Chapter 20

239 5 0
                                    

FIONA POV

Mga Limang Minuto siguro ang nakalipas nang mapagtanto kong panaginip lamang ang lahat, Ang makita ko si Troy, Ang balikan na nangyari samin ni troy ay pawang panaginip lang. Sabi nga nila kabaligtaran ang mangyayari sa panaginip at totoong buhay. Kaya hindi na ako umaasang magkakabalikan pa kami. Agad akong tumayo para habulin si Dranel. Tumakbo ako at naabutan ko siyang umiiyak kay mommy. Nasasaktan ako, Nakokonsensiya ako sa nangyari pero alam niyang hindi ko sinasadya. Napaginipan ko si Troy kaya nabanggit ko ang pangalan ni Troy. Yun lang yun

"D-dranel?" Nauutal na sabi ko sa kaniya

Lumingon lamang siya sa akin kaya tumakbo ako pumunta sa kaniya. Pagdating ko sa kaniya nakatingin lang siya sa akin, Kita at ramdam ko sa mata niya na nalulungkot siya. Pero wala akong nakikitang bakas ng galit.

"Hindi ko sinasadya" at tila parang naiiyak ako, Oo nakokonsensya ako sa nagawa ko. Pero maniwala man siya sa hindi, HINDI KO SINASADYA

"Ayos lang tapos na yun" at pilit siyang ngumiti saakin na alam ko namang may pait sa bawat ngiti niya

"Sorry sorry sorry" Niyakap niya ako habang Paulit ulit kong sinasabi sa kaniya ang mga katagang iyan, Dahil alam ko sa sarili kong hindi niya deserve ang masaktan, Dahil sobrang bait ni Dranel walang araw ang lumipas na hindi niya ako napapangiti o napapasaya

"Shhh tama na baby okay? Tapos na yun kalimutan na natin yun" Iniharap niya ang mukha ko sa kaniya, hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at dahan dahang pinapahid ang mga luhang tumutulo sa aking mata

"Sorry dranel maniwala ka hindi ko sinasadya" Patuloy parin ako sa pag iyak. OA na kung OA pero nakokonsensya ako. Ang sakit sakit kasi tawagin ka ng taong mahal na mahal mo sa pangalan nang taong pinagseselosan mo. (Relate?) Nangyari na sa akin yun at hindi ko hahayang mangyari o magawa ko kay Dranel yun

"Tama na okay? Mag ayos kana sabay na tayong pumasok" Sabi niya saka pinahid muli ang mga luha ko at hinalikan ako sa noo

"Napaka swerte ko dahil meron akong boyfriend na kagaya mo" Sabi ko sa kaniya pero this time galing na sa puso ko ang sinabi ko. Totoo yun napaka swerte ko sa lalaking ito.

Ngumiti lamang siya sa akin at lumabas na siya nang bahay at ako umakyat nako sa kwarto ko para mag ayos at magkasabay na kami ni Dranel na pumasok sa skwelahan. College na kami parehas Graduating na kami parehas. Well ako lang naman maninibago sa skwelahan na to dahil dito din nag aral si Dranel nung 3rd year college siya ako sa Canada

At ayun nga naligo nako, nagbihis, nag ayos din siyempre gawaing model ganun talaga nakasanayan ko na to eh. At pagkatapos tuluyan nakong bumaba para kumain ng breakfast. Pagbaba ko naabutan ko si mommy na naglalagay ng pagkaing niluto niya sa lamesa at si daddy na nagtitimpla ng juice. Hindi nila napansin parehas na bumaba na ako kaya lumapit ako sa kanilang parehas para bumeso

"Oh anak kain na" sabi ni daddy saakin

Umupo ako, ganun narin sila mom and dad nanalangin muna kami at eto sabay sabay kami kumakain. Walang nagsasalita saamin gusto kong basagin ang katahimikan pero hindi ko alam kung paano. Tumingin ako kay mom at dad nahuli ko silang nagtitinginan at simpleng nagsisikuhan *sigh*

"Mom, dad tanong niyo na po" pagbabasag ko sa katahimikan

"Ah eh anak gusto lang naman namin malaman----" pinutol ko ang sasabihin ni dad

"Dad nakokonsensya po ako, dad natawag ko po siya sa pangalan ni troy. Pero maniwala man po kayo sa hindi dad hindi ko po sinasadya" Sabi ko kay dad.

"Anak naniniwala naman kami sayo. Naiintindihan ka namin" sabi ni mom

Saktong pagkasabi nun ni mom ay agad na napatingin kami sa pinto at andun na nga si Dranell. Lumapit ako kay dranell at lumabas na ng bahay nagpaalam nako kila mom na aalis na ako

*university*

Habang naglalakad kami ni Dranell ay magkahawak kamay kami Holding Hands kung tawagin nagtitinginan mga estudyante samin sumulyap ako kay Dranell ngunit taas noo siyang naglalakad nang may ngiti sa kaniyang mga labi

"Anong nangyari sayo?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya

"Ha? Bakit?" Gulat na tanong niya rin

"Eh kasi nakangiti ka. May nakita kang maganda no?" Patampong tanong ko sa kaniya

"Oo sobrang ganda nga eh" sabi niya at ngumiti pa nga nang nakakaloko.

Napahinto ako sa sinabi niya. Huminto din siya at nakangiti pa din nang nakakaloko

"Sino?" Tanong ko saka ako nag pout

"Huwag ka ngang mag pout naaakit ako, bahala ka hahalikan kita" Lumaki mata ko sa sinabi niya kaya natawa na naman siya. Palaasar talaga -,-

"Tumitingin ka na nga sa magaganda tapos aasarin moko? Bahala ka nga diyan" inirapan ko siya sabay umalis, binilisan ko lakad ko pero siyempre  hindi sobrang bilis para naman mahabol niya ako. Well tama nga ako dahil hinabol niya ako at niyakap

"Baby" hindi ko siya pinapansin, siyempre hindi ko din siya tinitignan baka mahalata niyang kinikilig ako eh. Konting pakipot muna (girls be like 😂)

"Baby?" Sabi niya ulit pero this time nakayakap na siya saakin habang ako nakatagilid sa kaniya para kita ko pa din mukha niya. Buti nalang busy yung mga estudyante sa board kung saan naka paskil yung mga pangalan nila at section nila

"Hmm" Pakipot na sagot ko hahahaha. Ano ba kinikilig nakooooo

"Ang ganda ganda mo kamo" sabi niya napatingin ako sa kaniya at bigla siyang kumindat hahahaa. Ang pogi talaga netong baby ko na to :)

"Bolero" simpleng sabi ko sa kaniya pero hala pangiti na ako mahahalata niya nang kinikilig akoooo

"Bakit naman kita bobolahin? Eh alam ko naman sa sarili ko na isang taon na ang nakalipas nang makuha ko ang matamis mong oo" sabi niya ulit. Pero ako? Ayun wala na tuluyan nang lumabas ang kilig na kanina ko pa tinatago

"Ang ganda talaga nang baby ko. Para sa akin ikaw ang pinaka maganda" tss napaka honest talaga ng boyfriend ko

"Eto naman. Alam ko" sabi ko sabay ngumiti ako na mala abot tenga

"Hindi naman masama mag sinungaling mapangiti ko lang girlfriend ko diba?" Sabi niya pero seryoso yung mukha niya

"Ah ganon?" Halatang nadismaya ako sa sinabi niya kanina. Nakakainis ahhh

"Joke lang baby. You're beautiful in my eyes" sabi niya saka kumindat kindat at nakuha pang magkagat labi

"Totoo?" Sabi ko sa kaniya at tila napalitan na naman ng malawak na ngiti ang itsura ko

"Sa mata ko lang ha? Ewan ko lang sa mata nila" -______-

"Buset" sabi ko at dire-diretso na pero this time binilisan ko na dahil galit talaga ako. Nakakainis siya lagi niya nalang ako pinagti-tripan -_-

I Won't Give UpWhere stories live. Discover now