CHAPTER 7

1.7K 37 0
                                    

Kabanata 7

Okay. Ang awkward, sobra. Naririnig ko ang tunog ng crickets, paglipad ng mga fireflies sa paligid.

Ang katabi ko naman, parang walang pakialam, nakatingin lang siya sa itaas, probably sa mga stars.

Nagtagal pa kami dito pagkatapos manood ng sunset, sabi niya kailangan niya daw makapagmuni-muni kaya sinamahan ko na, kawawa naman.

Mabuti at maliwanag ang buwan ngayon kaya't may ilaw kami.

Nakahiga kami sa gitna ng damuhan. May sapin naman kaya ayos lang. Ako yung medyo malapit sa sasakyan kasi ako ang kuha ng kuha ng pagkain.

Opo, prepared siya. Marami siyang bitbit na iba't ibang klase. Drinks at snacks, hard foods like kanin at may dalawang luto ng ulam, mayroon din na desert na chocolate cake.

"Bakit ka ba may dalang ganito?"

"I know we'll spend some time here." Weh? Paano kung hindi pala ako pumayag? Kawawa naman siya kung ganoon.

Naalala ko naman yung mga itatanong ko sa kanya kaya ako pumayag na makipagkita. Siguro nga ay pagkakataon ko ng magtanong. This is it. Tinabi ko muna yung chips na kinakain ko at tumingin ulit sa kanya.

Ang gwapo talaga nitong baliw na 'to. Mapaside view or full view, lakas ng awra besh! Malaki talaga ang pasasalamat ko sa buwan at stars dahil pre occupied ang isip niya kaya hindi niya nahahalata na nakatingin ako.

"Quit staring. It's creepy." Nanlaki ang mata ko ng tumingin ito ng direkta sa mga mata ko. Oh... my... gosh! Pinagsasamantalahan ko na ito sa isip ko ngunit nabigla ako sa isang pitik.

''I thought you are different from them. You are all fucking the same." Ouch naman!

"Bakit? Ano ginawa ko sa'yo beh?"

"You are staring at me like you want me to do something strange at you." He smirked. Ofcourse I can see whatever expressions he is doing kasi malapit lang ang mga mukha namin.

"Tss." Opo, isang tss nalang ang kayang isagot ng ate niyo. No comment sa kahanginan ng lalaking ito.

"I'm different from them because they are not me, i'm not them. I have my own personality, likes and dislikes, preferences and plans on how I want to live my life."

"Baka kaya mo nasasabi 'yan ay dahil pinerahan ka or niloko pero ibahin mo naman ako. Niloko din naman ako ah, but i'm not hating people. I know they did that kasi may dahilan. Ang dahilan? I don't know."

"I also believe that iba-iba ang time frame ng tao, may dadating din na tamang tao sa'yo sa tamang panahon. Wag ka magmadali, ienjoy mo lang. Siguro yung para sa'yo, umiiyak pa sa kamay ng ibang tao o kaya naman e hindi pa handang magmahal mga ganon. Saka-"

"Shut the fuck up!"

"Tss." E kaysa naman ang tahimik namin para kaming mga timang dito!

Naalala ko na ang itatanong ko kaya naman sinabi ko na para rin mawala na ang sad topic.

"Okay so ito na nga, bakit nga pala ako ang naisipan mong maging girlfriend?"

No response from him.

"Do you really know the meaning of a girlfriend/boyfriend?"

Another silence.

"Bakit mo ako tinutukan ng baril 'non? Katakot ka kaya! Tapos---'" Naputol ang pagtatanong ko ng bigla itong tumawa.

"You are so talkative."

"Malamang! E paano kung di ako magsasalita? Edi nilangaw na tayo dito sa sobrang tahimik! Aakalain nila patay na tayo kasi nga e--" I was forced to shut up when he kissed me so so suddenly.

"There! Quiet."

''First, I chose you because I fucking have no choice. I need to have a girlfriend to bring or else they'll set me a date to a girl that I fucking really loathe. Second, yes, I know what a real fucking relationship is and what exactly it means. Third, I know I'm not a saint so there'll be those misunderstanding plus I am really irritable that time. It was so fucked up--" He kissed me the second time.

"You are not listening to me. You want more of my kisses?"

Una, nakakatulala kasi nga hindi ko ineexpect na ganoon mangyayari. Pangalawa, nakangisi na ito ngayon sa akin at nakahawak sa labi niya, my gosh! Gusto ba niya na umisa pa? Pangatlo, nagriring na ang cellphone ko. Yari ako sa mga kuya ko!

Nagkatinginan kami at napatingin sa cellphone ko. It's already 8 in the evening.

"Uh, I'll just answer this." Lumayo ako ng bahagya sa kanya at sinagot ang tawag.

"Where are you?"

"Pauwi na ako?" I absent-mindedly looked at the person whose also looking at me.

"Good. Gusto ko lang sabihin na hindi ako makakauwi ngayon, may emergency lang kila--"

"Okay, bye!" Tinapos ko na ito at hindi na pinakinggan ang susunod. Sawa na akong makinig ng paliwanag niya sa pags-save sa jowa niyang hilaw.

"Let's go."

~~~~

''So, hanggang kailan ang agreement natin na mag jowa tayo?" Pambabasag ko ng katahimikan.

"Until I got rid of them." Napatingin ako dito. He looked so angry.

"Sinong them?"

"None of your business." Tss. Bahala nga siya. Sumandal na ako sa bintana at matutulog nalang. Mababaliw ako kapag sobrang tahimik.

"Wake up, naughty girl. We're here." Napakurap kurap ako ng makitang sobrang lapit ng mukha nito sa akin. Susmaryosep!

"Okay. Thanks sa ride at sa foods, bye!" At sana lang hindi ka na rin magpakita pa sa akin!

"Wait!" Hinablot nito ang kamay ko kaya hindi ko na rin naiwasan ang pagtama ko sa dibdib nito at pagyakap sa akin.

"Thank you for this day. Take care of yourself. Sweet dreams." He kissed my forehead.

Hindi ko alam kung paano ako nakapunta sa bahay ng dahil sa pangyayaring 'yon. Ang bilis ng tibok ng puso ko, nahihirapan akong huminga. Ganto ba talaga 'yon? Bakit dati hindi naman ganito?

Masyadong mabilis ang mga pagyayari. Kailangan kong mag ingat at umiwas hangga't maaga pa at hindi pa masyadong malalim. I just like him, ayon lang 'yon, okay?

Huminga ako ng malalim bago pumasok sa pinto. Kinalma ko muna ang sarili bago pumasok.

Pagbukas ko ng pinto ay nabungaran ko ang isang babae at nakatutok ang isang kutsilyo sa harapan ko.

Anong ginagawa ng babaeng ito dito? Nasaan si Kuya?

Obey Me or Die?Where stories live. Discover now