Chapter 7 the unexpected news

5.2K 60 1
                                    

Naging maluwag ang pakiramdam ko after kong nakausap si Red kahit andun pa rin ang sakit sa puso ko tanggap ko nang hindi na pwede. Pumunta na ako kung saan ko pinark ang aking sasakyan and nagdrive na papunta kina tita pat, wag ko lang sana makita si Tyron dun.

Ilang minuto ang nakalipas at nakarating na rin ako sa bahay nina tita Pat sinalubong nila ako agad at niyakap, "oh hija ngayon ka lang nakapagbisita namiss ka namin ng tito mo halika sa loob nagluto ako for us, sumunod ako sa kanila papuntang kitchen, pinaupo ako ni tita Pat while naghahanda siya ng aming lunch. Naamoy ko ang pagkain at parang umiba ang pakiramdam ko, usually naman gusto ko ng adobong chicken pero ngayon parang ang pangit ng amoy.

Uminom ako ng tubig at baka mawala ang pakiramdam na to..nung matapos maghanda ng lunch ni tita Pat umupo na sila they asked me if kumusta na ako , "nga pala hija Tyron is now in Paris nakiusap siya sa tito Anselmo mo na siya na muna ang mamahala sa branch namin dun sa Paris, kahit ayaw sana namin wala naman kaming magagawa,nakikinig lang ako habang nilalaro ang tinidor sa plato ko .

Umalis na pala siya ng bansa mabuti naman kung ganon atleast I don't have to worry about seeing him accidentally I just don't want that awkward feeling everytime i see him..
pero bakit parang nalungkot ako bakit parang nawalan ako ng sigla? Bakit parang may bahagi sa puso ko na nagsasabing sana di nalang siya lumayo..

Ah ganon po ba tita hanggang kailan po ba siya dun siguro naman once in a while magbabakasyon siya dito para makasama kayo. " ewan ko ba dun hija sana nga umuwi siya ng madalas alam mo naman nagiisang anak namin si Tyron hanggat maari sana nakikita namin siya lagi oh di naman kaya sana mag asawa na siya para mabigyan kame ng apo bago man lang kami mamatay." Napalunok nalang ako at  tumango at tinuloy na ang pagkain ko.

Pinilit kong ubusin ang kinakain ko kahit gustong gusto ko nang sumuka sa pangit ng lasa di lang ako nagpapahalata kasi nakakahiya naman kay tita Pat pero di ko na talaga kaya after kong kumain parang gusto kong ilabas ang lahat ng kinain ko..

"
Hija okay ka lang ba? Namumutla ka ata masama ba pakiramdam mo?' Okay lang po ako tita cr lang po muna ako.. Dumiretso ako sa cr at dun inilabas ko lahat ng kinain ko bigla akong nanghina bumigat lalo ang pakiramdam ko, after kong sumuka bumalik na ako sa may sala para makipagkwentuhan kina tita Pat at tito Anselmo.

Third person's pov

Bumalik na sa sala si Hailey nang bigla siyang nawalan ng malay dahil sa panghihina niya after magsuka, agad nagpatawag ng driver ang mag asawa para dalhin si Hailey sa hospital " manong jun ilabas niyo ang sasakyan dalhin natin sa hospital si Hailey, Anselmo anong nangyayari kay Hailey dios ko, dinala na nga sa hospital si Hailey at nagaalalang naghihintay lang sa labas ang mag asawa,maya't maya dumating na ang doctora na family friend ng pamilya, Sheryl kumusta si Hailey ano ang sakit niya? Nagaalalang tanong ni Patricia sa kaibigang doctora.

Hailey is fine, wala siyang sakit I want to congratulate you Patricia magiging lola kana 5 weeks pregnant na si hailey Tyron must be very happy pag nalaman niya ito..naguluhan si Patricia at di alam kung paano sasagutin ang kaibigang doctora. " oh sige pwede niyo nang kausapin si Hailey sa loob I have to go for now see you around".

Hailey's pov

Minulat ko ang aking mga mata at nakita ko na nasa isang puting kwarto ako medyo nanghihina parin ako at mabigat ang pakiramdam, ngayon ko lang na realize na nasa hospital ako, ano bang nangyare tanong ko sa sarili ko? From there nakita kong nagbukas ang pinto at nakita ko sina tita pat na papalapit sa akin, " tita ano daw po ang sakit ko?" Nginitian niya ako at niyakap " Hailey hija congratulations magiging mommy kana in less than 8 months. You are 5 weeks pregnant, di mo sinabi sa amin na may boyfriend ka na pala I hope we can meet him too since anak na turing namin sayo..pag nanganak ka ipapahiram mo samin ang baby huh sabay yakap ulit sa akin..

Whaaaaaat?! Ano daw? Ako buntis? Ako daw!? Di ko alam ang mararamdaman ko siguro nanaginip lang ako, pero Hindi nasa realidad ako my god gusto kong hilain ang dextrose na nakakabit sa kamay ko I feel so devastated, bakit nangyare to sa akin? Paano ko sasabihin sa kanila na wala naman akong boyfriend na ang anak nila ang gumawa sa akin nito, paano ko sasabihin na nakipagsex ako sa anak nila at nabuo ito, di ko mapigilang umiyak pero di ko maisatinig ang nasa isip ko ano ba tong pinasok ko..

natatakot akong maging ina, natatakot ako na baka di ako magiging isang mabuting magulang natatakot akong malaman ng anak ko ang katotohanan..

natatakot akong maging ina, natatakot ako na baka di ako magiging isang mabuting magulang natatakot akong malaman ng anak ko ang katotohanan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


To be continue tomorrow..❤️

A perfect nightmare with him (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon