Chapter Two - Be Ready

22 3 0
                                    

Chapter Two: Be Ready

HINDI ko sinabi kay Mommy ang nangyari saakin. Busy masyado ito para pagtuonan ng pansin ang problema ko.  Atsaka wala din naman akong balak sabihin ang nangyari dahil mag h-hysterical lang si Mommy. 

Dumiretso ako sa kusina at kinuha ang medical kit namin. Kompleto ito dahil isang surgical doctor si Daddy. 

Patago ko itong kinuha para di manghinala si Mommy para saan ko ito gagamitin. Dahan dahan akong umakyat sa hagdan papunta sa aking kwarto para hindi ko maagaw ang atensyon ni Mommy at baka magtanong siya. Hindi ko naman alam ang isasagot ko.

Pagkapasok ko sa kwarto ay mahina kong dinaing ang sakit. Damn that guy! Fuck him many times! Paano kung may virus yon o kaya ay may rabies pala siya. Lagot talaga siya saakin!

Hinugasan ko muna ito sa banyo para matanggal ang mga kumawalang dugo dito. Pagkatapos ay nanginginig na binuhusan ko ito ng agua oxinada saka ko nilagyan ng antibacterial ointment. Halos matanggal ang lower lip ko sa pagdiin ng kagat dahil sa hapdi na idinulot nito. Halos mamanhid ang katawan ko dahil dito.  Pinunasan ko din ang ilang tumakas na dugo sa sugat. Tinakpan ko ito ng gauze at saka ko binaba ang manggas ko.

Niligpit ko ulit at hindi nag iwan ng anumang bakas ng paggamot. 

Dahan dahan na bumaba ako para ibalik ang medical kit sa cabinet. Sinilip ko muna si Mommy sa sala at nang makita na wala siya rito ay mabilis na tumakbo ako sa kusina para ibalik sa pinaglagyan nito. Pigil hiningang ibinalik ko ito para hindi ako makagawa ng ingay.


Pagbalik ko sa kwarto  ay agad kong kinuha ang form at finill out-an ito. Nanggigigil na sinagutan ko lahat habang nasa utak ko ay bumubuo na ako ng plano paano makaganti sa lalaking 'yon.


Nang matapos ay binasa ko lahat ang mga sagot ko. Pero agad din ako napatigil nang mapagtanto ko kung saan banda ang school na ito.

Paulit ulit ko binasa ang itaas, baba, sa likod, pati 'yong maliit na papel nagbabakasaling doon nakalagay ang address ng school pero wala talaga.

Wala din silang inilagay na telephone number kung saka sakaling mag iinquire. Pero naisip ko din kung anong itatanong ko kung tatawagan ko sila eh, no requirements naman.  Papasok ka tapos wala na. Estudyante ka na siguro. 

Hanggang ngayon di parin ako makapaniwala na mayroong ganitong klase na school.  Ngayon ko lang din ito nalaman. Kung hindi sa lalaking yon ay hindi ko talaga malalaman na may ganito. 

This school sounds thrilling and I love thrill. Base din sa itsura nong lalaki,  ay mukhang mystersyoso talaga ang paaralan na yon. I believe I belong in this school. Baka ito na 'yong school na alam ko na magugustuhan ko.

Buong araw ay nasa kwarto lang ako. Lumabas lang ako nang kinatok ako ni Mommy para mag lunch. Mabilis din ako na kumain at bumalik agad sa kwarto para hindi niya mapansin na may tinatago ako sakanya. Kumikirot pa rin ang sugat ko sa braso ay ayoko mapansin niya na may iniinda ako na sakit.

Hindi ko din maipaliwag ang excitement na nararamdam ko. Napupuno ang utak ko ng mga tanong dahil sa kuryosidad patungkol sa paaralan na ito. Naroon ang kaba pero alam ko na mas umaangat ang pananabik na makapasok sa school na 'yon.

Kinagabihan ay lumabas lang ako para kumain. Gusto ko tanungin kung bakit maaga umuwi si Daddy. Akala ko ay hindi kami magkaabutan sa kusina pero nagkakamali ako. Nang marinig ko na nag uusap sila ni Mommy sa kusina ay napahinto ako sa paglakad.

"Oh, Ghail. Kain ka na. Kanina ka pa hinihintay nila Daddy mo.." napalingon ako kay Manag Rita nang dumaan siya sa sala at nakita ako sa baba ng hagdan.

AKUMA HIGH (On Going) Where stories live. Discover now