Ikatatlumpo't anim

6.7K 193 124
                                    

Trixie

If there was one thing I've realized with all that has happened in my life, it was the fact that nobody can hurt you more than the one you love.

Petra in all her antics can't hurt me too much because she means nothing to me. Wala akong pakialam sa kanya, and I don't even consider her a worthy opponent. Basta ang sa akin lang naman, hindi niya pupwedeng lapastanganin ang pangalan ko, ang pagkatao ko at ang pamilya ko kaya ginagawa ko ang lahat para makabawi sa kanya.

She went down tonight and truth be told, walang-wala talaga siya sa amin ni mommy. She doesn't even stand a chance. Para siyang isang chihuahua na sinusubukang kalabanin ang tigre, all bark but no brain.

Kaso ibang usapan na nung pumasok si Nikolai sa kwento. Nung lumapit na siya  sa gawi ni Petra nung mga oras na nakalugmok ito sa sahig at tinulungan niya itong tumayo.

That night, I watched my husband pick up another woman from the floor and deposited her on the chair. He helped the woman who ruined our family and hurt me in more ways than one. Yung game on mode ko kanina ay parang malaking helium balloon na kasalukuyang nasa taas ng ere, tapos biglang nabutas at nagsimulang bumulusok sa lupa. At sinasabi ko sa inyo, malakas ang pagbagsak nun.

Masakit.

I bit the inside of my cheek to stop myself from showing any pain. Lalo nung nilingon ako ni Petra at nginitian niya ako ng mapang-asar na ngiti. Saka ko lang napatunayan na tinitingnan niya pala talaga ang reaksyon ko ngayon. Sinusubukan niyang alamin kung magseselos ba ako o ano. As if naman bababa ako sa lebel ng pagkatao niya. As if naman hahayaan ko siya na manalo at tuluyang maging masaya sa gabing ito.

Damn her, I won't let her gloat on my pain.

I schooled my features into a perfect image of indifference and nonchalance and then tilted my head to the side. I looked at them both and then I smirked.

Nangunot ang noo ni Petra dahil sa nangyari. She wasn't expecting that, I can tell. Nakakatawa na sobrang excited siyang makita ako na magalit, magselos at mainis pero ang nakuha niya ay ang kabaligtaran. Bahagya niyang itinulak si Nikolai palayo upang mas mabigyan ako ng atensiyon.

Nung tuluyan ko nang makuha ang atensyon niya, humalukipkip ako saka tiningnan silang pareho mula ulo hanggang paa at pabalik.

I let my smirk grew wider.

"You think you can hurt me through him?" natatawa kong tanong. I laughed out loud. Kahit si Nikolai ay nangungunot na din ang noo dahil sa inaasal ko.

Let them taste their own fucking med. Isang beses na lang tapos aalis na ako. Tapos kahit kailan ay hinding-hindi na ako mangingialam sa mga kawawang buhay nila.

Kahit kailan.

I injected my voice with my most venomous tone and then I said, "Oh, Petra baby, alam mo bang pinagsawaan ko na si Nikolai?"

Saktong pagkasabi ko nun naramdaman ko na may kamay na yumapos sa aking balakang. Paglingon ko, nakita ko ang mukha ni Luke. He wasn't looking at me, and for that I am infinitely thankful, nagawa ko kasing mas ibaon pang lalo ang sakit para tuluyan na iyong hindi makalabas. I smiled at him and then my hands went to his, dun sa kamay niya na nakapulupot sa beywang ko.

"I am on my second dear. You can have Nikolai all for yourself. Walang mang-aagaw sayo. Hindi mo kailangang mainsecure sa isang buntis na kagaya ko kasi truth be told, honey, you look so pathetic. Nakakaawa ka na minsan kasi para ka nang nanlilimos ng pagmamahal."

"That is not true! Mahal ako ni Nikolai!" hiyaw niya.

"See? See what I mean?" nagpalatak ako. "Kailangan mo ba talagang ipangalandakan sa mundo na may nagmamahal sayo? Look at me Petra, do I look that desperate? Hindi diba? Kasi nasisigurado ko na ang mga tao na nasa likod ko ngayon, mahal ako. At hindi ko pinagdududahan ang pagmamahal nila."

The Kontrabida Series #1: TRIXIE ALEJANDRA FUENTES [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon