Ikadalawampu't tatlo

5.6K 186 25
                                    

Trixie

Alas syete ng gabi ang simula ng charity event na yun ni mom. As I've said, it was an event loaded with big stars and businessmen, models, artists, and every other well known person on earth. Basta, walang invited doon unless na isa kang bigatin na tao.

At gaya ng panata ni mommy, for the sake of the poor, kailangang talikuran kahit isang gabi lang ang galit, ang inggitan, ang hindi pagkakaunawaan at subukang makasama ang mga tao na ayaw nating makasalamuha sa buhay natin kahit abutin pa ng isang milyong taon.

And I am not exempted there. Andun si Petra at si Marco at hindi gagawin ni mom na tanggalin ang dalawang iyon para lang sa akin.

Not that my mom is insensitive. It's just that her beliefs lies with the poor. Ang sabi niya ay mas maraming problema ang mga mahihirap kaysa sa aming mayayaman at kailangan daw namimg kupkupin ang mga taong ito. At kung kinakailangan na magsakripisyo kami para sa kanila, kahit gaano pa yan iyon  kahirap para sa amin, dapat naming gawin iyon. Kasi utang daw namin sa Dyos ang karangyaan na tinatamasa namin at ang isang paraan upang ibalik iyon sa kanya ay ang tulungan ang mahihirap.

I heaved a weary sigh as I put on my evening gown. It was a gown given by mom the last time that she went to visit, siguro ay mga isang buwan na ang nakararaan. Saka ko lang naisip na baka ang okasyon na ito ang iniisip ni mom ng bilhan niya ako ng damit. Maybe she planned all this. Ang iinvite ako at si Nikolai together with Petra and Marco. Damn. But why would she do that? Alam niya naman ang nakaraan naming apat. And we all know it was unsatisfactory.

Nang isuot ko iyon, the only good thing was that, saktong-sakto sa katawan ko ang tabas ng damit. My evening gown was a white virginal dress with hems flowing to the floor. May nanipis itong strap sa balikat at pa-v ang hugis ng pagkakagupit nito sa dibdib dahilan para masilip ang kaunting umbok doon. Marahil, kung noon ko ito isinuot, hindi magiging daring ang dating ng gown dahil hindi pa ganun kalaki ang dibdib ko, pero ngayong nagbubuntis ako, kitang-kita at nababakat ang umbok sa harapan ng aking katawan.

Ang beywang ng damit ay inilagay lang sa ibaba ng dibdib kaya naman kahit na anong laki ni little bean, hindi siya doon maiiipit. It was specially made for a pregnant woman and it was both classy and beautiful.

Maliban sa maliit na ribbon sa harap na beywang at ganun din sa mangilan-ngilang ruffles sa bandang dibdib, wala nang ibang dekorasyon ang gown. It was very simple and very nice.

Itinali ko ang buhok ko sa taas at pagdaka ay nag-iwan ng mangilan-ngilang hibla upang gawing mas malambot ang awra ng mukha ko. My make-up was a simple as it could be, matching the image that my gown gives. Simple but elegant.

Lumabas ako ng kwarto ng katukin ako doon ni Nikolai. We both have different  dressers and walk-in cabinets at siguro ay nauna siyang natapos sa akin. Pinasadahan ko ng isa pang tingin ang kabuuan ng katawan ko bago naglakad papunta sa pinto.

When I opened the door, he took one look at me, blinked, then blinked again and then reached over my head to tug the pin that holds my hair up.

Napasinghap ako ng maramdaman ko ang pagbagsak ng buhok ko sa batok ko hanggang sa umabot iyon sa may beywang. But he was not yet through, he reached over again, took hold of a clump of hair and decided to put it in front of me, covering both my back and then my front. Ang kaunting umbok sa dibdib ko na dapat sana ay magdadala ng gown kahit na medyo may kalakihan ang aking tiyan ay natakpan na ngayon ng buhok na inilagay niya sa harapan ko.

Napangiwi ako dahil sa ginawa niya.

He looked at my face with mock innocence and then said, "What? Hindi mo ba alam na parang nakahubad ka na dyan sa suot mo?"

The Kontrabida Series #1: TRIXIE ALEJANDRA FUENTES [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon