Chapter 21 - Enticement

Start from the beginning
                                    

"Bitawan mo siya o babaliin ko ang leeg mo?" Banta ko sa lalakeng pilit na isinasayaw si Helaena. Agad na nag init ang dugo ko nang makita ko siyang parang hina-harass na. Dagli-dagli na siyang nawala sa paningin namin pagkatapos niyang humingi ng tawad. Tama lang ang ginawa niya kung ayaw niyang dumanak ang dugo sa kinatatayuan niya.


"San kaba nagpupupunta? Kanina pa kita hinahanap." Inis na tanong ko sa kanya. Hindi talaga nag-iingat ang babaeng 'to. Pano kung sumalakay ang Black Royalty ng hindi ko alam? "Diba sabi ko naman sa'yo huwag kang aalis sa tabi ko? At huwag kang lalayo sa paningin ko."

Halos isang minuto ata siyang nakatitig lang sa'kin at hindi sinasagot ang tanong ko. "Helaena?" Muli kong tawag sa kanya.

"Uhm...B—Brylle... Uhm... may— Uhm.. may—may sasabihin—sana a—ako." Anong problema ng babaeng 'to? Bakit nauutal siya ngayon? Parang may iba sa kanya.

"Ano 'yun?" Tanong ko sa kanya.

"Ka-kasi..."

"Helaena, ano yung sasabihin mo?" Ano bang problema niya? Nang bigla na lang tinawag ang pangalan ko sa stage as this year's Bachelor's King.

"Congratulations, you won." Sabi niya sa'kin.

"I don't care about that damn crown. Sabihin mo na sakin kung ano man yang gusto mong sabihin." Bakit kaya hindi niya pa sabihin kung ano man 'yon? Ewan ko ba pero parang gustong-gusto ko talagang malaman kung ano man 'yon. At narinig ko na tinawag na rin ang this year's Bachelorette's Queen na si Venice. "Helaena, ano ba? Naghihintay ako." May pagka inis na sa tono ng pananalita ko.


"Mamaya na lang, Brylle. Your Queen is waiting for you at the stage."

Ayoko talagang pumunta pero lahat nakatingin na sa'kin—sa'min. Lahat sila nag hihiyawan at nag papalakpakan. "Okay, all right. Just wait me here. Don't leave. I'll be right back." Sabi ko sa kanya at nagtungo na'ko sa stage.


Pagdating ko sa stage ay agad akong sinalubong ni Venice at humalik sa aking pisngi sabay kawit ng braso niya sa braso ko. Pilit ko yung tinatanggal pero hinigpitan pa niya ang kanyang pagkakakapit.


"Smile on the camera. Just like the old times." Bulong sa'kin ni Venice. "Look, she's looking at us." Dagdag pa niya. Alam kong si Helaena ang tinutukoy niya at tama nga siya at nakatingin nga siya sa'min at ilang sandali pa ay tumalikod na si Helaena at paalis.

Paalis na din sana ako sa stage pero hindi ako binibitawan ni Venice. "Oh! I'm sure you'd love to dance with me." Ani Venice at agad siyang pumorma na para bang sumasayaw kami. Ayaw ko sana kaso lahat sila nakatingin sa'min at hinihintay talaga ang sayaw namin. And the winners routine, would be the dance. Kaya wala din akong nagawa. Bumaba na lang kami sa stage at nagsayaw.


Habang sumasayaw kami nakatingin lang sa'kin si Venice. Kung noon ay ayos pa sa'kin ang ganitong posisyon pero ngayon tila naiilang na'ko. Wala na din akong maramdaman kahit na ano ngayong kaharap ko si Venice. Patunay lang na wala na talaga akong nararamdaman para sa kanya.


"Don't you miss dancing with me?" Panimula niya sa usapan namin. Lalo siyang kumapit sa batok ko at nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko na lalo kong kinailang kaya nag iwas na lang ako ng tingin. "Just enjoy the dance, Brylle. Tignan mo si Helaena, mukhang nag e-enjoy din sa kanyang kasayaw."


"Ano?" Gulat na tanong ko sa kanya. Ano bang pinag sasabi niyang may ibang kasayaw si Helaena? Kaya tinignan ko ang direksyon kung saan nakatingin si Venice at tama nga siya, may ibang kasayaw si Helaena. Isang lalakeng naka maskara ng puti, kaya hindi ko siya makilala. Hindi ako makawala kay Venice dahil mahigpit ang pagkakakapit niya sa batok ko. "Venice, let me go."


My Guardian DevilWhere stories live. Discover now