Chapter 17

630 18 4
                                    

Nakasandal ako sa headboard ng kama at matamang nakatitig sa laptop na nasa aking harapan habang panay ang komento ni Zeb sa nasaksihan at obserbasyon niya kanina sa rehearsal. Napansin niya ang masasamang tingin sa akin ni Rizza. Bagama't tutok na tutok sa aking laptop ay marahan kong isinalaysay sa kanya ang gulong nangyari nang unang beses kong dumalo sa meeting. Ang payo ko'y huwag na lamang niya itong pansinin dahil insecure lang ang babaeng 'yon.

"You know what, A? You have a very handsome fiance. If I were you? I'll marry him right away," pagkuwa'y saad ni Zeb.

Oh, Lord! Wala ba talaga siyang balak magpahinga? Maghahating-gabi na ngunit ayaw pa rin niya akong tantanan. Parang hindi man lang siya napagod sa maghapon at sa aming biyahe pauwi. Samantalang ako'y napagod talaga ngayong araw na 'to at gusto ko na talagang magpahinga. Naging puspusan ang aming rehearsal kanina dahil ilang araw na lang ay lilipad na kami patungong Cebu.  Isinara ko ang laptop at saka itinabi bago siya tinitigan.

"Bakit naman bigla siyang nasama sa ating usapan?" tanong ko habang magkasalubong ang mga kilay. Nakaramdam ako ng bahagyang pagkairita dahil bukod sa hahaba ang aming kwentuhan ay ayoko siyang pag-usapan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala-wala ang inis ko sa kanya at sa kanyang bisita. Kahit saan yata siya magpunta ay laging nakasunod ang babaeng higad na 'yon.

"A, minabuti ko nang ibahin na lang ang usapan kaysa naman ma-imbiyerna ako sa Rizza na 'yon. So, ano nga? Wala ka ba talaga balak pakasalan si LJ? Pwede pa-arbor?"

"Tse! Ano siya? Gamit?" sagot ko sabay irap.

"Uy, ayaw ipamigay. Ibig bang sabihin n'yan ay kinokonsidera mo'ng makasal sa kanya?" tukso nito.

"Of course not. Kung pakakasal ako sa kanya. Mahihinto ako sa pagmomodelo. Ikaw rin. Mawawalan ka ng kita sa akin. Gusto mo ba 'yon?" tugon ko sabay taas ang isang kilay.

"Gano'n? How sad naman. Why don't you make a deal with him instead?" suhestiyon nito.

"May kasunduan na kami, Zeb. Noong una nga'y ayaw niyang tanggapin ko ang trabaho kay Andie."

"Talaga? So paano mo siya napapayag?" usisa nito.

"Gumawa nga kami ng kasunduan, Zeb. Papayagan niya akong magtrabaho ngunit ang hiniling niyang kapalit ay ang manatili ako rito sa Pilipinas ng anim o hanggang walong buwan para magdisenyo ng damit sa kanyang negosyo," paliwanag ko.

"What?! You'll stay here for more than half a year?" gulat nitong bulaslas.

"Most likely."

"But you need to come back to Canada. You have a career there, darlin'. I've just got a call from BELLE magazine. Isn't that a great news?"

 Biglang nagliwanag ang aking mga mata kasabay ng pag-awang ng aking bibig. BELLE is a known fashion magazine!

"Really?" hindi makapaniwalang saad ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdamang saya. Parang biglang naglaho ang pagod na aking nararamdaman. Gusto kong magtatalon sa sobrang tuwa.

"Yes. So you need to go back, A."

 Biglang humupa ang sayang nararamdaman ko nang maalalang hindi nga pala ako basta basta makakabalik sa Canada dahil na kay Lester ang passport ko. Bukod do'n ay hindi siya papayag na hindi ako tumupad sa aming usapan.

"What will I do? Hindi ako makalabas ng bansa dahil hawak ni Lester ang passport ko," nag-aalalang tanong ko.

"What?! Talk to him. Don't let this opportunity pass you by, A."

"Oh, Zeb. Sigurado akong hindi siya papayag. May kasunduan kami," malungkot kong tugon. Para tuloy akong maiiyak. I feel so helpless.

"Compromise, A. Tell him you'll go back after this project from BELLE. This one is different from a fashion show that requires you to stay longer. After the series of photoshoot, your work is done. You can come back here sooner than expected," pangungumbinsi nito.

Deal With It! (DDG Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon