CHAPTER 8

1.6K 37 2
                                    

A/N: Some things and events are changed. Ganon naman talaga, lahat nagbabago. CHAR. HAHAHA.

Chapter 8

Kahit ano pa man ang ipakita mong maganda sa kapwa mo, sasaktan ka pa rin nila. Kapag naman may ginawa kang masama, babalik din ito dahil sa tinatawag na karma.

"Hello my sister-in-law!" Ngumisi ito ng nakakainis.

Nakasuot ito ng spaghetti strap dress na puti na mayroong kalat kalat na pulang mantsa. I wonder if those are blood.

"W-what are you doing here?" Lumalapit ito sa akin kaya't napaatras ako pabalik.

I just wish may tao pang iba dito na makakatulong sa akin.

"Hindi madala sa matinong pakiusapan ang kuya mo. Sinabi ko na nga na hindi pa sapat ang isang milyon sa bank account ko, ayun at muntikan na kong ipaligpit. E buti nalang nakatakas ako." Tumawa ito ng nababaliw.

Sayang ang ganda ng babaeng 'to. Kung nagtrabaho siya ng matino ay paniguradong maganda ang buhay niya. Hindi ganito.

Sa kanya pala ang isang sasakyan sa gilid.

"Nakuha ko na ang mga alahas dito. Tara na." Lumabas ang isa pang lalaki na may hawak na baril. Nakasuot ito ng leather jacket at nakatakip ang mukha.

"Sandali lang, idispatsya mo na rin ang isang 'to nang malinis." Ngumisi ang lalaki sa akin at tumakbo na ako bago pa man maputukan ng baril.

"Sige, tumakbo ka lang. Mas masaya ang may thrill." Humalakhak ito.

Nakaabot na ako sa may guard house at nakita ang mga bangkay ng dalawang guard. Naliligo ito sa dugo.

Paano na?

Nagtago muna ako sa isang gilid at nanginginig na hinanap ang cellphone.

Kailangan ko ng tulong. Kahit sino!

Pinindot ko ang nasa unahan ng speed dial ko habang nakatingin sa panggagalingan ng lalaki.

Narinig kong napick up agad ang tawag ko.

"I-I n-need help. I-I'm at the guard house. Hurry up, Kuya! Please I'm-"

"Nakikita na kita. Umalis ka diyan!" Kinalabit nito ang gantilyo at dumaplis sa balikat ko.

Narinig kong napamura ang nasa kabilang linya.

"Please be safe. Damn. I'm coming." Hindi ko napansin na iba ang boses ng nasa kabilang linya.

Hindi ko napigilang mapaigik sa sakit. Tumulo ang masaganang luha kasabay ng pag-asang maliligtas ako sa sitwasyong ito.

Ano ba naman 'tong kinasangkutan ni Kuya!

Nakarinig ako ng yapak at alam kong magiging katapusan ko na.

Just remember that I'll always save you, mi amor.

"But! There's an ambulance. You'll be safe.''

"I can't do it."

Bigla itong lumitaw sa utak ko. Pansamantala kong nakalimutan ang nangyari dahil sa pagsakit ng ulo.

"Tatanga-tanga ka talaga. Binigyan na nga kita ng panahon, nagpahuli ka pa rin." Nagulat ako ng nasa harapan ko na pala ang dalawa. Hinawakan ako nito sa anit at hinila.

Naibagsak ko ang cellphone na kanina pa pala namatay.

"Manang-mana sa Kuya na uto-uto."

Nagpapalag ako kaya hinawakan ng lalaki ang balikat kong may tama. Damn it.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 18, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Obey Me or Die?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon