The truth

5K 69 6
                                    

Nakita ko si aika sa waiting area agad akong kumaway, nakita ko na kumaway din siya sa akin ang sarap sa pakiramdam namiss ko tong kaibigan ko..

Bes namiss kita ani aika at hinalikan ako.. namiss din kita bes nga pala this is Marcó boss ko sa Spain..
Hi nice to meet you sabi ni Marco,aika just smiled..

Pumunta na kami sa parking kung saan nakapark ang sasakyan ni Aika habang si Marco naman ay pupuntahan ang sundo niya, sa Tagaytay  siya magsstay habang ako ay didirecho sa bahay na binili ni Tyron para sa amin ni Tyler.

Nung dumating na kami sa bahay nilagay ko na ang mga gamit ko sa kwarto at nag usap na kami ni aika. Kinwento ko sa kanya si Marco at ang kanyang pangungulit, at kaya siya sumama ay dahil gusto niya akong makasama.. bes kung type mo naman siya gow na yummy naman siya eh at ung dimples pamatay,pag ako yan naku lunukin ko yan ng buhay..

Gaga ka talaga di ko siya bet friends lang talaga ang kaya kong ioffer.. kung gusto mo sayo nalang single ka na naman ulit diba? Baka pag sa kanya titino kana.

Makalipas ang higit 2 oras nagpaalam na si aika na uuwi na sa kanila at dahil kailangan ko na ring magpahinga.. bukas ko nalang kukunin si Tyler kina Tyron dahil tulog na daw ang bata at gabi na tsaka pagod na pagod ako sa byahe..

Goodnight Philippines, baby Tyler see you tomorrow my love mommy will bring you home. Ilove u anak i whispered while looking at his picture on my phone.

Kinabukasan maaga akong nagising at nagbihis kukunin ko ngayon si Tyler kina Tyron at didirecho kami kina tita Pat para sa Lunch with them,

Pumunta ako sa parking kung saan ang kotse. Habang nasa daan ako papunta kina Tyron di ko maiwasang isipin kung ano na ba ang itsura niya, buntis na ba kaya si cassey? Kumusta na kaya ang buhay nila ngayong kasal na sila?

Kung dati nalulungkot ako sa tuwing sumagi siya sa aking isipan, ngayon mas tanggap ko na ata, tanggap ko nang di na kami pwede, pero di ibig sabihin na di ko na siya mahal,

Magkalipas ang 30 minutos na pagdadrive narating ko ang bahay namin dati, ang ibig kong sabihin dito ako tumira dati nung pinanganak ko si Tyler..dito ako nangarap na baka pwedeng maging kame,

Bumalik ako sa realidad nang nakita kong bumukas ang gate pagkatapos kong magbusina sa labas ng gate, nakita ko ang katulong nila na binuksan ang gate para sa akin..

Pinark ko na ang kotse ko sa loob .. si Maam Cassey mo nasa loob?
Ah ati sino po yun? Bago po kasi ako dito ati si sir Tyron lang po ang nasa loob, halika po tuloy kayo..

Bakit niya di kilala ang amo niya? Hay hayaan ko na nga baka iba ang tawag niya kay Cassey baka bruha ang tawag niya (😬)

Nung pumasok na ako sa loob nakita ko si Tyron na karga karga si Tyler biglang nalusaw ang puso ko nung nakita ko ang mag ama ko, diyos ko ito ang isang bagay na di ko kayang ipagpalit, nakita ko si Tyron na nakasando at shorts lang, kitang kita ang kanyang mga muscles, napalunok ako nang nakita ko siyang lumingon sa akin,

O Hailey andito ka na pala pasensya kana di kita nasundo matagal kasing magising si Tyler, kumusta ang España? Kinuha ko si Tyler sa kanya at hinalikan sa pingi, tinignan ko lang si Tyron and replied him with" okay naman dun tsaka masaya at ang ganda ng lugar"

Kinausap ko si Tyler, baby mommy is here na, namiss mo ba ako? Do you remember mommy? Love love kita anak ko. Then i kissed him over and over again..

Pinaupo muna ako ni Tyron..Hailey dito kana magbreakfast sabayan mo na ako, huh? Wag na uuwi nalang kami ni Tyler dadaan ako kina tita Pat dun ako maglalunch tsaka baka magalit ang asawa mo pag nakita ako dito,

Okay lang wala naman siya dito..i insist Tyron i have to leave early.Pakibaba nalang ang mga gamit ng anak ko..

Walang nagawa si Tyron kung hindi ang pagbigyan si Hailey, di rin niya sinabi ang nangyare sa kanila ni Cassey kasi alam niyang may tamang oras para dun.

