Chapter 39: The Glass Window

Magsimula sa umpisa
                                    

"Get the hell out!" sigaw ko.

"Ma'am?" napabangon ako nang may boses lalaking tumawag. Bumangon ako at pinagbuksan siya only to know that it was the guard.

"Good eve ma'am. As part of the Alpha, you are called by the headmaster." sabi niya.

"For what?"

Bigla na lamang siyang yumuko at umalis na. Napairap ako at sinarado ang pinto. I searched for a pair jeans and shirts at tsaka nag tsinelas palabas.

"So you are the 8th member of Alpha." bungad sa 'kin ng headmaster na si Sir Millet pag pasok ko palang sa office niya. The rest of the Alpha ay nandon na at lahat ng mata nila ay nakatingin sa 'kin. Some greeted me with a warm smile habang si Vishna ay inirapan lang ako. Kiyan is sitting alone sa isang malaking couch na parang hari habang naka dekwatro pa.

The room is elegant in a black and gold paint all over with carpeted floors and huge glass windows kung saan may table sa tapat at doon nakaupo si Sir Millet. Up the ceiling were two chandeliers na nagpapa-ilaw sa buong office. May mga upuan sa loob ng opisina niya to accomodate all of us.

"Shea dito ka!" tawag sa 'kin ni Ezra at pinaupo ako sa gitna nila ni Trevor. They both greeted me.

"So before we proceed, I would like to congratulate you Ms. Valdemore for being chosen as the new member of the Elite group—Alpha. Accredited na rin ang papers mo kaya exempted ka na sa buong subject dito sa Academy." sabi niya. Sir Millet is a man on his 30's at di mapagkakailang gwapo siya noong kabataan niya. He's strong, I know it.

Pumalakpak naman sila and the room was filled with cheers maliban sa dalawang tao. Kiyan and Vishna.

"Yay! Welcome Shea. Sana maenjoy mo ang pagsali sa amin."

"Hay… dyosa ka talaga. Kabog mo na ako." Trevor pouted.

"Salamat naman at may maganda nang sumali dito."

Natahimik ang mga babae and glared to Ice na ngayon ay napatigil rin.

"Hehe…" Napakamot na lamang siya sa kanyang batok.

"I'm surprised dahil walang naghamon na makipag duel sa kanya. It is usually your tradition right?" The headmaster asked.

"Well Shea's exempted." sagot ni Ezra.

Ngumiti nalang siya at humalukipkip sa kanyang upuan. Ano bang sasabihin niya at gusto ko nang matulog.

"Mukhang matagal narin naman kayo dito sa Academy kaya I decided to give you a mission."

"Ayown!" Ice exclaimed excitedly.

"OMG finally!" sabi ni Trevor at nakipag-appear kay Ezra. Mukhang lahat sila ay na-excite maliban kay Kiyan na wala paring emosyong pinapakita.

"This will be Shea's debut mission as an Alpha. So here's your mission. Kilala niyo ba si King Gunther?"

"He's the King of purgatory, right?" mahinhing tanong ng babaeng dilaw ang buhok. She looks similar to someone. I'm not sure who.

That Nerd has a Secret (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon