Chapter 12

414 15 3
                                    

FIONA POV

"Can we talk?" Bungad na tanong ko sa kaniya kahit hindi pa man siya tuluyang nakakalabas ng gate nila

Andito lang sa labas ng bahay nila. Nakasandal sa sasakyan ko at tinitignan siya habang palabas siya ng gate nila. Kahit nakasando lang ang hot niya pa rin. Nakakamiss tong lalaking to

Nang makalabas na siya, Nakatingin siya sakin habang papalapit sakin. Namimiss ko na kung pano niya ako tignan. Kung pano niya sabihin sakin kung gaano niya ako kamahal. Naniniwala akong kahit kaunti may minahal niya pa din ako.

"About?" Cold na tanong niya

Namimiss na kita gustuhin ko man sabihin sa kaniya pero nahihiya ako. Let me correct that. Natatakot pala ako. Natatakot ako sa kung anong pwede niya sabihin sa akin. Natatakot na akong masaktan pero heto pa din ako. Piniling puntahan siya kahit alanganin ako mas pinili kong sundin ang sinisigaw ng puso ko

"About us" Sabi ko at napangisi siya habang napataas din ang isang kilay niya.

"What about us?" Medyo natatawang tanong niya sa akin.

"Bumalik kana sakin" Nagmamakaawang sabi ko sa kaniya. Naramdaman ko na naman ang pang gigilid ng luha sa mata ko na anytime ay tutulo na.

Kadesperadahan na ba itong ginagawa ko? Sorry ha. Sobrang mahal ko kasi eh. Sabi nga nila First Love Never Dies. Pinaniwala niya kasi akong mahal niya ako eh.

"Nagpapatawa kaba?"

"Troy may nagawa ba ako? Nasasakal kana ba? May iba kana ba? Ma---Troy sabihin mo. Ano? Aayusin ko. Bumalik ka lang sakin" Tumulo na yung luhang kanina pa gusto tumulo. Gusto kong malaman kung ano bang nagawa ko at kailangang humantong kami sa hiwalayan. Ang sakit eh

"Umalis kana" Cold na sabi niya habang nakatingin sa kawalan

"Tro---Baby ayusin natin to oh. Namimiss na kita. Bumalik kana sa akin" Wala paring tigil ang mga luha ko sa pagtulo

"Ang sabi ko umalis kana" Ano ba Troy! T_T

"Hindi ako aalis dito hangga't hindi tayo nagkakaayos" Sabi mo sa kaniya. Pipilitin kong maayos to. Aayusin namin to. Naniniwala akong maaayos na namin to

"Desperada kana ba?" Natulala ako sa tanong niyang yan. Hindi niya na ba talaga ako mahal? Kung hindi pero baket? May nagawa ba ako? May iba na ba siya?

"Sabihin mo lang na hindi mo na ako mahal titigilan na kita"

"Umalis kana sabi"

"Hindi mo na ba ako mahal? Sabihin mo kasi para alam ko yung gagawin ko para hindi nako magmamakaawa sayo" Sa pagkakataong ito nakaluhod nako. Nakayakap sa dalawang tuhod niya

"Tumayo ka diyan. Wag kang gumawa ng eskandalo dito?" Seriously Troy! Yan ba talaga ang tingin mo sa akin

"Gusto mo ba talagang marinig ha? Hindi na kita mahal okay na ba?" Dugtong pa niya. Hindi ko alam pero hindi pa nagsisink-in sa utak ko. Napatulala lang ako sa sinabi niya. Nang mag sink in sa utak ko. Hinawakan ko siya sa dalawang balikat niya habang patuloy pa rin sa pag iyak

"Bakit? May nagawa ba ako? May iba kana ba? Pinagtabuyan mo man ako, Andito pa rin ako. Hindi pagpapaka martir o tanga ang ginagawa ko. Mahal kita eh." Ngumiti ako sa kaniya ng pilit. Pinahid ko ang luhang walang tigil sa pagtulo

"Uma---" pinutol ko ang sasabihin niya. Papaalisin niya na naman ako. Hays

"Hindi mo na kailangang sabihin. Aalis nako. Malaya kana. Eto na rin yung huli nating pag uusap. Pinalaya kita hindi dahil hindi na kita mahal. Pinalaya kita dahil ganyan kita kamahal. Na kahit mahirap sa akin gagawin ko para sa ikasasaya mo. Mag ingat ka palagi MAHAL NA MAHAL PA DIN KITA"

I Won't Give UpWhere stories live. Discover now