She's so pretty, but she became matured ung features niya ay naging strong na di tulad dati na sobrang soft and angelic, hanga ako sa katatagan ni Hailey, she's been through a lot, early pregnancy , heartbreak and rejection all of that ako ang dahilan..

Pero never siyang nagalit sa akin, kinakausap pa rin niya ako, ano kaya ang mararamdaman niya pag nalaman niyang di natuloy ang kasal namin ni Cassey, may mahal na kaya siya? May nahanap na kaya siyang lalake sa España nung dun siya namalagi?

Bakit ganito ang nararamdaman ko, parang biglang gusto ko siyang ipagdamot, gusto ko siyang yakapin, ano ba ang nangyayari sa akin?

PART II
Dumating kami ni Tyler kina tita Pat bago mag alas dose sobrang na miss daw nila ako, niyakap ako ni tita pat habang si tito Anselmo naman  ay kinarga si Tyler..

Hija ang ganda ganda mo namiss ka namin ng sobra halika ka nagluto ako, magkwento ka naman ng mga nangyare sayo sa españa..

Kinwento ko ang naging training ko at ang mga pagkain at lugar na pinuntahan ko..ang saya ng usapan namin habang kumakain namiss ko ang ganitong lutong pinoy..

Hija nagkita ba kayo ni Tyron? Opo tita kanina nung kinuha ko si Tyler. May nabanggit ba siya sayo? Wala naman po tita bakit po ano pong nangyari sa kanya? Wala naman Hailey siguro di dapat sa amin manggagaling un maybe he will tell you if he's ready..ganon po ba tita..

Nagiisip parin ako kung ano ba ang  sasabihin ni Tyron..baka siguro buntis na si Cassey. Siguro un ang sasabihin niya sakin, na magkakaroon na ng kapatid si Tyler..may konting kirot sa puso ko pero di ko yun pinansin i continued eating..

After naming kumain nagpaalam na ako na uuwi na kami ni Tyler i want to have some quality time with my son..habang nasa daan nakita ko ang phone ko , tumatawag si Marco..sinagot ko agad ang tawag niya baka kasi importante.
Hailey pwede ba tayong magkita namimis na kita tsaka gusto kong makita ang baby mo, okay lang ba? Are you free this afternoon? Then i answered.
Di ako pwede this afternoon maybe tomorrow nalang kasi gusto kong solohin ang anak ko..
Okay Hailey i understand..keep safe i miss you, after hearing that i ended the call..

Kinabukasan nagkita kami ni Marco.Pinapunta ko nalang siya sa bahay dahil ayokong lumabas, nagluto ako para dito na siya magdinner, tuwang tuwa siya kay Tyler, nakakatuwa silang pagmasdan feeling ko magiging mabuting ama siya sa future baby niya, ang swerte ng mapapangasawa niya..alam kong balang araw makakahanap din siya ng babaeng mamahalin siya ng totoo..

Nagkwentuhan kaming dalawa ni Marco tinanong niya nanaman ang tungkol sa ama ni Tyler, at dahil magkaibigan na kame kinwento ko na ang nangyare sa amin, sinabi ko rin na hanggang ngayon mahal na mahal ko parin siya..

Nakita kong lumungkot ang mga mata niya, Hailey why not give me a chance? You deserve to be loved by someone who can fight for you, i will love you Hailey, kayo ni Tyler, atleast give me a chance..

Marco di ganun kadali yun, i don't want to be unfair to you, di talaga, wala talaga hanggang kaibigan lang ang pwede kong i oofer I'm so sorry.. he hugged me so tight and whispered "it's okay Hailey im sorry kung makulit ako "

Tyron's POV
Kahapon pa akong di mapakali lagi kong naiisip si Hailey, kaya napagisipan kong dalawin sila ni Tyler, dumaan muna ako sa may flower shop at bumili ng yellow roses kasi un ang gusto niya,bumili din ako ng cake na may dedication na "welcome back"..

Excited akong makita siya, siguro time na para sabihin ko sa kanya na di natuloy ang kasal namin ni Cassey..

After 30 minutes na pagdrive narating ko ang bahay ni Hailey, bahay na binili ko for them. May nakita akong black na sports car sa loob ng gate marahil kay Aika to,siguro sa boyfriend to ni Aika kasi di naman mahilig sa kotse un sa pagkakaalam ko.

Sa labas nalang ako nagpark dahil di na kasya sa loob kasi andun din ang kotse ni Hailey na regalo nina mommy sa kanya..

Pinagbuksan ako ng gate ni manang letty kilala niya kasi ako, dati namin siyang kasambahay.. manang si Hailey po? ..nasa loob po sir may bisita..

To 🐝 continued

A perfect nightmare with him (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon