Chapter 15

637 16 2
                                    

Mahigit alas otso na ng gabi nang ako'y makauwi galing Maynila. Gusto kong humiga na lang at matulog dahil sa sobrang pagod. Bukod sa rehearsal ay napagod ako sa biyahe dahil grabe ang traffic nang ako'y papauwi na.

 Agad akong bumaba ng sasakyan matapos ko itong maipasok sa garahe. Nagmamadali kong tinungo ang pintuan. Laking gulat ko na lang nang buksan ko ang pinto ay bumungad sa akin si Lester at isang magandang babae habang pababa ng hagdan. Hindi ako pwedeng magkamali. Siya lang naman 'yung babaeng kasama niya sa larawan. Si Rienne Jamie Harrison. Hindi ko tuloy alam kung ano ang gagawin ko. Kung papasok ba ako at 'wag silang pansinin o magtatago muna ako hanggang ito'y makaalis? Akma akong tatalikod nang marinig ang pagtawag ni Lester sa aking pangalan.

 Mula nang araw na hinalikan niya ako ay hindi ko na siya gaanong pinapansin. Bukod sa naiilang ako ay naiinis ako sa ginawa niya. Kusa akong umiiwas kung mayroon din lang pagkakataon. 

 Napilitan akong pumasok at walang emosyong lumapit sa kanila. Mataman akong tinitigan ng babae na para bang sinusuring mabuti.

"Adreanna, this is Rienne. Rienne meet Adreanna, my fiancee," pakilala nito.

"Fiancee?! You're engaged?" gulat nitong bulaslas. Bahagya pang nanlaki ang kanyang mga mata.

 Gusto kong itanggi 'yon ngunit hindi ko ginawa.

"Yes," kumpirma nito. Ngumiti ako ng pilit nang dumako ang tingin niya sa akin.

"Pero bakit—"

"Perhaps, I should leave both of you alone," iwas ko. Sila lang naman ang magkausap. Kalabisan naman yatang manatili pa ako gayong ramdam ko ang disgusto niya sa akin. Akma akong tatalikod nang hawakan ako ni Lester sa braso.

"Wait. I want you to know that Rienne will stay here till her vacation ends. That's more than a week," pahayag nito.

What?! Ibig sabihin ay nandito pa siya next week? Sa susunod na linggo na ang fashion show sa Cebu. Ibig sabihin ay maiiwan silang dalawa rito. Teka lang, ano bang pakialam ko? At bakit pa patatagalin kung pwede naman ngayon?

"Okay. I'll just get my things," malamig kong tugon at pagkatapos ay mabilis na tinungo ang hagdanan.

"Adreanna!" tawag nito. Ngunit hindi ko siya pinansin.

"Mauna ka na sa kotse. Susunod ako," narinig ko pang utos nito kay Rienne.

 Lalo kong binilisan ang aking pagkilos. Pagkapasok sa kwarto ay tumuloy agad ako sa walk-in closet at inilabas ang aking maleta. Pabagsak ko itong inilapag sa kama at marahas na binuksan. Nagpabalik-balik sa closet para kunin ang aking mga damit para ilagay sa maleta.

"What is the meaning of this?" sita ni Lester na walang babalang pumasok sa aking silid.

"Hindi pa ba obvious? Aalis na ako rito," naiirita kong sagot. Tinanong pa ako ng bwisit na 'to!

"Hindi kita pinapaalis."

"Saan mo patutuluyin ang bisita mo, aber?" tanong ko habang nakataas ang isang kilay.

"Malaki ang itong bahay, Adreanna. May dalawa pang bakanteng silid. Hindi mo pa ba nalilibot ang kabuuan nito?"

"Aalis pa rin ako," sa halip ay sagot ko at saka ipinagpatuloy ang aking ginagawa.

"Hindi ka pwedeng umalis. 'Wag mong gawing dahilan ang pananatili ni Rienne dito para makaalis ka sa poder ko," galit niyang tutol.

"Kapal din ng mukha mo 'no? Pagsasamahin mo kami ng babae mo rito? Sinabi mo pa do'n sa tao na fiancee mo ko," asik ko.

"Dahil 'yon ang totoo. At ano naman gusto mong gawin ko? Tanggihan ang kapatid ko nang makiusap itong patuluyin dito sa bahay ko ang matalik niyang kaibigan?" mariing niyang saad.

Deal With It! (DDG Series #1)Where stories live. Discover now