Inayos ko lang 'yung kama ko tsaka ako lumabas ng kwarto ko at dumiretso sa kusina para gumawa ng breakfast. Ang aga-aga kong nagugutom siguro dahil hindi ako kumain kagabi.

Kumuha ako ng pwedeng maluto sa ref. tsaka ako nag simulang mag luto ng mabilisan lang. Nang matapos naman ako sa pagluluto, pag timpla naman ng coffee ang ginawa ko. Nang magawa ko din 'yun sinimulan ko na ang kumain ng breakfast.

Sa pag tapos kong kumain hinugasan ko lang pinagkainan ko at pinaglutuan tsaka ako bumalik ng kwarto para mag prepare naman sa pag pasok ko sa trabaho.

Nag shower lang ako, nag bihis. Gora na!

Lumabas na ako ng Apartment at dumiretso sa baby Ian ko. Sumakay ako ng driver's seat at nilagay sa passenger seat ang bag ko. Ini-start ko 'yung makina ng kotse pero bago ako nag simulanh mag byahe nag text muna ako kay Damon.

Pasok na 'ko, see yah at lunch break. I love you.

Inilagay ko lang sa bag ko 'yung cellphone tsaka ko naman sinimulan ang mag byahe papuntang Studio.

Nang makarating ako ng studio saktong dating din ni Lucas. Bumaba ako ng kotse at pinagtulungan naming buksan ang Studio.

"Ateng diba this weekend na 'yung Prenup photoshoot ni Ma'am Natalie?" Pagpapaalala ni Lucas. Oh shit! Muntikan ko nang makalimutan 'yun ah. Haay! Sana naman hindi sumama 'yung bruhang Karla sa photoshoot.

"Oo nga, buti pinaalala mo."

Pumunta na 'ko sa table ko, bago ko simulan ang trabaho ko. Kinuha ko muna 'yung cellphone mula sa bag ko para tignan kung may message mula kay Damon pero wala naman akong na-receive.

Tulog pa kaya siya? Himala eh, 'di pa nag te-text. Baka napuyat kaka-trabaho.

Itinabi ko nalang 'yung cellphone ko at nag focus na sa work.

Nang dumating ang lunch break...

Bago ako tuluyang lumabas ng Studio, chineck ko muna 'yung cellphone ko kung may message and thank god meron na at galing 'yun kay Damon ko.

Hi.

Ang tipid pero at least nag text.

Lumabas na 'ko ng Studio, ni-lock ko muna 'to tsaka kami nag hiwalay ng way ni Lucas.

Sumakay na 'ko ng kotse ko at sinimulan na ang byahe papunta sa restaurant ni Damon.

Nang makarating ako sa restaurant. Pagka-park ko ng kotse ko, pinatay ko lang 'yung makina ng kotse ko tsaka ako bumaba.

Sinimulan kong mag lakad papasok ng restaurant at lumapit sa isa sa mga waiter.

"Excuse me, nasaan si Damon?" Tanong ko.

"Nasa office po niya, Ma'am."

"Kanina pa ba siya dun?"

"Opo, ni hindi nga po lumalabas eh."

Mukhang busy nga. Ni hindi pala lumalabas ng office niya.

"Sige, salamat pupuntahan ko na lang siya." Nag simula na 'kong mag lakad papuntang office. Pag dating ko kumatok muna 'ko.

"Pasok!" I heard him said. Binuksan ko ang pinto at nakita ko siyang nakaupo habang subsob sa papers niya. Ni hindi siya nah abalang tignan kung sino 'yung pumasok.

"Hi." I speak making him looked at me.

"H-Hi." He greeted, surprised? maybe. Tumingin siya sa wristwatch niya at napa buntong hininga.

"Hulaan ko. Hindi mo namalayan ang oras nu?"

"Oo." Pag amin niya.

"Kumain ka na ba?" Tanong ko.

"Hindi pa." Tignan mo 'to! Kung hindi pa 'ko dumating baka hindi pa 'to kakain.

Tumayo siya. "O-order lang ako ng kakainin natin." Tumango lang ako bilang sagot.

Lumapit siya sa'kin at hinalikan ako sa forehead tsaka siya nag simulang mag lakad palabas ng office niya.

Umupo nalang muna 'ko habang hinihintay siya. Inabot din ata ng sampong minuto nang mag bukas ang pinto at isang waiter ang pumasok. Nilapag niya sa table 'yung pagkain na inorder ni Damon.

"Where's Damon?" Tanong ko.

"Ang sabi po niya mauna na daw po kayong kumain, susunod daw po siya." What? Eh kaya nga 'ko nandito para sabay kami eh tapos papaunahin niya 'ko.

Nang makaalis 'yung waiter, i decided na hintayin na muna si Damon bago ko simulang kumain. Ayoko namang kumain mag isa.

Hindi ko alam kung gaano na 'ko katagal na naghihintay kay Damon dito sa office niya. Siguro mga fifteen minutes or more pa.

Tumayo nalang ako at naglakad palabas ng office para puntahan siya kung nasaan man siya.

Nakita ko siya sa counter na nag ta-trabaho.

What the... kanina pa 'ko nag hihintay sa kanya sa loob para sabay kaming kumain tapos nandito lang pala siya. Alam kong importante ang trabaho pero hindi ba niya alam na importante din ang break!

Nag lakad ako papalapit sa kanya. "Aalis na 'ko." Pagpapaalam ko at nasa tono ko ang inis.

"Okay." Okay?!!! Seriously?!!! Okay lang?!!! Damn it! Hindi manlang ba siya mag so-sorry na pinag hihintay niya 'ko sa wala!

Gusto kong sumabog sa inis pero todo pigil ako. Urgh!!

--

Keep voting.

GYNOPHOBIA (Fear of WOMEN)Where stories live. Discover now