CHAPTER 48: ONE MURDER, FOUR KILLERS (Part 2)

219K 8.4K 1.7K
                                    

Chapter 48: One Murder, Four Killers (Part 2)

Agad kaming tumakbo patungo sa guard's quarter. May room doon na maaring gamitin ng mga guard kapag nagbibihis sila o kaya ay nagpapalit sila ng shift. Nakatayo doon ang ilang staff ng Bridle samantalang nasa sahig naman ang isang guard. May tama ito ng baril sa noo at nakabukas pa ang mga mata nito.

"T-tumawag na kami ng pulis," wika ng isang staff na naroon. "S-sino ang gumawa nito kay Jordan? Anong nangyari sa kanya?"

"Sa labas ko hihintayin ang mga pulis..." wika ng isang guard at sumama naman sa kanya ang staff na naroon kaya kami na lamang apat ang naiwan.

Bahagyang inilapit ni Gray ang sarili sa biktima. "Single shot on the forehead at close range." He looked around the area. "What do you think happened?"

Math checked the door. "No sign of forced entry kaya marahil ay may access sa susi nitong quarters ang gumawa nito o kaya naman ay siya na mismo ang pinapasok ng biktima. He was changing his clothes nang dumating ang salarin." Tinuro ang damit ng guard na nasa sahig, di kalayuan mula sa kanyang bangkay. "His belt's buckle was slightly open too."

"He's shot at ginamit ng killer ang unan na ito to suppress the sound of the gun. The killer used the guard's gun" dagdag ko at itinuro ang unan na nakalagay sa mesa na nasa gilid ng double deck na kama. May butas iyon na dulot ng baril. Good thing it wasn't feathers.

Nanlaki ang mga mata ni Jeremy. He covered his mouth in surprised as he looked at us. "Akmang maghuhubad ang guard!? Gumamit ng unan ang killer? Sa tingin ko ay alam ko na ang killer!"

We all turned to him. "Sino?"

Inisa-isa niya kaming tatlo ng tingin. Bahagya siyang lumapit at hininaan ang kanyang boses kasabay ng napakaseryosong ekspresyon ng kanyang mukha. "A stripteaser."

Eh? Can anyone tell us how to knock Jeremy into his right senses? Sripteaser? At pagkatapos ay ano? Magpapangalan na naman siya ng isang pornst- uh. Never mind.

"Your theory is so wack Puns," nakangiwing wika ni Gray sa kanya. "The killer is someone whom the guard knows o kaya ay malayang nakakapasok dito. No strip teasing involved here."

Biglang lumawak ang ngiti ni Jeremy. "But it makes sense! Nasa sahig ang damit ng guard kaya malamang ay paunti-unti niyang-"

Itinaas ni Gray ang kanyang palad sa harap ni Jeremy. "Puns please. Let's think of a more sensible story than a... a stripteaser."

"Pero ano ang motibo ng killer?"

"They don't need a motive, if it's the Genesis," wika ko nang tiningnan ang cellphone ko. I just receive a message from a restricted number asking me about "that thing". I know this is from Tross.

At bakit tila nagkataong nagtext siya habang nandito kami? May kinalaman ba siya sa pagkamatay ng guard? Hindi talaga ito titigil hangga't hindi nito nakukuha ang kanyang pakay. And how did he know that I already found out about this murder? Norman, the SC senator secretly told us about this. Walang mga estudyante na nakiusyoso sa labas kaya imposibleng alam na ito ng karamihan- unless his pawn is always keeping an eye on me! His eyes and ears in Bridle! May kasabwat siya na maaring nasa paligid lamang at nagbabalatkayong kaibigan ko. I carefully looked at my three companions. Sana lamang ay wala sa kanila ang iniisip ko.

"Gaya ng inaasahan ko. You're already here, poking around the area," wika ng kadarating na si Detective Adler. Kahit mahaba-habang panahon na ang lumipas ay hindi ko pa rin napilit ang sarili na

Inirapan ko Detective Adler at bahagyang binangga siya nang palabas kami ng guard's quarter. Just like how he always does, his presence really irks me.

DETECTIVE FILES. File 3 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon