"Ako na pong bahala kay Fiona tito, Matakot sila sa braso ko" biro ni ehlisse kila daddy

"Baliw" sabi ko at kinuha ko na yung bag ko at pumunta sa pwesto ni Ehlisse

"Tara?" Sabi ni ehlisse nginitian ko lang siya at Umalis na

"See you Troy..." Bulong ko sa sarili ko

"Ano? May sinasabi ka?" Tanong saken ni Ehlisse

"Ah-eh wala wala" sagot ko sa tanong niya

Habang nag lalakad kame (dahil malapit lang naman samen ang university at 15mins lang naman kung lakarin) iniisip ko kung anong magiging reaction ng mga kaklase namen at syempre si troy pag nakita ibang iba nako

Dati kasi lagi akong binu bully dahil nerd nga at manang ako pumorma.. Ngayon hindi na nila ako mabubully

"Uy nakikinig kaba?" Bumalik ako sa pagkatao ko nang ugain ako ni Ehlisse

"Ah ano kase yun?" Kung ano ano kasi naiisip ko eh -______-

"Kanina pako kwento ng kwento di ka naman pala nakikinig" pagtatampo ni ehlisse matampuhin kase tong bestfriend ko eh

"Sorry. Ano ulit yung kwento mo?" Sabi ko, at niyakap ko siya. Kelangan niya ng lambing ko hehe

"Sabi ko. Pag nakita mo si troy ngitian mo siya ng pinaka magandang ngiti na nagpapahiwatig na 'eto ang sinayang mo' smile. Tapos huwag na huwag kang papahalata na mahal mo pa siya huwag mong ipahalata ang kahinaan mo" sermon saken ni ehlisse

"Eh pano kung makipag balikan siya?" Tanong ko. At nararamdaman ko na naman ang luha ko na kahit anong oras eh pwedeng tumulo

"Mahal mo paba?" Tanong niya saken

"Tinatanong paba yan? Oo sobra" sagot ko sa kaniya

Binatukan niya ako ng sobrang lakas. Yung brain kooo

"Sinaktan at niloko kana lahat lahat tas sasabihin mo mahal mopa? Bukas may parada ng mga tanga sa unahan ka ha"

"Kung bigyan ko kaya siya ulit ng chance?" Tanong ko sa kaniya

"Grabe bes. Ilang chance na ang binigay mo sa kaniya may nangyare ba?" Pagtataray ng bestfriend ko

"Bes diba pag mahal mo ang second chance nagiging Unlimited chance?" Wala na tumulo na luha ko

"Ssshhh. Tama na. Andito na tayo. Punasan mo luha mo. At magretouch ka" sabi niya saken

Sumunod ako at saktong pagkatapos ko may tumawag saken mula sa pagkatalikod ko. Kahit hindi ako humarap alam na alam ko kung sinong tumawag saken. Humarap ako sa kaniya

"Troy" gulat at mahinang sabi ko

Expected ko na na magkikita kame pero hindi ko aakalain na ang aga at Tatawagin niya ko

Pagkatapos kasi nung huling usap namen hindi niya na ako pinapansin

Yung tipong magkakasalubong pero aakma siya hindi niya ako nakita o hindi niya ako kilala

"Fiona Can We Talk?" Sabi niya ng maamong mukha

Alam na alam niya talaga ang kahinaan ko. Pano ba to? Papayag bako? O tatanggapin ko nalang? Pero diba kelangan namen ng closure?

"About what" Tanong ko pero yung luha ko? Mukhang tutulo na naman

Isang taon na ng saktan niya ako pero hanggang ngayon apektado parin ako

I Won't Give UpWhere stories live. Discover now