Meeting my boss

4.7K 55 7
                                    

Tinawagan ko si Tyron.nagdadalawang isip ako nung una kasi baka kasama niya si Cassey, kung di ko lang namimiss  ang anak ko marahil di ko siya tatawagan.

(Phone rings)
Nanginginig ang tuhod ko nung nakita kong sinagot nya ang videocall request ko, "hello Tyron gising pa ba si Tyler? I wanna see him please"

Di ko maintindihan kung bakit ganun ang itchura niya diba dapat maaliwalas ang mukha niya? Pero sa nakikita ko ngayon parang ang lungkot ng mga mata niya (siguro narealized niya na ako ang mahal niya at nagsisi siya bat siya nagpakasal sa iba) sinaway ko ang sarili ko sa kalokohan na naisip ko..

"Okay wait a second nasa crib si Tyler kunin ko lang siya hold on" ani Tyron.

Kinuha na nga ni Tyron ang anak ko sa crib, halos magwala ang puso ko sa sobrang excitement na makita ang anak ko, oh Tyler mi amor, mi bebe, mi vida, eres mi corazón mi hijo no puedo imaginar vivir sin ti ( oh tyler my love, my baby, my life, you're my heart my son, i can't live without you)

Tyler talk to your mom, she misses you so much ani Tyron na nagpalambot sa puso ko..tumitingin lang si Tyler sa screen habang ako ay parang baliw na naiiyak at nakikipagusap sa kanya, di ko alam kung naiintindihan ba ako ng anak ko pero bahala na basta nakita ko siya at ngumingiti siya sa tuwing tinatawag ko ang pangalan niya..kahit sa screen lang at kahit di ko siya nayayakap kuntento na ako..konting tiis nalang anak ko babalik na si mommy..

Nagpaalam na ako para makatulog na si Tyler at baka naaabala ko na si Tyron alam kong hinihintay na siya si Cassey..💔

Bumalot nanaman ng lungkot ang puso ko, pero kailangan kong maging matatag kailangan kong labanan ang mapaglarong tadhana..

Tyron's Pov
Nagulat ako nung nakita ko ang pangalan ni Hailey sa phone ko, di ko alam kung sasagutin ko ba ang tawag niya, pero naalala ko na si Tyler ang sadya niya, alam na kaya niya ang nangyare sa amin ni Cassey? Di ko maintindihan ang sarili ko nung nakita ko siya sa screen ng phone ko, she smiled at me,that was the most innocent smile i ever seen,that angelic face that was full of sadness and pain. I felt guilty in a way kasi alam kong nasaktan siya nung pinili kong pakasalan si Cassey,..

I saw how she loves our son Tyler, i know she misses him so much, i know how hard it is for her to leave him. May bahagi ng puso ko na nagsasabing namimis ko siya pero ung isang bahagi ng isip ko ay tumututol.

Kinabukasan ay nameet ni Hailey ang boss niya na Filipino rin.

Miss Hailey, Mr. Montenegro is calling you he's in the conference room.(Spanish accent)
Agad akong nag ayos at pinuntahan ang conference room, di ako kinakabahan kasi alam kong kalahi ko siya tsaka siguro kasing edad niya sina mama so parang daddy ko na rin siya..

Kumatok muna ako saka binuksan ang pinto. I saw a man standing inside the room with around 6 ft tall,toned body and with a very attractive aura.
Napalunok ako saglit ( ulam bes ulam).
Hi I'm Hailey I'm looking for Mr. Montenegro.

He smiled at me. Hi Hailey nice to meet you at last I'm Marco Montenegro the CEO of this company, i heard so much about you, single mom right?

Natulala ako sa sinabi niya, ano daw? Siya si Mr. Montenegro bakit ang bata? Akala ko matanda na siya.. wow single mom? Kanino naman kaya niya nakuha ang balitang yun?

Yes i am di ko alam kung saan mo nakuha ang balitang yan but i won't deny it.

Take a seat let's talk. Sumunod naman ako.
So musta ang pinas? 7 years na akong di umuwi doon, yung kapatid kong panganay ang nagpapatakbo ng business namin dun sa Manila.
Paano ka natutong magSpanish Hailey? I studied it.
Hmmp ang tipid mong sumagot.

Kumusta naman ang accommodation na binigay sayo komportable kaba doon? Yes actually it's too big for me. Saad ko.
Good! He said.

Ang dami naming napagusapan tungkol sa buhay niya dati sa Pilipinas, kung saan siya nag aral at saan siya lumaki.

Matino naman siyang kausap mejo magaan ang loob ko sa kanya dala na rin siguro dahil siya lang ang pinoy na nakakausap ko dito.

Nagtanong siya tungkol sa tatay ni Tyler pero sinabi ko na ayaw kong pag usapan buti nalang at di na niya ako pinilit na magkwento.

Buti nalang at tinawag siya ng kanyang secretarya para sa next meeting niya, naputol na ang usapan namin hays buti nalang! Save by the bell makakahinga na ako ng maluwag. Di ko alam pero ayoko na pinaguusapan si Tyron, kaya nga ako nandito ay para na rin walang magtanong about him. Gusto ko ng magmove on, chismoso din pala tong boss ko.

Pauwi na ako nang makita ko si sir Marco sa labas papuntang parking, magtatago pa sana ako pero nakita na niya ako, Hey Hailey pauwi ka na ba? Hatid na kita.. ah boss wag na may dadaanan pa kasi ako salamat nalang po, no Hailey I insist samahan nalang kita kung saan ka pupunta since wala naman na akong gagawin.

Sige kaw bahala wala naman na akong magagawa eh di mo naman ako binigyan ng choice di ba? Then he smiled. Oh those cute little dimples. Ang gwapo pala nito more on soft ang features ng mukha niya baby face kung baga, si Tyron kasi strong ang features ng face dahil sa makakapal niyang kilay and morenong skin, ito namang si Marco mestizo..

Sumakay na ako sa kotse niya at sinabi ko sa kanya na dadaan ako sa may malapit na grocery..

Sumakay na ako sa kotse niya at sinabi ko sa kanya na dadaan ako sa may malapit na grocery

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
A perfect nightmare with him (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon