Good morning my takosa.

Pagka-text ko sa kanya inilapag ko sa side table 'yung cellphone ko tsaka ako kumuha ng towel at dumiretso sa bathroom para mag shower.

Nang matapos naman akong mag shower, nag bihis agad ako pang pasok ko sa trabaho. Sa pag tapos kong mag asikaso lahat-lahat kinuha ko 'yung gamit ko pati cellphone sa side table tinignan ko muna kung may text mula kay Damon at nung may makita akong meron binasa ko agad ito.

Good morning, sorry hindi kita mahahatid na late ako ng gising.

Ok lang. Kitakits nalang sa lunch break mamaya. I love you.

Nag lakad na 'ko palabas ng kwarto ko pagka-reply ko sa kanya.

Dumiretso ako palabas ng Apartment papunta sa kotse ko. Sumakay ako at nilapag muna sa passenger seat 'yung bag ko tsaka ko sinimulan ang byahe papunta ng Studio.

Nang makarating naman ako pagbaba ko ng sasakyan, saktong dating din ni Lucas kaya tinulungan niya 'ko sa pagbubukas ng Studio tsaka kami nag kanya-kanya ng pwesto.

Halos kasisimula ko palang sa trabaho ko nang marinig kong nag na ring 'yung cellphone ko. Kinuha ko 'yun sa table ko at tinignan kung sino ang nakita ko ay si Luisa.

"Beb, bakit?" Tanong ko pagkasagot ko ng tawag.

"Lunch tayo mamaya sa Cafe ni Maj? Girls lang muna walang kasamang boyfriend."

"Bakit anong meron?" Nakapag text pa naman ako kay Damon na magkikita kaming mamayang lunch.

"Pahinga ko mula sa busy kong pag aasikaso sa kasal namin ni Justin."

"Hmm... i see. Sige, game ako."

"Okay, see yah later."

"See yah!" I ended the call then sinimulan ko namang i-text si Damon para sabihin sa kanya na 'di muna kami sabay na mag la-lunch.

Hi my takosa, sorry baka hindi muna ako makapunta dyan niyaya ako ni Luisa na mag lunch sa Cafe ni Majah. Ayos lang ba?

Nag hintay ako sa reply niya na inabot din ata ng tatlong minuto.

Ayos lang.

Ang tipid naman niyang mag text.

Itinabi ko na ulit ang cellphone ko since nakapayag na siya. Nag focus nalang ulit ako sa work.

Nang dumating ang oras ng lunch break...

Nag kanya-kanya na kami ni Lucas ng pupuntahan, ako syempre sa Cafe ng kaibigan ko.

Dumiretso ako sa kotse. Nang mai-start ko 'to bago ko sinimulan ang byahe nag text muna ako kay Damon.

Hi my takosa, papunta na 'ko sa Cafe. I love you so much. 😚

Inilagay ko din naman agad sa bag ko 'yung cellphone pagkatext ko tsaka ako nag maneho.

Nang makarating ako ng Cafe, nag bayad lang ako ng pamasahe kay manong driver tsaka ako nag lakad papasok ng Cafe. Dumiretso ako sa pwestuhan namin dito at nakita ko na 'yung dalawa dun.

"Hello, ladies." I greeted them.

"Beb!" Sabay nilang tawag sa'kin.

"Blooming ah!" Luisa teases.

"May nag papa-blooming kasi." Sagot ko naman. "Kumusta preparation sa kasal?" Tanong ko pagkaupo ko.

"Ayos naman invitations nalang, next month kasalan na. Na e-excite na nga ako eh."

"Halata nga eh." Maj said smiling.

"Eh ikaw Maj kailan ka magpapakasal?" Biro kong tanong.

She rolled her eyes. "Paano naman ako magpapakasal eh wala nga 'kong jowa? Ikaw nga dapat 'tong tinatanong dahil may Damon ka."

"Oo nga." Luisa agreed.

"Haay! Alam nyo i-off topic muna natin 'yan. 'Wag na 'wag nyo ding babanggitin sa harap ni Damon dahil hindi pa handa ang takosa ko sa mga ganyang topic."

"Bakit nabanggit mo na ba ang tungkol dun?" Majah asked.

"Not me. Si Mama. Bumisita kami sakanila kahapon at nang mabanggit kong malapit ng ikasal si Luisa, ayun biglang nag tanong kung kailan ako sunod at itong si Damon nag freak out about dun."

"Bakit ano bang sinabi?" Kunot noong tanong ni Luisa.

"Mahal naman daw niya 'ko kaya lang ayaw niya daw mag pakasal kasi ang kasal ay may sex."

"Oh my god, really 'yun ang sinabi nya?" Natatawang sabi ni Majah.

I nodded. "Ang mga takosa kasing tulad nya hindi bet ang sex."

"Grabe ang komplikado talaga ng jowa mo." Maj comments.

"Sinabi mo pa." I agreed.

"Eh anong sinagot mo sa sinabi nya?" Luisa asked.

"I told him, willing naman akong mag wait. Sana nga lang may hinihintay ako."

"Malay mo naman." Pagpapalakas niya ng loob. Sana nga! Mahihintay ko naman talaga siya eh. 'Wag nga lang sanang sobrang tagal, baka menopause na 'ko bago nya maisipang mag pakasal sa'kin at mag make love.

--

Keep voting babies. 😊

GYNOPHOBIA (Fear of WOMEN)Where stories live. Discover now