Chapter VI-a (Stranded kami sa waiting shed)

Magsimula sa umpisa
                                    

Huminga ako ng malalim bago sabihing, "EXCUSE MEEEEEE!" Di naman halatang malakas ‘yong pagkakasabi ko. Natigilan lang naman silang lahat at agad-agad nagbigay daan.

Good boys. ‘kala ko kelangan pang dumanak ang dugo dito bago nyo kami padaanin.

Dumaan na ako, kasunod si Cyl sa likod ko, nang natamaan ko ang "Captain" nila ng malaki kong bag. Ang bag ko pala e ‘yong panlalaking sling bag. Ang dami pa namang laman kaya malamang masakit pag natamaan ka.

  

"Miss, wala man lang bang sorry?" tanong nya nang di ko man lang sya hinintuan matapos ko syang banggain.

Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa. "Bakit ka kasi nakaharang?" mataray kong sabi. Masikip na nga ‘tong hagdan tapos ang la-laki nyo pa, sa tingin nyo, di tayo magkakabanggaan dito?!

"Tignan mo tol. Sumasagot pa!" Sabay turo sakin, aba litsi. Kung makaturo, parang bagay lang ako a. Isampal ko ‘tong bag ko sayo e!

"Malamang KUYA. May bibig ako e!" Dinilaan ko sya kinapula nya sa sobrang inis.

Hinila na ako ni Cyl pero epal lang talaga ‘yong lalaki, nagawa pang sumingit. "Tsk. Panigurado, wala ka pang boyfriend. Walang magtatagal sa ugali mo."

"Teh, ‘yaan mo nalang sya. Halika na." Hinila nya ako pero kumalas ako sa pagkakahawak nya.

Binalikan ko ulit ‘yong malaking tao na... pinaalala lang naman sakin ang pagiging single ko. Bwiset! Sa lahat, ‘yan na ‘yan ang ayaw kong inuungkat.

"Don't you ever judge me." Pilit kong pinahinahon ang sarili ko ng sinabi ‘yan. "Tsaka bakit? Required bang magkaboyfriend? Sa pagkakaalam ko, hindi naman, diba?" taas kilay kong tanong sa kanya.

Ngumisi sya at napatingin sa mga kasamahan nya. "Naku. ‘Yan talaga ang mga linya ng mga SINGLE." Sabay hagalpak nya ng tawa at pati mga kolokoy nyang kasama, tumawa din.  

Fck. Hindi ko talaga magets kung bakit pinagtatawanan nila ako?! May mali ba sa pagiging SINGLE? 

Gumawa ako ng tatlong hakbang papalapit sa kanya. Enough so that I can push him, if I wanted to. "You know what?"

Tinignan ko ang itsura nya. Pasalamat sya kahit papano may itsura sya kundi kanina ko pa sya nilait-lait.

 Inikot-ikot ko ang daliri ko at ngumiti. "It's better to be SINGLE…” at tinuro sya sabay sabing, “than to be in a relationship with a SH*T like you."

Natahimik silang lahat. Uhuh. There was a complete silence. Nakatikom lahat ng bibig nila. Kahit ang ngiti nya nawalang parang bula.

“Next time, please be mindful of the person you’re messing up with.”

**

"Turn off or turn on?"

"Cyl. I don’t know and I don’t care.”

I'm courting my geek Professor [PUBLISHED BY VIVA PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon