Ikatatlumpo

6.1K 214 129
                                    

Trixie

A/N: to all those who've felt what Trixie is feeling, this is all for you. There is sunshine after the rain. A ray of hope after the pain. Mahal ko kayo. We are queens, and true queens turn their pain into power.

------

Nakarinig  ako ng malakas na sigawan sa labas at saka ko lang napagtanto na dumating na sina mommy. It took almost an hour for them to arrive and every agonizing moment in that small space was a torment. Hindi ako lumalabas dahil baka tuluyan nang masira ni Nikolai ang pinto sa kwarto at makita akong naka-empake na ang mga gamit. At least kapag andiyan na sina mommy, hindi niya na ako mapipigilan pang umalis.

And I guess this is where we say goodbye. Nakakatawa na dati iniisip ko kung anong mangyayari oras na dumating ang oras na ipanganak ko na si little bean. Hindi ko akalain na apat na buwan lang pala kaming magkakasama and that was the extent of our being together. Ngayon ako naniwala ng tuluyan sa kasabihang, pag ayaw, wag mong ipilit. Wag na talaga kasi. Kung ayaw mo lang masaktan sa huli.

I stiffled the sob that rose in my throat with that thought.

Hinila ko ang luggage ko mula sa banyo palabas sa kwarto at nanghihinang naglakad papunta sa pinto. When I was in front of the door, I heard Nikolai shout from the outside.

"F-fine Trix! Stay there okay? W-wag ka munang lalabas. Diyan ka lang muna.."

I think he said that kasi alam niya na kung bakit andito sina daddy at mommy. I think he knows that I'm planning to leave him and this time, I think he also realizes na hindi niya na ako madadala sa kahit anong klase ng pangungulit at pakiusap. No amout of sorry can ever heal the gaping hole inside my heart.

And only time can tell if I'll ever find it within me to forgive him.

Pagkatapos ay narinig kong kinausap niya si daddy. "Dad, a-anong ginagawa niyo po dito?"

I can't see my father but knowing him, alam kong umiiling siya sa mga sandaling ito. Itinuring niya nang anak si Nikolai at mahirap para sa kanya ang mga nangyayari.

"Tumawag si Alejandra and she asked us to get her." dad answered matter-of-factly. Hindi ko naririnig ang boses ni mommy pero hindi ko kailangang marinig ang boses niya para malaman na hindi niya nagugustuhan ang mga pangyayari sa buhay ko. I remember distinctly that mom's greatest dream for me is to live a full life. And this is not her idea of a full life. Not at all.

"N-no. No. She's fine, nagkaroon lang ng hindi pagkakaunawaan dad. Hindi siya sasama sa inyo."

"I think that's for her to decide." and then daddy shouted while knocking on the door, "Alejandra! Lumabas ka na diyan."

"No Trixie, stay where you are baby!" ganting sigaw din ni Nikolai. And then, kinausap niya ulit si daddy. "Look dad, asawa ko siya. We will work this out on our own. Kami na ang bahalang umayos ng gusot namin."

To which daddy answered with all dignity. "Listen here Nikolai. Bago mo siya naging asawa, anak muna namin siya. Bago ka niya minahal, nauna na kami sa puso niya. Pinilit ko siyang magpakasal sayo kasi alam ko na madali siyang mahalin. What I forgot was that, madali rin siyang masaktan. Now, if she wants out, she will fucking get it because I will not let my daughter cry every single fucking day due to a wrong decision on my part."

"Dad... dad please naman po. You can't just take her away from me like this.. I can't live without her dad--"

Bakit ba ang gulo mong tao Nikolai? Bakit ba iba ang sinasabi mo sa ginagawa mo? Bakit ang komplikado ng pagkatao mo? My mind wailed inside me even as I put my hand on the door panel as if I am trying to feel him. One last time. Inilagay ko ang noo ko sa pader ng pinto at doon inilabas ang mangilan-ngilan ko pang natitirang luha sa katawan.

The Kontrabida Series #1: TRIXIE ALEJANDRA FUENTES [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon