CHAPTER 15: THE WORST BIRTHDAY (Countdown)

243K 10.6K 6.9K
                                    

Chapter 15: The Worst Birthday (Countdown)

Nagising ako dahil sa mahinang tapik sa pisngi ko. When I slowly opened my eyes, I saw Khael smiling at me.

"Wake up Special A. Kailangan pa nating mag-isip ng paraan upang makaalis dito", he said and the situation that we are right now finally processed in my mind. Nasa isang may kadilimang lugar kami, tied tightly and totally weary.

And how the hell could Khael afford to smile after everything?! Putok ang gilid ng labi niya at bahagyang dumudugo. His upper brow was also bleeding at puro pasa ang mukha niya. Like me, he was also tied up to the bones. Marami pa siyang pasa sa braso! Pati nga paa niya ay iginapos! Tsk, natakot ba si Lowie kay Khael kaya sobra-sobra ang ginamit niyang lubid para dito? I doubt if he can hardly move in such state! How could they do this to Khael!

For the first time after Dad's death ay hindi ko na napigilan ang sarili ko. I felt the hot liquids running down to my cheeks like a river. Mukhang marami na ngang naipon na luha ang tear ducts ko at ngayon ay umaapaw na ito.

"Don't cry Special A! Nakagapos ako kaya hindi ko mapupunasan yang mga luha mo", he said and he sounded annoyed. "Damn those ugly guys!"

Mas lalo lamang akong napaiyak at hindi ko na napigilan ang paglabas ng hagulhol mula sa bibig ko. "I'm sorry Khael... I'm really sorry."

"Saan?"

Gusto ko siyang suntukin sa mukha. Why does he have to act like everything is fine? Nakatali na kami at lahat ngunit tila cool pa rin siya. Or maybe that's his way para hindi ako masyadong mag-alala para sa aming dalawa. But it's not working. I know how grave the situation that we are in right now.

"Idiot! Tinatanong mo talaga yan?"

Tumawa siya ng mahina. "Hindi ko po kasi alam kaya tinatanong ko." Ah! Always the playful Khael! His optimism didn't help me at all. Hindi ko pa rin lubusang maisip kong bakit ganyan siya sa kabila nang lahat ng nangyari. This is definitely not the best way to celebrate his birthday. Kung hindi pa sana namin sinundan ang hinahabol ng mga pulis kanina, we should have been eating delicious foods right now at nagpunta sa sunod naming destinasyon. But I was swallowed by my anger at ngayon ay nasa panganib na kaming dalawa ni Khael. Walang assurance na mabubuhay pa kami. Knowing the evil organization, malaki ang posibilidad na huling kaarawan na ito ni Khael at hindi ko na maaabutan pa ang kaarawan ko. I'd love to kiss myself for being impulsive and putting us on danger. This is where I'm really good at!

"I'm sorry K-khael..."

"Sus Special A! Tama na nga yan, ang pangit mong umiyak", he said and laughed. Nakakainis siya. Dahil sa ginagawa niya ay mas lalong pinagsisisihan ko ang pagiging impulsive ko. Why doesn't he shout at my face at sisihin ako?! Sabihin na kasalanan ko ang lahat kaya nandito siya ngayon at nakatali habang puro pasa?!

"Khael magalit ka naman sa akin..."

"Eh? Bakit naman?"

"Stop it, will you?" I shouted at his face. "Magalit ka! Sisihin mo ako dahil totoo namang kasalanan ko ang lahat. You didn't enjoy your birthday..."

"Galit talaga ako Special A pero hindi sa'yo dahil hindi naman ikaw ang bumugbog sa akin. Argh! Damn those guys, insecure masyado sa kagwapohan ko kaya binangasan tong gwapo kong mukha. How do I look right now?"

Right now, mukhang nag-aalala pa ito sa kanyang hitsura! Kung ibang pagkakataon iyon ay malamang natawa na ako o kaya naman ay pinaikot ko na ang mga mata ko. But it's not right to laugh or roll eyes in this situation. "Nabugbog ka na nga ang yabang mo pa rin."

He let out a chuckle. "Dry your tears Special A and help me in thinking an escape plan."

I force a smile at pinunasan ang mga mata ko. He was tied up on a pillar samantalang nakagapos lamang ako. I immediately move towards his side at tumabi sa kanya. Iniikot ko ang paningin sa paligid. It looks like we're in a warehouse. Madilim at ang tanging bukas ay ang bintana na nasa taas. It was so small that only a cat can fit on it. May pinto sa harap namin but I bet Lowie and the others could be on the rooms behind that door.

DETECTIVE FILES. File 3 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon