Chapter 4

5.6K 63 1
                                    

Hailey's POV
Kasalukuyan akong nagdadrive para kunin ang gown ko nang makarecieve ako ng text mula kay tita patricia she's inviting me sa bahay nila to have our first lesson. She will teach me how to make pasta, since favorite ni Red ang pasta ganado ako na matutunan ito.Baka kasi balang araw babalik si Red sa buhay ko.

After kong kunin ang gown ko nagbihis na ako ng comportable at pumunta sa villa nila,nag waze lang ako kasi di ko kabisado ang daanan. Malayo palang nakikita ko na ang mag asawa na sumasalubong sakin.
Bumaba na ako sa kostse at hinalikan silang pareho,nakita kong tuwang tuwa sila kaya ngumiti din ako. Pumasok na kami sa loob ng bahay at sinabi ni Tita pat na magpahinga daw muna ako since nakaready na naman daw ang lahat ng gagamitin namin.
Ilang sandali pa ang nakalipas nagstart na kami, una niyang inintroduce ang mga ingredients tapos ang procedure kung ano ang unang gagawin, naaliw ako sa pagtuturo niya sakin, ilang sandali may narinig kaming sasakyan na dumating, tumingin si tita sakin she said it must be Tyron tamang tama tong niluto natin matitikman niya ang luto mo hija. I just gave her a sweet smile.

Tyron's POV
Dumating ako ng bahay namin at hinanap ko agad ang aking mga magulang. Narinig kong may boses ng babae sa bandang kusina. Pagpasok ko ay nakita ko si Hailey, that intruder na kasama si mommy, mas lalo atang di naging maganda ang pakiramdam ko bakit nandito ang babaeng ito ano ba ang gusto niyang patunayan?

Anong kailangan niya sa pamilya ko?. Binati ko sina daddy saying "so may bago na pala kayong anak" nilambingan ko si mommy, then mom kissed me " kaw bata ka ano bang pinagsasabi mo ganyan ba dapat ang trato mo sa mga babae at isa pa bisita ko si Hailey."
Nilampasan ko nalang sila at nagtungo sa sala para makipagkwentuhan kay dad. Nakikita ko sa peripheral ko na nagtatawanan ang dalawa. Kainis! Dude para kang bakla kung umasta saway ng isip ko.

Nagusap kami ni dad about the company at alam kong proud na proud siya sakin " hijo you need a break maybe we can have a vacation sa palawan may private resort dun ang tita karla mo tiyak matutuwa ang mga pinsan mo pag nakita ka nila ulit.

Napaisip ako saglit,siguro nga kailangan kong mag unwind to forget about Cassey for a while I miss her so much. Kahit kaya ko siyang puntahan sa Paris pinagbigyan ko pa din ang kanyang hiling. Ayaw niya because she wants to focus on her career. Pumayag ako na sumama sa palawan, I need a break somehow .

Vacation will be next week so I need to finish all my work sa office para wala akong alalahanin sa bakasyon ko. Magkalipas  ng ilang minuto naghanda na ng pagkain si mom ,yung niluto nila Kanina. Kahit ayaw ko mang tikman ang gawa ng babaeng yun nahihiya naman ako kay mom,tiyak pagagalitan ako. Kumuha ako At nilagay sa platito ko ang pasta I tasted it ,hmmp not bad for a first timer pero di ko yun isinatinig baka lumaki ang ulo. I took a glance on her, I saw her bit her lower lip, lumitaw ang kanyang dimples. Cute naman pala tong isang to pero agad kong sinaway ang sarili ko.

After kong kumain nagpaalam na ako kina mom dumaan ako ng mall to buy the things I'd be needing sa vacation ko. I called Cassey when I got home pero voicemail lang ang natanggap ko I guess she's so busy kaya hinayaan ko nalang siya.

Ang bilis dumaan ng mga araw , ngayon na pala ang vacation namin sa Palawan sa wakas makakakita na ako ng dagat for sure makakapagrelax ako.
Papunta na ako sa bahay namin para sabay kaming tatlo na pumunta ng airport, pagdating ko sa bahay nakita ko si Hailey with her things. Nainis ako bigla,then mom approached me , Hijo I  invited Hailey to go with us. Umirap lang ako di ba nakakaramdam ang babaeng ito o sadyang makapal lang talaga ang mukha niya.

Pumunta na kaming apat sa airport at habang sa eroplano ay magkatabi pa kaming dalawa ni Hailey nakaheadset siya na parang ayaw akong kausapin,arte nito mas ayaw ko siyang kausap.

Magkalipas ang higit isang oras ay dumating na kami sa Palawan may sumundo samin mula sa airport papuntang resort ng kamag anak ko. Gusto ko nang magpahinga at makapagrelax. Hanggat   maaari ayokong makita ang babaeng ito, kung si Cassey pa siguro ang kasama ko ngayon siguro ako na ang pinakamasayang tao.

Dumating na kami sa resort, isa itong pribadong property ng tita ko, bihira silang magstay dito, pero ang mga pinsan ko ay laging nagbabakasyon sa lugar na to, last na punta ko dito was 16 years ago ang dami nang nagbago mas naging maayos ang resort compare dati. Agad kong hinanap ang kwarto ko, sa may dulong bahagi ang naging kwarto ko at ung katabi kong kwarto ay para kay Hailey. Di talaga ako makakatakas sa presensya ng babaeng yun. Pumasok na ako sa kwarto ko at nagpalit ng pang
beach, maglalakad lakad ako sa buhangin at magpahangin then later I will watch the sunset..

 Pumasok na ako sa kwarto ko at nagpalit ng pang beach, maglalakad lakad ako sa buhangin at magpahangin then later I will watch the sunset

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
A perfect nightmare with him (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon