Chapter 12

648 15 2
                                    

Pagkalapit ni Clyde sa akin ay nagtatanong na tingin ang pinukol ko sa kanya. Alanganin siyang ngumiti bago sinulyapan ang tatlo.

"Maiwan na namin kayo," nakakaunawang wika ni Bettie at saka inaya ang kasama. Sumunod naman si Eunice sa dalawa.

"What do you want?" malamig na wika ko.

"Iniiwasan mo ba ako?" tanong nito.

"Why should I do that?"

"I could sense it," giit nito sabay kibit ng balikat. 

"Well, you're wrong," pagsisinungaling ko.

"Then, come with me. Let's have a snack."

"B-but I need to—"

"Iniiwasan mo nga ako," akusa nito.

"O-of course not. Sige na. Pumapayag na ako para lang magtigil ka. Let's just find a restaurant around the area. Is that okay?"

"Sure," nakangiting wika nito. Ngiting panalo.

"Lead the way," saad ko. Kulang na lang ay ismiran ko siya.

Pumasok kami sa isang cafe na 'di kalayuan sa shop ni Andee. Pagkatapos kunin ng waiter ang aming order ay bumaling sa akin si Clyde.

"Bakit nagsinungaling ka sa akin?" seryosong tanong nito.

"W-what do you mean?" nakakunot ang noong tugon ko.

"About your name."

"I did not. You heard it wrong. It's Eyra not Heira," pagliliwanag ko.

"Hmn...Eyra? Does it mean Adreanna is just your stage name? Are you into showbiz too?"

"No! That's not my thing. Adreanna is my first name. My full name is Adreanna Eyra Molina. And I prefer to be called by my second name."

"I see. Nice meeting you again, Eyra," pormal na wika nito sabay lahad ng kamay. Tinanggap ko ito. Agad ko sanang babawiin ang aking kamay ngunit mahigpit niya itong pinisil habang mataman na nakatingin sa akin.

"Let go of my hand," mariin kong utos.

"Oh, I'm sorry," tugon nito sabay bitaw ng aking kamay.

"Cordova is so lucky to have you. Ano kayang magiging reaksiyon siya kapag nalaman niyang kasama kita ngayon?"

"Oh, God! Did you do this on purpose? Are you stalking me? Did you ask Andee to include you in his show?" galit kong bwelta.

"Really? You are accusing me of doing this just to pissed him off?" hindi makapaniwalang tugon nito.

"Yes! Because I know why you hate each other."

"What did he tell you?" tanong nito habang nakataas ang kilay.

"The truth!"

"What truth? That I stole his girlfriend way back in high school?"

"Yes!"

"Dala lang 'yon ng kabataan, Eyra. Inis ang grupo namin sa kanilang magkakaibigan dahil nayayabangan kami sa kanila," katwiran nito.

"That's why you are doing it again?" tanong ko sa nanunuyang tinig.

"That's an unfair conclusion. Look, do you love him? Answer me."

 Bahagya akong natigilan sa tanong niya.

"O-of course," nauutal kong sagot. 

 Kinailangan kong magsinungaling dahil ayoko siyang bigyan ng pagkakataon pag-awayin kami ni Lester. Baka lumala lang lalo alitan namin. Magmula ng araw na pagtalunan namin ang pagpirma ko ng kontrata ay hindi ko siya gaanong kinakausap. Iyon din ang araw na nakilala ko 'tong si Clyde.

Deal With It! (DDG Series #1)Where stories live. Discover now