The Paris memories

4.3K 64 6
                                    

Nakaready na ang mga gamit ko at nakapagbook na rin ako ng ticket papuntang Paris, bukas ng hapon ang alis ko, ngayon ay pupuntahan ko sina mom dahil nandun si Tyler dahil binigyan nila si Hailey ng vacation trip sa Boracay, mom said she needs it.

After kong magpaalam kina mom and dad ay kinarga ko muna si Tyler at hinalikan, my son really looks like me. Son I'll be back soon, at sana pagbalik ko ay magiging okay na kami ng mommy mo. Wag mo siyang pahirapan.

Dumerecho na ako ng airport kahit may 4 na oras pa naman ako.Konti lang ang mga gamit na dinala ko kasi may mga gamit naman ako dun sa tinirhan ko dati. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa pagbalik kong ito, ang dami kong memories with Cassey dun sa Paris, pero kailangan kong harapin lahat ng iyon para tuluyan na akong makawala sa alaala niya.

Pumunta ako sa waiting area at hinintay ko ang pagcheck in, habang naghihintay naisipan kong magcoffee muna, so pumunta ako sa isang coffee shop dito sa airport, habang naglalakad ako parang may nakita akong pamilyar na babae da malayo di ko pa masyadong nakikita ang mukha niya pero kinabahan ako, biglang lumakas ang tibok ng puso ko, at parang ano mang oras ay babagsak ang mga luha ko.

Cassey babe, I whispered di ko alam kung napalakas ba ang bulong ko at nakita kong tumigil siya sa paglalakad. She was a few meters away from me, our eyes met and i can't take it anymore.

Tama nga si Hailey, buntis na siya napakasakit parin sa akin ang nangyareng ito pero wala na akong magagawa, i saw her smile at me at nakita kong lumapit siya sakin. Di ko alam kung tatakbo ako palayo o yayakapin siya.

Hi Ty how are you? I'm so sorry for what I did to you alam kong walang kapatawaran ang ginawa ko pero wala akong pinagsisisihan. Sana mapatawad mo ako, kahit hindi ngayon but in time Ty.

Nakita ko siyang umiiyak at humingi ng tawad, my heart melted, and the pain was change into sadness.
I hugged her so tight and whispered it's okay Cassey, matagal na kitang pintawad, sana masaya kana ngayon, at sana mahalin ka niya tulad ng pagmahahal ko sayo.

Thank you Ty masaya na ako he is so kind a beautiful soul mahal na mahal niya ako at ni minsan di niya ako sinaktan. Ikaw, sana makahanap ka na rin ng babaeng mamahalin ka ng sobra ung aalagaan ka at ang anak mo.

I guess nahanap ko na siya Cassey but maybe we need some space for now.
I'm glad to hear that  Ty. Oh I have to go baka hinahanap na ako ng asawa ko. Have a safe fiight Tyron.

Thanks. I replied. I feel relieved, masaya akong makitang masaya siya, maybe the definition of love is seeing the one you love happy.

After kong magcoffee ay nagcheck in na ako at hinintay ang flight ko. Di pa rin mawala sa isip ko ang encounter nmin ni Cassey, now everything is in place, parang nawala lahat ng sakit sa puso ko, ngayon ko lang napagtanto na tuluyan ko nang natanggap na wala na siya.

At tungkol sa amin ni Hailey, ngayon mas ready na ako na mahalin siya, narealize ko na you can never fully love a person kung di mo pa naayos ang nakaraan mo. 

Ngayon ay wala ng conflict, ang kinatatakutan ko nalang ay ang damdamin niya paano kung sa pagbalik ko ay hindi na niya ako mahal? Paano kung may iba na siya? Makakaya ko ba kaya na pakawalan siya ulit? Bumalik ako sa realidad nung tawagin na ang flight number ko.

Nung dumating ako sa Paris nagpakabusy ako sa kumpanya, sinubsob ko ang sarili ko sa trabaho para di ko maiisip ang lungkot na nadarama ko. Ang bilis dumaan ng mga araw, buwan, at taon. Nakipagvideo chat ako kay Tyler na ngayon ay magtatatlong taon na, nagsasalita na rin siya and i love how he calls me daddy.

Si Hailey wala pa rin akong balita kasi hindi nagsasabi sina mom about her basta sinabi lang nila that she's doing well.

Di ko namalayan na dalawang taon na ang nakalipas mula nang umalis ako ng Pilipinas, naayos ko na ang lahat dito sa kumpanya na mas lalo pang lumago ang negosyo, naging inspirasyon ko si Tyler , para sa kanya ang lahat ng ito.

Sa ikatlong kaarawan ni Tyler ang balik ko sa Pilipinas. Namimis ko na rin ang anak ko at ang mga magulang ko. At higit sa lahat gusto kong makita si Hailey. Maybe two years is already enough to refresh our lives and I hope that she's ready as me to start things over again.

Ngayon ang pagbalik ko sa Pilipinas, kahit sa isang linggo pa ang kaarawan ni Tyler ay napagpasyahan kong umuwi ng mas maaga para makatulong sa paghahanda. Nakabili na rin ako ng ibat ibang gamit para kay Tyler at dito ko na rin binilhan ng diamond ring si Hailey, magpropropose ako sa kanya pag uwi ko.

Isa lang ang goal ko sa ngayon un ay ang buuin ang pamilya ko. Ako si Tyler at si Hailey. I was so blind that I never treasured her on those times na mahal na mahal niya ako, pero ngayon handa kong gawin ang lahat para sa kanya, para mahalin niya ako ulit.

Nasa airport na ako ngayon pabalik ng Manila, magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ko, hindi ko man alam ang pwedeng mangyari pero sisiguraduhin ko na magiging pabor lahat sakin.

Hapon nang dumating ako sa Manila, ang lakas ng ulan, siguro may bagyo ngayon, lumapit na sakin ang driver na sumundo sakin at kinuha ang ilan kong gamit at nilagay sa sasakyan.

Pinikit ko ang aking mga mata sa sobrang pagod jetlag pa ata ako, ang kulimlim ng langit, bigla kong naalala ang unang kita ko kay Hailey. Ang lakas ng ulan noon, that was the first time that I saw her innocent eyes, naaalala ko ang muka niya na takot at puno ng pangamba nung pinagalitan ko siya dahil pumasok siya sa sasakyan ko. She was so cute way back, though her reason was weird.

Ngayon ko lang narealize na siguro kaya kami pinagtagpo noon ay dahil siya ang nakalaan para sa akin. I smiled when I remember How clumsy she was nung pumunta siya sa bahay dahil dumaan muna ako sa bahay bago siya ihatid nung araw na nakita ko siya sa loob ng kotse.

Di ko namalayan na nakatulog na pala ako, ginising ako ni kuya at sinabing andito na kami sa bahay.

A perfect nightmare with him (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon