A life without him part 2

5.6K 77 22
                                    

Dumating ako around 7pm sa bahay, nakahanda na ang dinner sa mesa then I saw Hailey.. o anjan ka na pala kumain kana muna sabayan mo na kame nina manang.

Sumunod naman ako since gutom na rin naman ako, how's Tyler? Ayun kakatulog lang ng anak mo nilagay ko na sa crib.

Tahimik lang kaming kumakain walang sinuman ang gustong magsalita (awkward) hanggang siya na ang bumasag ng katahimikan..
How's your day? Bihira na kitang makita dito sa bahay..galing ako sa bahay niyo ni Tyler to check if pwede na kayong lumipat, ah ganon ba so kailan kame pwedeng lumipat doon? Maybe on Thursday pwede na kayong lumipat, ihanda mo na ang mga gamit mo as well as ung gamit ni Tyler, dalhin ko din ung ibang gamit ko kasi once in a while dun ako matutulog para makasama si Tyler.

Pagkatapos kumain umaykat na ako ng kwarto,inayos ko na ang mga gamit ni Tyler since tuesday na ngayon dalawang araw nalang at aalis na ako dito sa bahay..

After kong ayusin ang mga gamit nagpahinga muna ako at tinawagan sina mama, gusto nila na sa canada nalang kami tumira ni Tyler, alam nila ang sitwasyon namin ni Tyron.. pero di naman papayag si Tyron na dun kami magsstay.

Dumating ung araw ng paglipat namin sa bagong bahay, sobrang laki ng bahay at mamahalin ang mga muebles, ang laki nito para sa amin ni Tyler. Pinaakyat ko na ang mga gamit namin sa taas..
si Tyron naman ay karga karga si Tyler.ang saya nilang pagmasdang mag ama..

Mga hapon na nang nagpaalam si Tyron na umuwi muna sa bahay niya kung saan kami dati nakatira ng anak ko, kami nalang nina manang coring at loida ang naiwan,saka umakyat na ako sa kwarto kasama si Tyler.

Ang tahimik ng bahay ang lungkot di ako sanay na ganito lalo pa't nasanay na ako na kasama si Tyron sa bahay.

Ang haba ng gabi para sa akin di ako makatulog iniisip ko si Tyron , ano na kaya ang ginagawa niya ngayon..tulog na kaya siya o baka naman kasama niya si Cassey..

Tyron's POV
Naninibago ako sa bahay ngayong wala na sina Hailey dito, parang nawalan ng kulay ang paligid, ang lungkot ng haplos ng hangin na dumadapo sa balat ko,  di ko man maamin sa sarili ko pero namimis ko ang mag ina ko. Tulog na kaya si Tyler o baka naman nilalaro pa siya ni Hailey..

Sa gitna ng pag iisip ko ay nakita kong tumatawag si Cassey, I answered the call, nagpapasundo saakin, lasing pala kasi nag bachelorette party kanina..

Sinundo ko si Cassey sa isa sa pinakasikat na bar sa taguig at dinala ko siya sa bahay..lasing na lasing na halos di na makalakad..

Nung dumating kami sa bahay hiniga ko na siya para matulog na at saka naman akong natulog sa tabi niya..

Soon I'll be marrying this woman, tinignan ko ang maamo niyang mukha..and kissed her forehead and did whisper "ilove you".

Hailey's POV
Kasalukuyan akong nagbabasa ng magazine about strong women and how to overcome heartbreak.. ayon sa article dapat magpaganda at wag magmukhang stressed, dapat maging confident and smart.. after reading this magazine parang naging magaan ang loob ko maybe I need some time for myself, mula ng pinanganak ko si Tyler naging pabaya na ako sa aking sarili I can't remember na nga ang last time na nagpasalon ako..

Maybe one of the best ways to divert my attention is by improving myself, know my  worth and meet  new people. Di naman pwedeng lagi akong magmumukmok sa kwarto at iyakan siya habang siya ay masayang kasama ang mahal niya..I still have Tyler.

Kinabukasan pumunta ako sa isang salon sa mall nagpagupit ako ng buhok at kinulayan ng black, nagpafoot spa, at nagpa nail gel..tas dumaan din ako sa skincare clinic to improve my skin..

Halos gabi na nang matapos ang pag pamper ko sa sarili, naiwan ko si Tyler kina Tita Pat kasi hiniram muna nila sa akin kaya ngayon dederecho ako dun sa kanila para sunduin ang anak ko.

Magkalipas ng ilang minuto ay narating ko na ang bahay nina tita Pat, pinark ko ang sasakyan at pumasok sa loob ng bahay, sinalubong ako agad ni tito Anselmo at binigyan ng yakap, ang ganda mo naman hija you look perfect

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Magkalipas ng ilang minuto ay narating ko na ang bahay nina tita Pat, pinark ko ang sasakyan at pumasok sa loob ng bahay, sinalubong ako agad ni tito Anselmo at binigyan ng yakap, ang ganda mo naman hija you look perfect.. salamat tito, nasaan po si tita at Tyler.? Naku hija nasa sala naglalaro puntahan mo na sila.. sige po salamat..

Pumunta ako sa sala at nakita ko siyang nilalaro si Tyler, tuwang tuwa si Tita Pat habang nakikipaglaro sa anak ko, tapos parang naramadaman niya ata na nasa likod ako kaya agad siyang tumayo at niyakap ako, hija you look awesome, ang ganda ganda mo naman bagay na bagay sayo.. salamat po tita,at niyakap siya. Kinarga ko agad si Tyler sobrang namiss ko agad ang anak ko..

Hija dito kana maghapunan magluluto ako.. pumayag naman ako na dito kumain para makasama ko sila kahit papano..

A perfect nightmare with him (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon