Chapter 2

1K 21 2
                                    

Palabas na sana ako nang marinig ko ang aking pangalan. Alam kong si Cess ang nagmamay-ari ng tinig na 'yon dahil siya lang naman ang tumatawag sa akin ng Lester. Nilingon ko siya kaagad. Mabilis ko siyang sinalubong nang tumakbo siya palapit sa akin.

"Geez! Careful. In case you have forgotten, Cess, you're pregnant!" bulaslas ko nang muntik na siyang matumba. Buti na lang at maagap ko siyang nahawakan.

"Salamat." humihingal niyang wika. Hindi ko pa rin maiwasang humanga sa ganda niya. Kita sa mukha niya ang saya. Subalit sakit naman ang dulot no'n sa akin. May kirot pa rin sa puso ko tuwing nakikita ko ang katotohanang masaya siya sa piling ng iba.

"What is it? Kailangan ko na kasing umalis," tanong ko kaagad. Pilit na itinatago ang tunay kong nararamdaman.

"Aalis ka nang hindi man lang nagpapaalam sa akin?" sumbat nito na may halong hinanakit.

"Look, Cess. I really don't have the time right now—" 

"Just give me a few minutes," putol niya sa sasabihin ko.

"Fine." paubaya ko.

"I'm sorry, Lester. Sa lahat lahat—"

"Hindi mo nga kailangan humingi ng tawad, Cess. Kailangan ko pa ba ulitin 'to? Ako ang nagmamahal ng sobra kaya ako ang nasasaktan. Kung may sisisihin man ako ay aking sarili. Pinili ko kasi ang mahalin ka kahit na alam kong hindi kailanman nawala d'yan sa puso mo si Pierre," putol ko. Sinikap kong 'wag ipahalata ang sakit.

"But I loved you. I really did. I didn't use you just to get over him," paglilinaw niya.

 Tama naman siya. Kahit minsan ay hindi ko naramdamang ginamit niya lang ako para makalimutan si Pierre. Subalit batid nitong puso ko na higit niya itong minahal kaysa sa akin.

"Well, thank you," sa halip ay sagot ko.

"Please tell me we could still be friends," pakiusap nito.

"Of course. But I'll be honest, I need time to heal. I'm still not over you."

"I understand," tumatangong sagot nito.

"I need to go now," paalam ko.

"Why in a hurry?" tanong niya nang akma na akong aalis. Muli ko siyang hinarap at bumuntong-hininga bago sumagot.

"It has nothing to do with you. I just got a call from my fiancee's father. He just found out that her daughter had run away from home. So, I need to find a way to locate her," paliwanag ko.

"But why? You really wanna marry her?"

"No. But I have to. That's my commitment. I already told you that," sagot ko.

"Alright. If—"

 Nagsalubong ang kilay ko nang matigilan siya.

"Saglit lang, Lester. I'll be back," paalam nito at saka na lang ako biglang iniwan.

Oh great! Nailing na lang ako. Nakalimutan ba niyang nagmamadali ako? Hinugot ko ang cellphone mula sa bulsa ng aking pantalon. Tumalikod ako ng bahagya pagkatapos pindutin ang numero ng pinsan kong si Mackie na pwedeng makatulong sa akin.  May detective agency sila ng matalik niyang kaibigan kaya naman siya ang may kakayahang magbigay sa akin ng private investigator na tutulong sa akin.

"Hello, insan?" sagot nito mula sa kabilang linya.

"Mac, I need a favor." bungad ko.

"Sure, dude. What is it?"

"I need you to find someone for me."

"A woman. Isn't it?" wika nito na may bahid ng panunukso.

Deal With It! (DDG Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon