Chapter 21

652 15 6
                                    

Eyra's POV

Madaling araw na nang hinatid ako ni Caelvin sa hotel na aking tinutuluyan. Ilang oras din kaming magkasama kanina. Pagdating sa hotel ay agad akong naligo. Nagpapatuyo na ako ng buhok nang makarinig ng sunod-sunod na katok mula sa pintuan. Lumabas ako ng banyo para pagbuksan si Zeb. Tiyak na siya ang kumakatok dahil i-isang kwarto lamang ang aming tinutuluyan.

 Pagbukas ko ng pinto ay bahagya akong nagulat nang si Lester ang bumungad sa akin.

"What are you doing here?" inis kong tanong.

 Sumandal siya sa hamba ng pintuan at tinitigan ako nang mataman. Kumunot ang noo ko at saka siya sinuring mabuti.

"Are you drunk?"

 Marahan siyang umiling habang tinititigan pa rin ako nang makahulugan. Naramdaman ko ang biglang pag-init ng aking mukha nang maalalang bath robe lamang ang aking suot. Dahil nga bagong ligo ako'y hindi pa ako nakakapagbihis.

"Umalis ka na, Lester," pagtataboy ko. Akma ko siyang itutulak para maisara ang pinto ngunit nahapit niya ako sa bewang. Nanlaki ang aking mga mata at kumabog ng husto ang aking dibdib sapagkat halos magdikit na ang aming mukha.

"I came here because I wanted to see you," pabulong nitong wika. Hindi ko maintindihan kung bakit may kakaibang epekto sa akin ang pagtama ng kanyang hininga sa aking mukha. Napapikit ako nang dumako ang kanyang tingin sa aking labi.

"Do you want me to kiss you?" tanong nito sa malambing na tinig. Kaagad kong iminulat ang aking mga mata. Bahagya ko siyang itinulak nang mapansin ang naglalarong ngiti sa kanyang mga labi.

"Go away!"

"I'm sleeping here," pahayag nito bago tuluyang pumasok.

"What?! Are you out of your mind?" bulaslas ko habang sinusundan siya ng tingin. Ngunit parang wala siyang narinig. Pabagsak siyang nahiga sa isang kama.

"Hindi ka ba talaga aalis?" nakapameywang kong tanong matapos sumunod sa kanya. Umiiling-iling ito.

"Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo, Lester Jimuel!"

"Neither do I, Adreanna Eyra."

"Ano ba talagang gusto mo para lang umalis ka na?"

"Ikaw."

"Tigilan mo ko!" naiiritang tugon ko.

"Good night, Adreanna," wika nito at saka tumagilid ng higa.

 Nang-aasar ba talaga siya? Hindi man lang inalis ang kanyang mga sapatos.

"Bumangon ka r'yan! Hindi ka pwedeng matulog dito. Hindi ako papayag! Saan mo balak patulugin si Zeb? Sa tabi ko? Sa sahig? O baka naman sa tabi mo? Gusto mo bang gapangin ka no'n?" Pagtatalak ko.

"Ang ingay mo. Magbihis ka na't matulog," nakapikit nitong wika na tila ba inaantok na.

 Lihim akong napamura nang maalalang wala nga pala akong suot sa ilalim ng suot kong bath robe. Mabilis akong kumuha ng maisusuot sa closet at pumasok sa banyo. Pagkabihis at kaagad kong binalikan si Lester.

"Lester Jimuel! Ano ba? Hindi ka ba talaga aalis?"

"Hindi nga. Ang kulit. Nagkausap na kami ng roommate mo. Sa kwarto ko siya matutulog," sagot nito matapos magmulat ng mata at sinalubong ang aking tingin.

"What?! Paano mo siya napapayag?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Madali lang. Sinabi ko sa kanyang magkasama sila ni Caelvin do'n," kibit-balikat niyang sagot.

Deal With It! (DDG Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon