CHAPTER 48: ONE MURDER, FOUR KILLERS (Part 2)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Hello Detective" masiglang bati ni Math at matamis na ngumiti. Whenever she smiles like that, you will think she's the kindest person on Earth.

"Math", pansin sa kanya ni Detective Adler. "Kailangan niyo ng lisanin ang lugar na ito dahil sisimulan na namin ang imbestigasyon."

Ah, so they're friends. Ito siguro ang sinasabi nilang birds with the same feathers flock together.

"Areglado Detective pero may hihilingin sana ako", malambing na wika ni Math. "This case really interest me just like all the other cases . If you don't mind, can you tell me the details of the case?" Sinadya niyang hinaan ang boses upang hindi siya marinig ng ibang mga pulis.

Nabuntong-hininga si Detective Adler. "I will try." He looked at me and gave me a friendly yet unfriendly for me smile na agad kong sinagot ng smirk.

Hinawakan ako ni Jeremy sa braso. "Friendship goals sila." Sinagot ko siya ng irap at nilisan namin ang quater at dumeretso sa cafeteria ng Bridle. Nagpaalam ako sa kanila na hindi muna sasama dahil babalik ako ng dorm at magpapahinga saglit.

When I reached the dormitory, I pressed my body on my soft bed. Napakarami pa rin ng mga gumugulo sa isipan ko. Victoria, those weird gestures of the three as they looked on some files, the will and the key, the Genesis at sa ngayon ay ang pagkamatay ng isang guard ng Bridle.

Inilabas ko ang binigay ni Attorney Rose na susi. Kung para saan man ito, sigurado akong ito ang susi na magbubukas sa bagay na maaring magpabagsak sa Genesis. That algorithm, program or whatever is is very important. Kung hindi ba naman kasi ako tanga, edi sana ay nasa akin pa rin ang notebook ni Phobie. It could have been my ticket to win against Genesis.

The real Trojan, Zywon's adoptive Mom is a known tech geek. Siya ang gumawa sa database ng Genesis at siya lang din ang maaring makatulong upang mapabagsak iyon. Ngunit ngayon ay matagal na itong patay at kahit nandiyan si Zywon at Ryu, the real Trojan who was strengthened with time and experience must have designed the database of the Genesis as solid as rock.

Tumayo ako mula sa pagkakahiga. If it really bothers me, I guess I have to do a quick visit to Zywon. I slipped off Bridle and hailed a cab at agad na nagpahatid sa Athena. Nang makarating ako doon ay hinanap ko agad si Zywon. He places he likes the most ay ang mga lugar na tahimik kung saan malaya siyang natutulog o kaya ay kasama ang kanyang mga "entertainers". He is a sleep monster as much as he is a chocolate monster.

I checked first on the rooftop where I saw him the last time ngunit wala siya roon. I checked on the gym and on the library ngunit wala din ito. Mabuti na lamang at class hours dahil kung hindi ay malamang ako ulit ang pinagtutuonan ng atensyon ng mga estudyante dito. I texted Khael at tinanong ito kung pumasok ba si Zywon and he replied a crying emoticon. Uh, Khael is sometimes weird. I asked him again at sinabi niyang malamang nagcut na naman ito dahil nawala ito sa klase.

The last place I checked was the botanical garden at naroon nga si Zywon. He sat on the grassy ground at nakapikit ang mga mata na sumandal sa malaking puno na naroon.

Kinuha ko ang cellphone ko at idinial ang kanyang numero. I waited from a distance for him to answer my call. Nakita kong nakabusangot ang mukha nito nang tiningnan ang tawag at agad na pinatay iyon.

What the hell? Bakit ayaw niyang sagutin ang tawag ko?! I dialled his mumber again at sa pagkakataong ito ay nakapikit ang mata na sinagot niya ang tawag.

"Just Amber, I am in the middle of my quiz right now, call me later," wika niya. Quiz, my foot! Liar! Kailan pa siya nagkaroon ng quiz sa botanical garden ng Athena?

DETECTIVE FILES. File 3 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon