"Oo na! Pero hindi nga ako kumakain ng gulay! Anong kakainin ko?"

"Marydale, eto na lang oh!" Iniaabot naman sa akin ni Christian at Yong ang nga baon nila.

Aktong kukuhain ko na sana kaso pinigilan ako ni Edward. Ano ba kasing problema nito?! Napaka exag!

"Enough! If i said eat your vegetables! Just eat! Its for your own health Ms. Entrata! Don't try to waste that or I will not be able to lead you or be concerned when you'll be in risk later."

"Hoy Edward! Don't be harsh kay Maymay! Don't force her also because she isn't really eating the kind of foods that you are eating." Bigla namang sumagot si Kisses.

Parang nangangamoy away ha? Pigilan ko na ito hanggat di pa lumalala. Baka mamaya kung ano pang mangyari.

Sinenyasan ko naman si Kisses na manahimik na lamang kaya't sumunod naman ito.

"Shhh! Manahimik na! Kakain na ako para walang gulo!"

Kinain ko na naman ang gulay na inihain ni Edward. Hays di ko talaga ito gusto! Pero kailangan dahil tama nga naman si Edward! Masustansya ito!

"Here Maymay." May iniabot sa akin si Christian. Yung orange juice nya. Kukuhain ko sana ng may inilapag si Edward sa harap ko. Yun bang gatas na nasa babasaging bote?

Nanlaki naman ang mata ko dahil nagulat ako sa ginawa nito kaya't napatingin ako sa kanya.

"This is what she'll need." Sabi nito at tumuloy lang sa pagkain.

Ibinalik ko na naman kay Tian ang juice at naging seryoso na naman ito at mukhang nababanas.

"Sorry." Mahina ang pagkakasabi ko noon. Nagsmile naman si Tian at bumalik na uli ang 'good aura' nya.

Tumayo naman si Edward at umalis na. Ano ba kasing problema nun? Napakagulo nya talaga kahit kailan! Para syang abstract! Maganda ang kalabasan pero hindi mo maintindihan! Tssk.

***♡***

"Okay, now, run fast!" Sabi nung lalaki kanina na parang sundalo. Sya kasi ang namumuno sa amin.

Sinunod na naman namin sya at tumakbo kami ng mabilis. Oo aaminin ko, napakahirap nga nitong military training na ito at sobra sobrang nakakapagod. Eh kaso part ito ng clashing at kailangan talaga namin ito para sa pakikipagsagupaan namin sa ibang grupo.

"Now, dumapa kayo! And try to get out of that obstacle sa pamamagitan ng paggapang. Faster!" Aniya.

Dumiretso naman kami dun sa obstacle na parang ibaba ng kama. Woooh! Nakakahingal na ito ah!

"Kaya pa?"-Tian.

"Aba syempre naman!" Proud pa ako sa pagkakasabi ko kahit na ang totoo ay halos gusto ko ng bumulagta at magpahinga. Lumalalim na rin ang paghinga ko at hinahabol ko pa ito.

"Be serious." Sabi ng nasa unahan kong si Edward.

Gumapang na ako sa ilalim at mahaba ang obstacle na ito nasa unahan ko naman si Edward at ang bilis nyang kumilos. Well, nakakabilib naman ang galing nya sa mga activities na gumagamit ng strength.

The Lost Pieces (MayWard Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon