Chapter Three - New School

20 2 0
                                    

Chapter Three - New School 

HUMINTO kami sa isang free highway.  Sobrang dilim ng kalsada at wala kang makita maliban sa mga malalaking puno sa paligid nito. Hindi ko din alam kung ilang oras ang naging byahe namin. Saglit lang din naman ang naging byahe namin.

Buong byahe ay nagdadalawang isip ako kung matutulog ba ako o hindi pero pinili ko nalang na pigilan ang antok ko dahil baka hindi na ako magising dahil sinaksak na pala ako ng misteryosong lalaki na ito. Ewan ko ba kung bakit niya ako napasama. Siguro ay curious lang talaga ako sa paaralang 'yon. Tahimik lang din kami buong byahe. Kahit kabado man ay pinigilan ko ang sarili na hwag maghysterical


Nagtaka ako nang bumaba siya at tumayo sa gilid ng pinto para pagbuksan ako. Himala naman ata at pinagbuksan  niya ako. Sinilip ko muna ang driver pero tahimik lang ito. Tulad ko ay wala siyang imik buong byahe. It's very weird. Everything is just weird, but here I am, getting drowned by curiosity. I genuinely do not have any idea what I am putting myself into, but something really clicked into my system na kailangan makita ko itong sa school na ito. It just full of mystery para ipagwalang bahala.


Nakakunot noo ko na sinilip sa labas​ ang lalaki habang siya ay nakatayo sa labas at naghihintay sa paglabas ko. Nang maramdaman niyang hindi ako bumababa ay sinilip niya ako. 



Nagkatitigan kami. Nanayo naman agad ang balahibo ko. Kahit madilim ay kitang kita ko ang matalim na tingin niya. Suot niya parin ang hood ng jacket niya pero sapat na 'yon para masilayan ang mga mata niya na nakatunghay saakin. Hindi naman nakawala sa paningin ko ang matangos niya na ilong.


"What are you waiting for? Sunrise?" Sarkastikong sabi niya.



Inismiran ko siya dahil sa pagiging sarkastiko niya. Obvious ba?  Di ko alam kung bakit nandito kami sa madilim na lugar na hindi ko alam.



Nasaan ba dito ang Akuma High? Atsaka ano ba gagawin namin dito?


"Wala akong nakikitang build–.."



"Bumaba ka nalang. Wala ka talagang makikita kung di ka maglalakad" Pag susungit nito saka umalis at nagsimulang naglakad.  Kaya agad akong bumaba pero bago 'yon ay umiral ang katangahan ko. 


"Aray!" muntik ko na mahalikan ang semento dahil sa pagkatisod ko. 



Sinulyapan ko siya pero ni hindi man lang niya ako nilingon. Napa irap nalang ako dahil sa pagka ungentleman niya. Kapag ako nakalugar, sasapakin ko talaga siya ng hard tsk.



Kumatok ako sa windsheild nong driver at magpapasalamat sana nang bigla itong pinaandar agad.  Naiwan sa ire ang kamay ko na kakatok na sana.

 

For the nth time ay napairap ako.  Baka magperminente na yung mata ko sa taas dahil sa kakairap ko ngayon palang.
Bago pa mangyari 'yon ay binilisan ko ang lakad ko habang pahirapang binitbit yung bag ko. Nagsisisi tuloy ako kung bakit ang dami kong dinala eh hindi naman pala ako tutulungan ng misteryosong lalaki na ito.



"Hindi mo man lang ba talaga ako tutulungan?" sambit ko nang makalapit sa kanya. Palihim ay hinihiling ko na sana tulungan niya man lang ako.



Hindi niya ako sinagot bagkus ay nalipat ang tingin ko sa tinatahak naming daan. 



Noon ay malalaking puno ang nakikita ko pero ngayon,  isang nagtataasang damo ang nasa paligid ko.  Isang makipot na daan ang nagawa na animoy tao lang talaga ang pwedeng dumaan. 



AKUMA HIGH (On Going) Where stories live. Discover now