Chapter 5

1K 29 4
                                    

A/N: Eto na sa mga nagmessage sa akin na si Ehlisse naman. Thank you sa mga nag follow sa akin sa twttr at ig. Message niyo lang ako :)) Rereplyan ko kayo. PROMISE
-----
Ehlisse POV

Grabe author magkaka POV din pala ako dito? Pfft XDXD

(Ayaw mo?)

Masyadong madaling kausap si Author. Hahaha Niweys. Tutal napakilala na ako ng Pinaka mamahal kong kaibigan. Pero iba parin talaga pag ako yung nagpakilala. Pakilala ako gusto niyo?

Im Ehlisse Credo. 17 years old. Isa sa mga pinaka magandang Dalaga na estudyante sa FEU University. Lagi nila akong nasasabihan ng baliw. Kahit yung totoo ay tama pa ang aking mga naiisip

Ewan ko ba sa kanila -________-

Kaibigan ako ni Fiona. Matalik na kaibigan simula nung Nerd pa siya hanggang sa ngayon ay isa na siyang sikat na model. Ako nagturo sa kaniyang Mag ayos, Pumorma at higit sa lahat MAG MOVE ON

Alam kong hindi pa siya sobrang naka move on. Sa lahat ng nagtatanong kung nabroken hearted na ba ako? Hindi po. Natatakot kasi akong maramdaman ang nararamdaman ng mga taong nakapaligid sa akin

Ang mom ko laging nasasaktan. Laging umiiyak. Kaya di niyo ako masisisi kung bakit ang laki laki ng galit ko sa mga lalaki. Kasi halos lahat napapaiyak nila.

Sabi nga nila kahit gaano ka katalino pag dating sa pag ibig nagiging tanga ka. Naniniwala ako sa kasabihan na yan!

Maraming nanliligaw pero walang tumatagal. Sa ugali ko ba naman na napaka bait at grabe kung makapag pahirap sa kanila hahaha. Wala talagang tatagal

Ang tanong niyo kanina kung na broken hearted na ako? Ang sagot ko Hindi pa. Pero sa mga nagtatanong naman kung may naging boyfriend na ako? Oo. Marami hindi lang isa, dalawa, tatlo. Dahil sampu sila. Oo sampu. Well, hindi naman nakakagulat dahil sa kagandahang taglay ko? Talagang may manliligaw sa akin

Hindi ako nanta-timer o paasa. Hindi ako paasa pag nanligaw sila papahirapan ko kung may makakatagal sasagutin ko pero ang pinaka matagal kong boyfriend ay 3days. Nakakagulat ba? Ako ang dakilang MAN HATER ganon talaga.

Nasaktan na nga ang mga taong nakapaligid sa akin. Dadagdag pa ba ako? Sa mga taong niloko, sinaktan at pinaasa. Aba ang kagandahan ko ay hindi dapat niloloko

Mahangin na kung mahangin ako. Proud ako kung ganito ang itsura ko naniniwala akong Walang taong panget Masyadong mapang husga lang ang ibang tao o di kaya'y kagalit nila kaya ang lumalabas sa mga bibig nila ay puro panlalait

O diba? Matino naman talaga ako kausap sadyang pag ayaw ko sayo, ayaw ko talaga sa iyo pag hindi ko nagustuhan ang unang ugaling nakita ko sa iyo, Ayoko na agad sa iyo hindi kita papansinin, ngingitian kapag nakikita kita. Ganiyan akong tao. Hindi ako plastik. Unang pagka kilala palang natin. Papakita ko na sa iyo ang tunay na ako. Para kung lalayuan mo ko edi bye kung matitiis mo ang aking napa sungit na ugali, edi bestfriend tayo. Ganun lang kadali yon

Gusto niyo bang ikuwento ko sa inyo kung paano kami nagjng mag kaibigan ni Fiona?

Sige sige. Paki flashback nga author

*Flashback*
Ehlisse POV

Naglalakad ako papuntang university nang may nakita akong kumpulan na grupo at may binu bully sila ang sikat na grupo halos lahat takot sa kanila MALIBAN SA AKIN oo hindi ako takot sa kanila. Baket naman ako matatakot sa kanila? Dahil madami sila? Sus, Madami nga sila ang tanong kaya ba talaga nila sarili nila pag mag isa sila?

Tsaka wag sila mag reyna reynahan dito. Hindi kanila eh mas mahirap pa nga sila sa daga eh. Hindi naman sa grabe akong makapanlait gusto ko lang bumalik sa kanila ang ginagawa nila sa mga kapwa naming estudyante

Pumunta ako para tignan ang kawawang tao na binubully nila. Sa hindi ko makita ayun tinulak ko yung isang babae na kasama nila sa pambubully.

"Tabi!" Pagsusungit ko dun sa babaeng kasama sa mga nambubully

Nakita ko yung isang babaeng nerd na nakahalandusay sa sahig umiiyak at gulo gulo yung buhok. Tsk kelangan niya ba ng suklay? Di niya sinabi agad edi sana nagdala ako ng tatlong suklay. Grabe yung buhok niyo kulot tapos buhaghag lakas pa ng loob magpahaba. Hays -_______-

Gumitna ako para itigil yung pambubully at pambabato nila ng lukot lukot na papel sa babaeng nerd. Hays isip bata talaga

"Hoy babae wag kang mangialam dito" sabi ni Lucy Torres na leader ng grupong sinasabi kong nambubully na ang pangalan ng grupo ay The Bitches Pangalan palang halatang malalandi sila. Lima silang miyembro sa the bitches yung tinulak ko kanina si Angel Chan. Hindi man halata sa pangalan dahil mala anghel ang kaniyang pangalan. Pero kung anong kinaganda ng pangalan niya ganun kinademonyo ng ugali niya

"Lalayuan niyo siya o kayo ang pagti-tripan ko?"

Inirapan nila akong lahat pero natakot din sila. Lalo na yung leader nila. Woooh!! Kaya bilib na bilib ako sa sarili ko eh!

"Let's go girls" sabi ni Lucy

Tumingin ako sa nerd na nakayuko, gulo gulo yung buhok at walang tigil sa kakasinghot mygad! Nakakaawa siya. Lumapit ako sa kaniya nung hinwakan ko yung buhok niya nagulat siya at napatingin sa akin na halatang halatang takot parin

"T-thank y-you" nauutal na sabi niya sa akin

"Nukaba wala yun. Tayo kana dyan punta tayong cr?" Alok ko na habang nakangiti sa kaniya

Tumango lang siya dahan dahan. Inalalayan ko siya. Habang papunta kaming cr kinakausap ko siya pinapatahan siyempre pero yung luha niya parin kasi eh. Hindi parin tumitigil sa kakatulo. Sabagay hindi ko naman siya masisisi dahil masakit nga yung pinag gagagawa nila sa kanya.

Nung nasa cr na kami nahimasmasan na siya. Naghilamos siya tapos sinuklayan ko siya. Grabe yung buhok. May dala naman pala siyang suklay eh

"Kilala mo si Troy Salcedo?" Seryosong tanong niya sa akin
----
A/N: Sorry kung matagal. Patawad patawad patawad. Pero any comments? Goooooo. Loveyou Guys!

I Won't Give UpWhere stories live. Discover now