - sabi ko at agad namang nagningning ang mga mata nila

Inabot ko sakanila iyon at kinuha naman nila iyon.

"Waaaaaah! Thank you!" - masayang sabi ni Ate Ella

"Your welcome. Ahm, mauuna na kami ha. Pupuntahan pa kasi namin sila Mommy at sila Tita para bigyan din sila. Bye bye!" - sabi ko at umalis na kami

Nang makarating kami sa company namin ay umakyat na kami sa 11th floor dahil dun sila nagmemeeting Kumatok muna kami atsaka pumasok sa loob. At gaya ng inaasahan, nandun nga sila at mga nakaupo. Napatingin sila samin kaya ngumiti kami sakanila.

"Hi po!" - masayang bati naming lahat

"Hello! What are you all doing here?" - tanong ni Daddy

"Ibibigay lang po namin ito. Nagbake po kasi si Max" - sagot ni Abi at iniabot na namin sakanila ang mga box.

"Wow! Thank you!" - pagpapasalamat ni Tita Mary

"Nako! Tikman nyo yan! Sobrang sarap nya! Promise!" - sabi ni Mommy

"Hahaha. Manang mana sayo ang anak mo!" - sabi ni Tita Sheila

"Syempre naman! Hahaha" - sabi naman ni Mommy

"Mommy. Mauuna na po kami ha. Maghahanda pa po kasi kami para sa acquaintance party bukas" - paalam ko Kay Mommy

"Okay anak. Take care. Bye!" - sabi ni Mommy

"Bye!" - sabi naming sampu at umalis na

-
Hay! Sa wakas! Nakapag update na din! Hahaha. Sana po magustuhan nyo! Please vote and comment. Thank you! 😀😘

THE FIVE BADGIRLS MEETS THE FIVE BADBOYSWhere stories live. Discover now