CHAPTER 6

1.9K 43 0
                                    

Chapter 6

I am hearing damn rumors about myself with a not so good comment. Nasa school kami diba? Hindi sa squatters area. Makachismis ha, ano, jowa?

I am thinking bakit pa sila nakikisawsaw sa business ng iba. Mang-away para sa isang lalaking ni hindi nga alam ang mga pangalanan nila.

Narinig ko naman na nag chuckle yung katabi ko. Wow lang ah. Marunong pala 'tong tumawa.

"O.. pasok na." sabi nito.

Namalayan ko nalang na nasa tapat na kami ng classroom ko at nakatingin ung mga kaklase ko at ung teacher ko.

Pagtingin ko sa kanya, nakasmile ang loko.

"By the way, I-I'll drive you home after your class and we'll talk 'kay?" He said then kissed my cheeks. Okay? Hindi ko napansin na nakita pala ng nga kaklase ko yung gesture na 'yon at nagtilian na.

May sasabihin pa sana ako sa kanya kaya lang tumakbo na s'ya palabas.

Napagtripan pa ako ng loko. Napailing nalang ako.

Pagtingin ko sa teacher ko, tulala rin. Nakakatulala naman talaga ang kagwapuhan niya.

Pumasok na ako ng room without her noticing. Buti naman at wala pa sa mahirap na part, ang quiz.

Sinubukan akong i-approach ng mga chismosa kong kaklase pero hindi nila magawa kasi nga may teacher sa harap. Yari kami pag nagkataon.

Natapos na ang klase at hindi pa rin ako tinitigilan ng mga kaklase ko. Ito na ang hinihintay nila, argh. They keep on asking questions. Ang iba ay nag-iisip kung paano raw sila mapapansin nito.

"Does he have a girlfriend?"

"Is it you or not?"

Pati ba naman iyon kailangan nilang alamin?

Inner me: Oo, ako sana ang girlfriend kung pumayag ako sa gusto niyang set-up.

So kaya niya ako kinukulit kasi gusto niya talaga akong maging girlfriend? E hindi naman 'yon hinahanap lang sa tabi-tabi. O baka naman may saltik lang talaga siya or.. hindi niya talaga alam ang ibig sabihin kapag girfriend at boyfriend?

Napatampal nalang ako sa noo ko. Jusmiyo!

Kailangan ko siyang makita ngayon!

*****

Natapos ang klase ng nakatulala lang ako. Wala akong naintindihan sa mga pinagsasabi ng mga teachers ng kada subject. I'm so lucky walang nansita sa'kin. Pinag iisipan ko pa rin kung sisiputin ko siya mamaya.

Napatitig ako sa cellphone kong tumunog 'to. Oh I remember, di ko pala siya nabigyan ng number ko so, how can he contact me?

I unlocked it and saw an unregistered number.

'Hey, it's me naughty girl. I'm at the parking lot." Shoot. Connections syempre. Pero kanino kaya, specifically, niya nakuha ang number ko?

Sunud- sunod ang tunog ng cellphone ko kaya't tinignan ko na.

"I know you are planning to ditch me but I am sorry you can't." Mind reader ka ba?

"So bring your pretty ass in here."

"I'll be waiting."

Ayon lang naman ang text niya pero ilang minuto akong nakatulala doon.

Nagpalipas na ako ng treinta minutos bago bumaba.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa parking lot na parang isang ninja, just to make sure.

Hindi ko pa makalimutan yung nagawang pang-c-corner ng mga meanie girls niya. Buti nalang nakaligtas ako.

Hindi ko naman makita yung sasakyan niyang color yellow. Nasaan na kaya 'yun? Umalis na ba? Kinda good for me. But he said he'll wait for me.

Ang bilis niya naman mapagod, parang kapag may gusto siyang makuha, ano 'yun? Agad-agad ba mapapasakamay niya? 'Di naman diba? Staka nanligaw ba siya? Hindi naman e. Ano? May nahanap na siyang babae na sumang-ayon sa trip niya sa buhay? Argh, bakit nalulungkot at naiinis ako ngayon?

Nagpalinga-linga pa ako upang makita ngunit wala. Hanggang sa naalala kong may project nga pala kaming gagawin ngayon. Pagkaraan ng ilang minuto ay nakita ko ng naglalakad papunta sa kinaroroonan ko si Faith. Ang leader na napili namin para doon.

"Hey, nasa canteen sila. Sunod ka ha." She said at pumunta sa sasakyan niya. May hinahanap yatang gamit tungkol sa project namin.

Bigla akong kinabahan ng may manghila ng kamay ko mula sa likuran.

"Where are you going?" Nakita kong natigilan si Faith pagka-kita sa taong nasa likuran ko.

"P-Pumunta ka nalang doon pagkatapos niyong mag-usap. Bye bye!"

Agaran itong umalis kaya't wala na akong nagawa para habulan siya. Inis na nilingon ko ang nakakainis na lalaki.

"I thought we had an agreement already?" I saw his cold look.

"Akala ko kasi umalis ka na. Besides, wala ang color yellow na sasakyan dito." Nagpalinga-linga pa ako para patunayan na tama ako.

"You won't see a yellow car here because I've changed my car.'' Gulat na napatingin ako dito. Talaga lang ha?

Lumakad ito sa isang itim na kotse at pinindot ang isang button na hawak niya.

"I-is this yours?" Kinakabahang tanong ko sa kanya.

He just looked at me.

"So kanino mo nga kasi nalaman ang number ko?"

"..." Asa pang sasabihin niya 'yan, wala yatang bibig 'to e.

"The car that I used that time got crashed."

Weee? Bakit naman 'yon masisira?

"Naaksidente ka?"

"Tss."

Sabi ko nga no comment siya, ayaw ng madaldal.

Ede siya na kasi ang mayaman, daming sasakyan. Tss. Mayabang!
Ipangangalandakan niya lang naman sa mga babae niya. Pangalawang tss.

Edi ako ay isa sa mga babae niya?

Argh, mas magulo pa 'to sa mga batas na ipinapatupad ngayon!

*****

"Nasaan na tayo?'' I can see nothing but trees. Saan naman kaya ako dinala ng bwisit na 'to?

"My favorite place."

Wowers. May favorite place pang nalalaman ha.

Bumalik nalang ulit ako sa pagkakatulog. Bahala siyang mapagod diyan, ginusto niya 'tong malayo e.

Nagising ako sa tapik na naramdaman ko sa pisngi.

"Gising na!"

"Ang sarap na ng tulog ko e, konti pa, 10 minutes more."

Nakarinig ako ng isang halakhak.

"Hindi ka na makakatulog mamaya, sige na. Plus, it is starting."

Bago ang boses kaya dumilat na ako. Narealize ko lang na sumama pala ako sa complete stranger at ayon mag-ga-gabi na kasi bumababa na ang araw at sobrang ganda nito.

So ito ang favorite place niya?

Obey Me or Die?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon