Chapter 21 - Enticement

Magsimula sa umpisa
                                    

"Oo nung una inaa—"

"I know what you want." Bigla na lang siyang lumapit sa'kin at hinalikan ako sa labi. Sa sobrang pagkabigla ko hindi agad ako nakagalaw. Bigla din bumalik ang ulirat ko at naitulak ko na lang siya.


"Diba 'yan naman ang gusto mo?" Muling sabi ni Venice, lumalapit pa siya sa'kin para halikan ulit ako pero pinipigilan ko lang siya. Hindi tama 'to. Pakiramdam ko hindi talaga tama 'to.


"Venice, stop it. That's not what I want. Kung noon siguro oo, pero ngayon hindi na."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Tama ka, nung una ginamit ko talaga si Helaena para gantihan at pagselosin ka, pero na realized kong hindi ko naman dapat gawin 'yon. Wala ka namang paki alam sa'kin. Kay Bryant ka lang naman may pakialam. Dahil siya lang naman talaga ang minahal mo at kahit kailan hindi mo'ko minahal o mamahalin. Pero thank you, nang dahil sa'yo may na realized akong isang bagay." I look straight to her eyes . "I just don't love you no more." Prangkang sabi ko sa kanya.


Umiiling si Venice sa mga sinabi ko at tila nabigla "No. Mahal mo pa'ko alam ko. Sinasabi mo lang yan para lalo lang akong mag selos sa babaeng 'yon."


"Hindi ba ito naman ang gusto mo? Ang tigilan na kita para maging masaya na kayo ni Bryant? O eto na, titigilan na kita, magiging masaya na ako para sa inyo. Sasabihin ko na kay Bryant na ligawan kana niya."

"Sa tingin mo ba magiging madali pa ang lahat ng 'yon ngayong nandito ang babaeng 'yon? Sinira na niya ang lahat. Nilason na niya ang isip ni Bryant, nilason na niya ang isip mo."

"Walang ginagawang masama si Helaena."

"Sabihin mo sa"kin, bakit hindi mo na'ko mahal? Bakit? Bakit?" Pasigaw na tanong niya. "Dahil ba sa babaeng 'yon? Huh? Dahil ba kay Helaena? Siya na ang mahal mo at hindi na ako? Ha? Gano'n ba?" Galit na tanong niya. Hindi ko alam kung bakit ganito pa rin ang reaskyon niya hanggang ngayon, eh si Bryant naman talaga ang mahal niya at hindi ako. "Sagutin mo'ko, Brylle, mahal mo ba si Helaena?"


"Alam kong mas karapat dapat siyang mahalin kesa sa'yo."

"Hindi ako papayag, hindi ako papayag na manalo sa'kin ang babaeng 'yon."

"Ano pa bang gusto mo? Na sayo na nga si Bryant, ayaw mo pa rin akong pakawalan? Hindi na kita maintindihan. Sabi mo, ayaw mo na sa'kin, pero ngayon bakit ayaw mo'kong mapunta kay Helaena?"

"Hindi siya mananalo sa'kin. Hindi ako papayag na maagaw niya ang isa sa inyo, wala siyang pwedeng agawin sa'kin. Dahil ikaw at si Byrant ay sa akin lang. Naiintindihan mo ba? Ha? Naiintindihan mo ba?" Galit pa rin niyang sigaw sa'kin. Tila hindi ko na kilala ang Venice na kaharap ko ngayon. Para na siyang nababaliw. Ayaw niyang magpatalo kay Helaena.

"Tama na, Venice." Sigaw ko din sa kanya.


"Hindi ako papayag na mawala sa'kin ang lahat nang dahil lang sa babaeng 'yon. Sinusumpa ko, hindi siya magiging masaya." May mga luha na sa gilid ng mga mata niya tsaka na siya umalis at pumasok na ulit sa loob ng gym.


Ano ba yan? Akala ko magiging okay na ang lahat ngayong wala na akong nararamdaman para kay Venice pero tila parang mas naging komplikado pa ang mga nangyayari. Hindi ba talaga ako pwedeng maging masaya? Gano'n ba talaga ako kasama? For once in my life, sana naman maging masaya na'ko.


Nag stay na lang muna ako sa labas at nagsindi ng sigarilyo. I know that cigarette are strictly prohibited inside the campus, but what the hell? Who cares about the rules now? Siguro naka dalawang stick din ako bago ako nag decide na pumasok na muli sa loob ng gym at hinanap na muli ng mga mata ko si Helaena.


My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon