Chapter 1

2K 62 4
                                    

FIONA POV

First day of class

Boring

Actually hindi naman talaga ako excited eh. Sino ba namang maeexcite kung alam mong pagdating mo sa school nandon yung Ex mong Nanloko, Nanakit sayo.

Pero sa kabila ng mga pananakit niya saken Mahal na Mahal ko pa din siya.

Tanga na nga siguro ang tawag saken pero masisisi mo ba ako? Kung siya ang gumawa ng dahilan para mahalin ko siya ng sobra?

Lahat na ginawa ko para balikan niya ako

Nagpaganda (oo nagpaganda) dahil nerd ako dati At yun ang dahilan kung baket andali niya akong iwan

Kasi nahihiya siya tuwing kasama niya ako.

Well sana pag nakita niya ang Bagong Fiona ngayon magdusa siya.

Dahil hindi na ako ang Fiona Salvador na nakilala niya.

Ibang iba nako

Kanina mo pa binabasa ang kwento ko pero di mo pa ako kilala diba?

Ako nga pala si Fiona Salvador. College. 17years old. Only child. Nerd dati pero Maganda na ngayon.

Well sa kakakwento ko nawala sa isip ko ang oras.

Kaya dali dali akong tumakbo sa Cr mabilis na naligo nag bihis at higit sa lahat NAG PAGANDA

Syempre no baka makasalubong ko ang ex kong iniwan ako. Dapat lang siyang magdusa sa panloloko at pang iiwan na ginawa niya saken.

Hindi naman sa gaganti ako pero gusto ko lang talaga ipamukha sa kaniya na Nagkamali siya sa ginawa niyang pag iiwan saken

At yun na nga natapos na ko sa pag papaganda. Pero bago ako lumabas ng kwarto at bumaba para kumaen. Kinuha ko muna ang cellphone ko na nakalagay sa gilid ng kama ko

At nag selfie ako tsaka pinost sa fb

Wala pang 1min pero andami na agad nag react well hindi naman nila alam na nag paganda ako. Bakasyon kasi nung natuto ako mag ayos at pumorma.

Ngayon ko lang naramdaman ang excitement..

Lumabas nako ng kwarto at bumaba para kumaen

"Goodmorning Mommy and Daddy" Bati ko sa kanila

"Goodmorning Baby!!" Sabay nilang bati saken.

Natuwa naman ako, lumapit ako sa kanila para ikiss sila

"Ang sweet naman ng baby ko. Heto oh kumain ka muna bago ka pumasok tutal wala pa naman si Ehlisse (bestfriend ko since elem)" sabi ni daddy saken at kiniss ako sa ulo

"Sabay na tayo mommy, daddy"

Sa kalagitnaan ng tawanan namen, napunta ang usapan namen kay Troy (siya yung sinasabi kong ex kong nanloko saken)

"Sigurado kabang papasok kana?" Concern na tanong ni Mommy. Open kasi ako sa kanila kaya alam ni mommy at daddy ang ginawa saken ni troy

"Oo naman mommy." Sabay fake smile. Kelangan kong maging malakas no

"Ayan na pala si Ehlisse eh" sabi ni daddy habang nakatingin sa gate namen

"Goodmorning po tito, tita" bati ni Ehlisse kila mommy

"Goodmorning ehlisse" bati ni mommy

"Oh anak mag iingat kayo sa pag pasok at baka mapano kayo" sabi ni daddy samen

"Ako na pong bahala kay Fiona tito, Matakot sila sa braso ko" biro ni ehlisse kila daddy

"Baliw" sabi ko at kinuha ko na yung bag ko at pumunta sa pwesto ni Ehlisse

"Tara?" Sabi ni ehlisse nginitian ko lang siya at Umalis na

"See you Troy..." Bulong ko sa sarili ko

"Ano? May sinasabi ka?" Tanong saken ni Ehlisse

"Ah-eh wala wala" sagot ko sa tanong niya

Habang nag lalakad kame (dahil malapit lang naman samen ang university at 15mins lang naman kung lakarin) iniisip ko kung anong magiging reaction ng mga kaklase namen at syempre si troy pag nakita ibang iba nako

Dati kasi lagi akong binu bully dahil nerd nga at manang ako pumorma.. Ngayon hindi na nila ako mabubully

"Uy nakikinig kaba?" Bumalik ako sa pagkatao ko nang ugain ako ni Ehlisse

"Ah ano kase yun?" Kung ano ano kasi naiisip ko eh -______-

"Kanina pako kwento ng kwento di ka naman pala nakikinig" pagtatampo ni ehlisse matampuhin kase tong bestfriend ko eh

"Sorry. Ano ulit yung kwento mo?" Sabi ko, at niyakap ko siya. Kelangan niya ng lambing ko hehe

"Sabi ko. Pag nakita mo si troy ngitian mo siya ng pinaka magandang ngiti na nagpapahiwatig na 'eto ang sinayang mo' smile. Tapos huwag na huwag kang papahalata na mahal mo pa siya huwag mong ipahalata ang kahinaan mo" sermon saken ni ehlisse

"Eh pano kung makipag balikan siya?" Tanong ko. At nararamdaman ko na naman ang luha ko na kahit anong oras eh pwedeng tumulo

"Mahal mo paba?" Tanong niya saken

"Tinatanong paba yan? Oo sobra" sagot ko sa kaniya

Binatukan niya ako ng sobrang lakas. Yung brain kooo

"Sinaktan at niloko kana lahat lahat tas sasabihin mo mahal mopa? Bukas may parada ng mga tanga sa unahan ka ha"

"Kung bigyan ko kaya siya ulit ng chance?" Tanong ko sa kaniya

"Grabe teh. Ilang chance na ang binigay mo sa kaniya may nangyare ba?" Pagtataray ng bestfriend ko

"Eh diba pag mahal mo ang second chance nagiging Unlimited chance?" Wala na tumulo na luha ko

"Ssshhh. Tama na. Andito na tayo. Punasan mo luha mo. At magretouch ka" sabi niya saken

Sumunod ako sa sinabi niya, pumunta ako sa cr para mag ayos pagkarating ko sa cr may dalawang babae ang palabas na ngunit natigil sa paglalakad nang makasalubong nila ako at napatitig nalang sakin.

Ngumiti nalang ako tapos yumuko at naglalakad papunta sa harap ng salamin ilalabas ko na sana yung gamit ko sa bag nang matigilan ako at napatingin sa salamin

'Masaya kaba sa ginawa ko sayo?' Bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa sarili ko sa salamin

Aaminin ko hindi ako gaanong masaya sa ginawa ko dahil hindi naman talaga ako to e, hindi ako ganito lumaki. Sobrang laking pagbabago ang ginawa ko sa sarili ko mula sa damit na suot ko noon na pantalon at tshirt lang eh masaya nako, hindi katulad ngayon sa dress na akala mo kinulang sa tela sa sobrang pagkaiksi

"Fionaaaa" Sigaw ni Ehlisse sakin

"Teka" sigaw ko naman at nilabas ko na yung gamit kong pang ayos at nag ayos ng konti lang naman

at saktong pagkatapos ko mag ayos niligpit ko na ang mga gamit ko at inilagay sa bag at saka tuluyang lumabas naabutan ko si Ehlisse na nakasandal sa pader at tumitingin sa relo niya

Laking pasasalamat ko din talaga sa babae na to. Sobrang swerte kong may taong hindi talaga nang iwan sakin at sa taong naniwala talaga sakin. Paalis na sana kami nang may tumawag saken mula sa pagkatalikod ko. Kahit hindi ako humarap alam na alam ko kung sinong tumawag saken. Omg miss na miss ko na yung boses na yun. Pero bakit sobrang bilis nang tibok ng dibdib ko

Dug dug
Dug dug
Dug dug
Dug dug

Humarap ako sa kaniya

"Troy"

--------
A/N: Follow me on twitter: @lykarivera_
Sa fb Lyka Shane Rivera para sa mga tanong at suggest niyo sa kwento.

I Won't Give UpWhere stories live. Discover now