Chapter One - The Bite

15 3 0
                                    

Chapter One - The Bite

Reighail Inara Saavedra

BUMUHOS sa mata ko ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan. Halos hindi ko na maramdaman ang kaliwang pisngi ko dahil sa pagkamanhid nito matapos niya itong dapuan ng kanyang malaki at matigas na palad.

"I never imagined that you would do that, Reighail!!" may diin na pang gigil na sambit ni Daddy. I could tell that if I wasn't a girl, he would punch me right here and right there. Ganoon ko nararamdaman ang galit ng aking Daddy.


Patuloy lang ang mga luha ko na sa pag agos. 'Ni hindi ko siya magawang punasan. Dahil sobrang nanginginig ang katawan ko. Sumisikip at nahihirapan ako sa paghinga dahil sa pagpipigil ng matinding emosyon. 'Na parang ilang segundo ay magsisi unahan na naman sa pagtulo ang mga luha ko at bibigay ang tuhod at ako ay matutumba nalang dahil sa panghihina.




Pilit kong pinapadausdos ang mga buhok ko para ito ay tumakip sa mukha ko. I don't want him to see me in pain. Walang hikbi na lumabas sa bibig ko at sinusubikan patigilin ang mga luhang nagbabadyang tumakas sa mata. Nakatayo lang ako at nakatingin sa kahit saan maiwasan lang ang tingin ni Dad.


He pointed at me,"You are grounded for 1-,"

"Yeah right" I muttered. As if naman may magbabago kahit grounded ako tsk.


Agad akong tumalikod bago pa niya gawin ulit ang ginawa​ niya kanina na halos hindi ko matanggap na nagawa niya.


Malakas na ibinagsak ko na isara ang pintuan ng kwarto ko. Narinig ko pa ang pagsigaw niya ng buong pangalan ko. Pero wala akong balak na lingunin siya. He was so damn mad, so am I.



Dumiretso ako at mabilis na tumihaya sa kama ko. Kinuha ang unan sa tabi at pinangtakip ito sa mukha. Pinangtakip ko ito para di nila marinig ang mga hikbi ko. Sobrang sikip ng nararamdaman ko. Hindi ko kayang isipin na for the first time ay sinaktan ako ni Dad.



Because I dropped out in school without them knowing. That's why he was so furious. I didn't have a choice. They won't let me no matter how much I tried to convince them that I didn't belong in that school!



Reason? Ayoko ko na doon. Ayoko sa school na yon. Ang boring boring. I felt like it wasn't my place. I knew I don't belong there.




Besides, I don't have friends. I don't have someone to share with. I have my classmates but they don't talk to me because they think I am a spoiled brat—dahil daw Doctor ang Dad at Lawyer naman ang Mommy ko. Psh, it's not like I was bragging about my wealth eh halos hindi ko na nilalabas ang mga gamit ko na mamahalin dahil nahihiya ako kapag pinapansin nila.



One thing that made my Dad more furious was that, huli ko na ito. It's my last chance para maka graduate. Ilang beses na ako pinagbibigyan pero hindi parin ako pumapasok ng maayos. Madalas sa likod lang ako ng school tumatambay. I just couldn't stand my classmates. Kahit may ilan naman na maganda ang pakikitungo saakin, mayroon parin sa sarili ko na gusto ko sa public school mag aral. Pakiramdam ko mas masaya kapag madaming estudyante at ibang kasarian ang makikita ko.


"Ghail?" Nakarinig ako ng mahinang katok sa pinto ko. Napadilat ako pero agad ko din itong napikit dahil sa sinag ng araw na direktong na saakin. I Tinatamad akong tumayo malapit sa bintana at pinantakip ko ang kurtina sa parte kung saan pumapasok ang sinag ng araw.



Kinuskos ko ang mata ko at inayos ang buhok ko bago pumunta sa harap ng pinto at pagbuksan si Mommy.



"Yeah?" napapaos kong tugon kay Mommy habang naka half close ang mata ko dahil sobrang antok pa ko. Namamaga ata mata ko. Hirap na hirap kong idilat, e.




AKUMA HIGH (On Going) Where stories live. Discover now