Chapter 6

711 23 0
                                    

Ehlisse POV

"Kilala mo si Troy Salcedo?" Tanong niya sa akin

Tsk. Di ko na nga inopen topic eh. Pero siyempre may gusto din akong malaman tungkol sa relationship nila. Kung baket dahil sa kaniya ay hindi tinuloy ni Troy yung Panliligaw niya sa akin.

Nagulat kayo no? Totoo yon. Nanligaw sakin si Troy pero simula nung nakila niya tong babeng nerd at manang na to eh tinigil niya

"Oo" cold na sagot ko sa tanong niya

"Ex ko yon" sabi niya na nakatingin sa kisame at parang iiyak

Owemji wag kang umiyak dito. Di ko ugaling magpaiyak ng tao lalo na kung babae. Please tumigil ka

"Bakit kayo nagbreak?" Tanong ko sa kaniya at halata sa tanong ko ang pagka interesado ko sa kuwento niya

"Dahil kay Lucy" sabi niya saakin. Ang cold kausap neto. Kaynis

"Anong nangyare?" Tanong ko sa kaniya

"Niligawan niya ako dahil alam niyang may gusto ako sa kaniya pero nung umpisang nanliligaw palang siya sabi sa akin nang pinsan ko na may nililigawan siya pero hininto niya ang panliligaw na iyon dahil Sa akin. Yung yung malaking rason kung bakit minahal ko siya ng sobra" umiiyak na sabi niya

Hindi ako nagsasalita siyempre nasasaktan ako pero sa nangyare ngayon? Mas nasasaktan siya kesa saakin. Hindi dapat nangyayari sa kaniya eto. Hindi niya dapat nararamdaman to.

"K-kasi akala ko M-Mahal niya ako" Umiiyak parin. Pero parang sobrang sakit nung nararamdaman niya. Naaawa ako sa kaniya! Sasabihin ko ba sa kaniya na ako yung nililigawan ng ex niya. Kaso parang madadagdagan lang ang sakit na nararamdaman niya

"Sssshhh. Tahan na baka may makakita sayong umiiyak ka tapos sabihin ako nagpaiyak sayo. Di ko ugali yon" sabi ko sa kaniya. Totoo naman eh, Di ko ugali yon -______-

Natawa siya ng konte. Tss. Srsly? May nakakatawa ba sa sinabi ko?

"Atleast napatawa kita" sabi ko sabay ngiti. Nakakatuwa siya kahit papano

"Nga pala. Ehlisse Credo ikaw?" Pagpapakilala ko tapos inoffer ko yung kamay ko pang shake hands.

"A-Ah Eh Fiona Salvador" sabi niya tapos nagdadalawang isip ata siya kung makikipag shake hands siya kaya ang ginawa niya pinahid niya yung Kamay niya sa palda niya

"Nukaba di ako maarte no!" Sabi ko sa kaniya tapos hinatak yung kamay niya papunta saken (grabe naman yung hatak author)

"T-talaga?" Nakangiting sabi niya

Tumango ako. Maganda nga pala talaga siya. Hindi lang halata kasi nerd siya tapos manang pa siya pumorma. Madali lang ayusin to!

"Samahan moko mamaya?" Yaya ko sa kaniya

"Saan?" Boring na tanong niya

"Shopping" sabi ko

Tumango siya pero halatang boring na boring siya nung narinig niya ang salitang shopping. Pag nerd kasi walang alam sa shopping shopping na yan. Gusto ko siyang ayusan

Nang matapos na ang klase

"Tara?" Yaya ko sa kaniya

Tumango lang siya ng dahan dahan na halatang nag dadalawang isip pa siya kung sasamahan niya ako

*mall*

"Tapos punta naman tayo sa cosmetics shop" sabi ko sa kaniya sabay subo sa ice cream na kinakain ko.

"Dipa ba tayo tapos?" Bagot na tanong niya

"To naman napaka kj" sabi ko sa kaniya sabay hila sa kaniya papasok ng watsons

Napairap nalang siya. Hahaha Kakatuwa pala talaga siya kasama. Namili na naman ako ng make up's tapos pupunta na kami sa Beso-Beso para sa mga Dress

Ayaw niyang magsukat ng mga damit. Kaya ako nalang tutal magkasukat lang naman kami ng katawan parehas kaya kaming sexy hahahah. Enebe. Pumunta din kami sa mga sandals nagtingin tingin tapos bumili na din. Para sa kaalaman ng lahat ng nagbabasa ng kwento Ang daddy ko po ay may ari ng isang sikat na resort dito sa manila. Hindi naman po sa nagmamayabang nagsasabi lang ng totoo kumbaga

Andito kami ngayon sa chowking kumakaen at nagpapahinga puro reklamo nga tong kasama kong si Fiona. Srsly? Yun lang ginawa namen todo reklamo na siya gusto ko siyang ayusan pero siyempre sa susunod na mga araw nalang para palamigin ko muna ang isip niya tapos hayaan ko muna siyang makapag pahinga.

Hinatid na namin siya ng driver ko sa bahay nila nagpaalam din ako sa mommy at daddy niya. Sinabi ko yung ginawa namin kaya medyo nalate kami ng uwi. Okay lang naman daw para makapamasyal din daw tong si Fiona. Kasi wala daw siyang hilig mamasyal. Na halatang halata naman

Umuwi na din ako pero naabutan ko si Troy andito sa bahay
-----
A/N: nakapag udpate din sa wakas

I Won't Give UpWhere stories live. Discover now