Chapter LXII [Wrong send?]

Magsimula sa umpisa
                                    

Binaba nya ang dyaryo saka tiningnan ako. “And?”

“Kelangan kong maghanda for our celebration. At pano kami makakapagcelebrate kung nandito ako?”

“Then, don’t celebrate. First pa naman ‘yan. And there’s always a next time.” He suggested na kinasama lalo ng loob ko, di ko tuloy napigilang tapunan sya ng matatalim na tingin. “Or sa Monday nyo nalang i-celebrate—a belated happy monthsary.” Dagdag nya na akala siguro ay papayag na ako sa ikalawang suggestion nya but...

“No. A day after is just too late. Ihanda nyo po ang kotse Pa, uuwi ako bukas ng umaga.”  

**

“Nakong bata ka! Asan na ang pagiging dalagang Pilipina mo? Marciano, pagsabihan mo nga ‘tong apo mo o. Niligawan ang titser nya. Susmaryosep! Mga kabataan ngayon, ibang-iba na.” Nakapanglingo si  Lola habang pabalik-balik sa paglalakad sa harap ko.

Napakunot ang noo ko sa sinabi nya. “Pano nyo nalaman La? Di ko naman sinabing teacher ko ang niligawan ko ah?”

“Naikwento kasi ng Mama mo.” Biglang singit ni Lolo na nakaupo sa rocking chair nya na kanina pa tahimik habang nag-uusap kami ni Lola. “Pero iha baka malabo mga mata ng boypren mo kasi nakasalamin?”

At mas lalo akong nagtaka sa tanong ni Lolo. “Pano nyo nalamang nagsusuot sya ng salamin Lo?”

“Kasi sabi ng Mama mo.” Lola

“Kasi di ba nagsusuot ng ganun lahat ng titser?” Lolo

Magkasabay silang sumagot at nagkatinginan. Naguguluhan na tuloy ako kung ano pa ang dapat kong ikwento. Nasabi na pala ni Mom sa kanila halos lahat eh. “Okay lang po ang mga mata nya Lo. Tsaka bagay naman po sa kanya ang suot nyang salamin e.” But I really want to tell them na mas gwapo sya pag walang salamin. Hihihi.

“Pero gwapong bata pa din kahit nakasalamin no? Magaling pumili apo natin.” biglang sabi ni Lola kay Lolo na syang dahilan para tumingin sakin si Lolo.

“Wag nyo sabihing--”

“Pinakita samin ng Mama mo ang itsura ng boypren mo.” Sabi ni Lolo at ngumiti.

At kelan pa nagkapicture si Mom kay Xako? Aish, I can really feel it. May crush talaga ‘tong si Mom sa Xavier ko! Isusumbong ko talaga sya kay Dad.

Inasikaso na muna ni Lola si Lolo kaya nabigyang pansin ko na ang pagvibrate ng phone ko.

Hi. Musta?

 

Kumunot naman ang noo ko sa message mula sa isang unknown number. Musta? Kilala ko ba sya para kamustahin ako?

Hu u?

 

Reply ko at sa ilang saglit lang ay nakasagot naman sya.

Si Ichee to.

 

 

“Ichee?” Nanlaki ang mata ko nang mabasa ang message nya. Kabibili lang kami namin ni Kuya kanina ng Globe sim kasi ‘yon lang ang may signal dito... tapos alam na nya agad ang number ko?!

Ichee?

 

Reply ko para makasigurado.

Icheenilang para mahalin ka. Remember?

Oh jeez. Tumayo lahat ng balahibo ko nang ma-confirm ko na sya nga ‘yong nagtext sa akin.

Pano mo nalaman # ko?

 

I texted him. Kinakabahan na nga ako dito sa kausap ko. Sun kaya gamit kong pangtext sa kanya, so pano nya nalaman ang Globe number ko?

In a minute ay may bagong mensaheng dumating mula sa kanya.

 

If there’s a will, there’s a way :)

 

You know what, linya ‘to ng mga…

Stalker!!!

 

Nilapag ko sa mesa ang phone ko saka ininom ang orange juice na hinanda ni Lola. Kumain na rin ako ng cookies habang hinihintay ang reply nitong textmate ko.

“So creepy.” Sabi ko sabay nang paggalaw ng phone ko sa mesa. I read his message na mas lalong nagpa-curious sakin sa kung sino talaga sya.

I bet you’ll regret saying that if you knew me.

 

Ugh! Pakiramdam ko namumuo na ang wrinkles sa noo ko dahil sa kanya. Ang totoo, gusto kong malaman ang identity nya pero parang ayaw ko din. Ewan ko ba!

Papatayin ko nalang sana ang phone ko nang may message ulit sya.

Ayoko ng nagtatagal... Ayoko ng happy ending...

 

 

And with that, he left me hanging with his message.

Wrong send ba ‘yon?

I'm courting my geek Professor [PUBLISHED BY VIVA PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon