Death Match Part 1

Start from the beginning
                                    

"Blazing Lance.

Mana Wave.

Freezing Arrows.

Earth Spikes!"

Sunod-sunod ang pagpapakawala niya ng skill. Nagsiliparan ang mga lance na umaapoy papunta kay Rolly. Madali lang niya itong naiwasan pero mayroon pa itong kasunod Mana Wave na siyang tumama sa kanya at nagpalipad sa kanya. Hindi pa siya naglalanding sa lupa ng matamaan siya ng limang arrows na gawa sa yelo. Tumama ito sa may bandang dibdib. Sa magkabilang braso. Sa hita at sa may bandang tiyan. Sa kanyang paglanding ay siya namang nagsilabasan ang mga Earth Spike mula sa lupa. Mga lupang matatalas na kayang tusukin ang anumang bagay. Natamaan sa bandang hita si Rolly at napasigaw siya sa sakit. Bago pa man siya lumanding ay itinukod na niya ang kanyang kamay sa lupa at nagback flip upang di na matamaan pa. Bumaba sa 76% ang kanyang hp. Napangiti si Rolly dahil dito.

"Aba, lumakas ka Chan! Hahaha. Nice combo!"

"Heh. Tama na ang satsat! Laban na!!"

Sumugod ulit si Rolly. Pero mabilis na nagcast si Chan ng mga skill.

"Loop Hole.

Water Field.

Thunder Strike!"

Nagkaroon ng malalim na butas sa harapan ni Rolly. Hindi na niya ito naiwasan kaya naman tuloy-tuloy ang pagbagsak nito sa lupa. Pero may kasunod pa ito. Isang nagraragasang tubig ang pumuno sa malalim na hukay. Bumaba ang hp ni Rolly sa 63%. Pero ang hindi niya inaasahan ang isang lightning strike na papunta sa tubig. Natamaan siya pero may kasunod pa iyon na isa pa. Natamaan ang tubig pero na paralized siya at unti-unting nauubos ang hp niya. Pagkawala ng paralized effect ay lumangoy siya papunta sa gilid at umakyat. Hingal na hingal na ito at nasa 45% nalang hp. Nagsigawan ang mga tao dahil sa nakita.

Woo!! Nice combo!!

Tapusin mo na Ace!!

Tayo na PallyRolly. Wag kang sumuko!!

Lumaban ka PallyRolly!!

Nice fight!!

Tumayo si Rolly at makikita sa kanyang mukha ang pagseseryoso.

"Pasensiya na Chan. Magseseryoso na ako. Sorry pero hindi ko na ito patatagalin.

Dragon Force Mode: On!"

Nabalot ng usok ang buo niyang katawan. Pagkaraan ng ilang sandali ay lumabas ang isang nilalang na may dragon scales sa mukha. Mayroon siyang mapupulang mata at nag-uusok na katawan. Biglang uminit ang paligid. Napatulala ang mga manonood.

"Sorry bro. Pero tatapusin ko na itong laban na ito."

Bigla nalamang nawala sa kinatatayuan niya at nagsimulang sumugod. Palingalinga si Chan upang hanapin kung nasaan na siya ngunit di niya ito makita. Maya-maya lamang ay bigla nalang may naramdaman siyang masakit sa bandang likod. Lumingon siya sa kanyang likod pero kamao ang bumungad sa kanya. Nasuntok siya sa mukha at lumipad palayo. Hindi pa man din siya nakakalapag ay may sumipa sa kanya pataas kaya naman lumipad siya pataas. Sumunod dito ang isang anino.

"Fire Dragon: Fiery Fist!!"

May kamaong nagliliyab papunta sa kanya. Bumulusok siya pababa pero bago pa man tumama ang kanyang likod sa sahig ay may nagsalita sa kaniyang harapan. Nakita niya ang isang pares ng mapupulang mata.

"Let's finish this."

Sinuntok niya ito sa mukha at pagkabagsak niya ay siya namang pagkabasag ni Chan at nangangahulugang natalo siya.

New Life Online: Battle Against The Darkness- Book I [Under Major Editing]Where stories live. Discover now