Ikatatlumpo't dalawa

5.9K 207 171
                                    

A/N: spoiler alert. Hindi pa to ang hinihintay niyo. Hahaha. Sorry. Prelude palang to.
----------------------

Trixie

"Mommy, that is so daring! Grabe, nakikita mo ba itong tiyan ko? Para akong nakalunok ng isang basketball  tapos yan ang ipasusuot mo sa akin?" hintakot kong saad habang tinititigan ang hawak ni mom na violet dress na animo'y isa itong ahas na agad manunuklaw kapag hindi ako nakatingin.

Ngumisi si mommy ng wagas saka ipinagpag ang dress sa harap ko. "Pag ito ang isinuot mo, panigurado maiinggit sa baby bump mo si Petra dahil wala na siyang pinanghahawakan kay Nikolai, samantalang ikaw, meron pa."

Mula sa pagkakatitig ko sa damit, lumipat ang tingin ko sa kanyang mukha."Wait lang, let me get this straight. Ang gusto mong nangyari ay ipangalandakan ko sa buong mundo na buntis ako sa anak ni Nikolai?" pagkaklaro ko sa nais niya.

Naupo si mom sa kama ko saka inilagay ang damit sa ibabaw noon. And then she said with all inherent evilness na hindi ko akalain ay meron ang mommy ko, "Hindi lang ipangalandakan Alejandra. Ang gusto ko, ikaw ang kaawaan ng mga tao. Gusto kong kunin mo kay Petra lahat ng respeto, puri at pagmamahal ng sambayanang pilipino. Gusto kong wala na siyang maging future dito para tuluyan na siyang mawala sa paningin ko dahil talagang naaalibadbaran na ako sa pagmumukha niyang banyaga."

Umismid ako. "Para namang hindi banyaga ang mukha mo ano? May lahi ka kayang intsik."

Kung saan inirapan lang ako ni mom bilang sagot, "Atleast asyano pa rin." aniya. "At pwede ba, wag mo nga akong idadamay sa basurang yun. Halika na't isuot mo na to para pagdating ng mga mag-aayos sayo, hindi ka magpapalit ng damit at baka masira ang buhok mo."

"Last na sinusuot ang damit pagkatapos mong malagyan ng make-up 'no." reklamo ko sa kanya.

"Hay, ang daming ka-ek-ekan. Basta, yan na ang isuot mo." she said with a touch of finality.

"Mommy..." kunyari ay naiiyak kong bulong. Sinubukan ko ulit na makiusap kaso bumagsik ang tingin niya sa akin kaya tumiklop na lang ako saka  nanahimik sa tabi.

Hindi naglaon ay kumatok si Nanang Remy sa kwarto. Binuksan niya yung pinto, ipinasok ang ulo niya sa loob saka natutuwang nagsabi, "Andito na sila! Andito na ang mga bakek--

Hindi niya na natapos ang sasabihin dahil nagdagsaan na ang mga tao papasok sa kwarto ko. The room burst open as the wave of hair and make-up stylists came in together with their crew.

"--kang." pagtatapos ni nanang kahit wala na sa kanyang nakikinig.

Nanlaki ang mga mata ko ng makitang hindi lang ito simpleng make-up session. Grabe, tinalo pa namin dito ang crew sa  wedding of the year 2017. Yung totoo, event lang ba to o may ikakasal at hindi lang sa akin ipinaalam?

Nagtitili si mom nang makita niya ang isang bakla na pumasok sa loob. Tumakbo si mommy papunta dito at sa paraan ng pagbebeso-beso ng dalawa, napatunayan kong hindi lang basta-bastang bading ang nasa harapan ko ngayon. It's either, he's hollywood's one of the best, or he is mom's friend from her distant past. At walang pipitsuging friend si mommy, FYI.

"Long time no see my Liliana." bungad ng lalaki, este babae? kay mommy sa accent na medyo ang dating ay Italiano. He put both his arms around her and then he spun her around in the air na parang sina Richard Gomez at Dawn Zulueta sa isa sa mga pelikula nila.

Kung hindi ko pa sigurado na head over heels in love si mommy kay dad, baka pag-isipan ko pa ng masama ang dalawa. Ngayon, iniisip ko na lang na baka may nakaraan silang dalawa kaya ganun na lang sila ka-close sa isa't isa. Baka ex ni mom itong lalaki at naghiwalay sila kasi nagladlad ang lalaki pero naging friends pa rin sila pagkatapos nun. Nang maibaba nito si mom sa sahig, muntik nang mangudngud ang pinakamamahal kong ina ng pagtapak niya ay nawalan siya ng balanse dahil sa kakaikot niya sa ere kanina. Mabuti na lang at nahawakan ko agad ang kanyang braso.

The Kontrabida Series #1: TRIXIE ALEJANDRA FUENTES [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon