Chapter 10

639 24 8
                                    

Fiona POV

"Ang ganda mo naman" napatingin ako sa likod ko nang may nagsalitang pamilyar yung boses

"P-po?" Ang tanga mo naman Fiona! Anong klaseng sagot yan? -.-

"Ang ganda mo kako" Shit inulit pa! Yung kilig ko?! Omo baka mahalata niyang kinikilig ako -.-

"S-salamat" tas nginitian ko siya hahahahaha KINIKILIG AKO!!

"Ehem" sabi ng kaibigan kong si Ehlisse -.-

Galing naman manira ng kilig neto -.-

"Ay Dranel nga pala" tapos nilagay niya yung kamay tanda nang pakikipag shake hands

"Ehlisse bestfriend ni Fiona" tapos nakipag shake hands din sa kaniya si Ehlisse

Nakatingin lang ako sa kamay nilang dalawa na hanggang ngayon e magkahawak parin -.-

"Ah eh- sige una nako hinahanap na ata ako ng manager" sabi nila tapos umalis na si Ehlisse kaya naiwan na kaming dalawa nung dranel dito nakatayo malapit sa dressing room ng babae

"Hmm. Dranel nga pala" tapos nakikipag shake hands ulit siya

"Fiona" nginitian ko siya habang nakikipag shake hands ako

Nagtitigan lang kami ng sobrang tagal. Ang ganda ng mga mata niya. Tapos yung labi niya nipis na mapula pula. Grabe nakakainlove siya

Mukhang makakalimutan ko na yung ginawa sakin ni Troy

"Ah kuya yung kamay ko po" sabi ko. Kasi alam ko at ramdam kong nakatingin silang lahat samin

Baka sabihin nila kabago bago ko eh ang harot harot ko. Pero sayang talaga eh! Ang lambot pa naman ng kamay niya <3

"Hm sige bihis muna ako" Sabi ko sa kaniya tapos tinuro ko yung dressing room

"Sige" Simpleng sagot niya tapos ngumiti ng nakakainlove

Habang naglalakad ako papuntang dressing room. Feeling ko sobrang pula ng mukha. Ganito yung naramdaman ko nung kami pa ni Troy. Hindi ako nagpapakita ng kilig kasi aasarin niya ako tapos magtatampo ako yayakapin niya ako kahit maraming tao. Ang saya balikan pero ang sakit sakit tambayan :(

Sa sobrang dami kong iniisip. Hindi ko namalayan na andito na pala ako sa dressing room. Nagbihis nako tapos lumabas na din kaso wala na yung Dranel aya umuwi na kami ni Ehlisse

Hinatid ako sa bahay nila Ehlisse pero siyempre habang nasa sasakyan kami hindi mawawala yung pagtatanong na may pang aasar sa kaniya tungkol kay Dranel.

Kapag ang kaibigan mo hindi ka inaasar hindi tunay na kaibigan yan. Kasi ang tunay na kaibigan BULLY

Nung nakarating na ako sa bahay pumunta agad ako sa kwarto ko. Tinignan ko na din yung oras 8:30pm na pala. magbibihis nako kasi hindi talaga ako komportable sa pinasuot sakin ni Ehlisse -.-

Habang naghahanap ako ng susuotin tumunog yung phone ko galing sa facebook. Notification panigurado

Hindi ko lang pinansin nagbihis ako nang mabilis kasi naexcite ako eh hahahahaha sa hindi ko malaman lamang dahilan hahaha

Pagkatapos ko magbihis binuksan ko agad yung computer. Salpak ng headset tapos upo.

Nag log in na ako sa facebook..

Facebook logging in.

0.0

Baket ganun?!

Andami....

180 notifications

192 messages

350 friend request

Owmaygad Fiona

Napanganga nalang ako kasi nakakatouch

Isa isa kong tinignan muna yung friend request muna tapos inaccept ko lahat

Confirm dito

Confirm don

Notification may picture ako. Inupload ni Ehlisse yung nagpopose ako ng kung anoano

Daming likes, Comments, and shares

Comment dito

Comment don

Message? Idol na daw nila ako ganyanganyan. Siyempre nireplyan ko yun lahat

Reply dito

Reply don

Andami grabe

Nakakapagod -.-

Nagshower nako. Toothbrush kasi matutulog nako. Pagod akooo!!

Tapos na ako mag ayos kaya Humiga na ako sa kama para matulog. kaso biglang tumunog ulit computer

1 friend request

Binuksan ko kung sino yung isa na yon.

Dranel Ramos sent you friend request

Confirm

Kinikilig ako...

Kaso hanggang friend nalang kami

Phone ko naman yung tumunog sa pagkakataong ito..

1 new message

From: 090763*****

"Goodnight :) thankyou sa pag confirm ng friend request ko :)"

Ha? Sino kaya to?

Hello! Andami kayang nag friend request sakin -.-

Nireplyan ko

To: 090763*****

"Sinoto?"

Sent..

Hmmm

Ang tagal nman magreply non

Tsk.

9:45pm na oh!

Zzzz

I Won't Give UpWhere stories live. Discover now