Chapter Four - Ranking System

26 4 0
                                    

Chapter Four - Ranking System

Mula sa pag kagising ko hanggang sa paglalakad ko ngayon patungo sa admin office para kunin ang class schedule ko ay ang weird ng mga tingin nila saakin. Dahil ba transferee​ ako? Bago ako dito? Pero bakit iba iba yung mga tingin nila? May naaawang tingin, tingin na parang may binabalak at tingin na may gustong sabihin. Medyo naiilang ako sa klase ng mga tingin nila. Hindi naman weird ang suot ko para tingnan nila ako ng ganito. I'm only wearing a simple black shirt at faded jeans. Wala sa sariling napunasan ko ang mukha ko dahil baka may dumi ako sa mukha.

Yumuko ako at sa nilalakaran ko nalang ibinaling ang atensyon ko.

"Kanina pa kita tinatawag"
Nagitla at muntik na ako masubsob dahil sa force ng pagka akbay niya.

Nilingon ko siya at nakita ko ang nakangiting mukha ni Jamiel, isa din sa roommate ko. Siya 'yong natutulog sa itaas ng deck nila ni Lyrva.

"Hindi kita narinig" Sambit ko bago ako naglakad ulit.

Naramdaman ko ang unti unti na pagbaba ng braso niya galing sa balikat ko. Mabuti naman, kasi nabibigatan ako sa braso niya.

"Same class sila Lyrva at Marette, at same class naman tayo! Is this coincidence?" Humagikhik siya. Hindi ko pa nga nakikita ang schedule ko ay alam niya na nag magkaklase kami. Hindi na ako nagtaka kung bakit weird siya dahil lahat ng tao dito ay puro weird.

Ngumiti din ako kahit na medyo naiilang ako sa pagiging feeling close niya. Hindi lang siguro ako sanay na may umaakbay at sumasabay sakin. Wala naman kasi akong naging kaibigan o barkada eh.

"Alam mo, ang saya ko na dumating ka. Kasi naman yong dalawa, ang siseryoso. Meron namang seryoso sa buhay niya at ang isa naman ay masyadong seryoso sa pag aaral. Gosh! Pag kaming tatlo magkakasama, paghinga lang namin ang naririnig sa buong kwarto" Hinawakan niya ang dalawang kamay ko kaya medyo nailang ako. Hinarap niya ang katawan ko sakanya. Napakurap kurap ako sakanya dahil sa ginawa niya. Hindi ko naman maisatinig ang kagustuhan ko na magreklamo ngunit alam ko sa sarili ko na kailangan ko mag adjust at makihalubilo.

"I hope we can be bestfriends, Ghail. " Ang mata niya ay puno ng pagsusumamo. Nakakailang dahil hindi ako sanay na may gumaganito saakin. I never experienced being wanted. I never experienced having friends. 'Yong may nakakausap ka at sumasabay sayo sa paglalakad, sasabay pumasok at kumain.

Tumango nalang ako dahil parang feeling ko hindi niya ako titigilan. Knowing her, mukhang makulit siya. Malay mo din, for once, mayroon akong ituturing na kaibigan.

"Dadaan muna ako ng admin, kukunin ko lang schedule ko.." paalam ko sakanya.

"Anong schedule? Walang schedule schedule dito, Ghail. You can enter any class you want, as long as nasa beginners subject. Since you are a beginner, you are going to enter a beginner class..", tinuro niya ang sarili as she held her chin up, "with me..."

With furrowed brows, getting more confused, I looked at her,"What do you mean? Beginner ka din?"

Humagalpak siya ng tawa at pumalakpak pa siya na akala mo ay nagjojoke ako. Pinanuod ko lang siya hanggang sa matapos siya tumawa. She wiped some tears on her eyes because of laughing.

"I'm not a beginner!! I told you, you can join classes anything you want. Me, on the other hand, is planning to join you para may makakasama ka.." nagpupunas na luha niya na sabi. Natatawa parin ito at nakahawak ang isang kamay sa tiyan.

I inconspicuously rolled my eyes. I just gave up dahil bawat pagbuka niya ng bibig ay mas lalong dumadami ang mga tanong ko at parang hindi niya naman ako sineseryoso dahil puro lang siya tawa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 26 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

AKUMA HIGH (On Going) Where stories live. Discover now