Nakita ko naman si Yong.

"Hi Marydale!" At nagwave pa ito.

Tinaasan ko lang sya ng kilay.

"Ayy sungit" sabi nito pero hindi ko na lang pinansin.

Kasabay ko lang syang maglakad.

"Marydale ikaw ba yan?" At hinawakan nya ang balikat ko. Hinarap niya ako sa kanya. "Bakit ang tahimik mo? Nasaan ang energetic na Marydale?" Iniyugyog nya ako. "Hoy tahimik na espirito! Lumayas ka sa katawan ni Marydale! Papasukin mo ang makulit at matapang na Marydale!" Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Kasi alam nyo yun? Hindi naman kami close pero may lakas loob syang ganunin ako.

Pero aaminin ko, nawala ang kaunting bigat sa nararamdaman ko. Napangiti naman ako sa ginawa nya.

"Ayan! Bumalik na uli si Energetic Marydale! Nagsmile na sya!" Napangiti pa rin ako.

Nakakatuwang isipin na mabait palang tao si Yong at gentleman nga ika ng iba.

"Close ba tayo? Friends tayo?" Tanong ko sa kanya. Dahil FC na sya eh. 

"Hindi. Pero nasanay lang talaga akong nakikita kang nakangiti, masaya at matapang!" Sabi nito at may kasama pang actions.

Natawa naman uli ako. Kahit papaano ay nakalimutan ko na ang problema ko.

"Thank you!" Yun lang ang nasabi ko sa kanya dahil sa napagaan nya ang loob ko.

"Huh? Anong thank you?" Sabi nya. Nakakunot na ang noo nito dahil sa pagtataka.

"Wala!" Sabi ko.

At tinuloy ko na ang paglakad. Naiwan naman sya.

"Marydale! Friends na ba tayo?" Napatigil ako sa paglakad ng tanungin nya ako nun.

Ano nga ba? Friends na nga ba kami? Basta ang alam ko lang, mabait na tao si Yong.

Habang nakatalikod ako ay nagthumbs up ako sa kanya bilang "oo" sa tanong nya sa akin.

Agad naman itong tumakbo sa tabi ko at sinabayan akong maglakad.

"Hi Friend!" Sabi nya at nagwink. Napatawa naman uli ako.

"Hey you two!" Napatingin kami sa nagsasalita.

"Go inside immidiately! Wag kayong magharutan!" Wow! Ang straight tagalog? Watda!

"Hala! si President sungit." Napatingin naman sya sa akin.
"Alam mo, bagay kayo! Pareho kayong masungit! Parang laging meron!" Sabi nito habang napakamot ng ulo.

Napalo ko naman ito sa braso. Ganun ako sa friends ko eh. Atsaka sabihan ba naman daw yun sa harap ko?

"Anong bagay ka dyan? Gusto mo bang hambalusin kita?"

"Hahaha! Ayan! Tuwiran nang nanumbalik si Marydale! The amazona and Secresungit!"

"Heh!" Atsaka pumasok na naman kami ni yong sa room namin.

Nakita naman namin si President na nakaupo at nakataas pa ang paa sa table. Ganyan ba ang asal Presidente? Diba dapat disente at mukhang kagalang galang? Feel at home kasi masyado.

Nawala na naman sa isip ko lahat ng problema. Nanumbalik na uli ang saya ko at ganito lang ang ginagawa ko para mawala lahat ng stressful things sa isipan ko.

Thanks to Yong for bringing good vibes!

Umupo na kami sa kanya kanyang table. Katabi ko ang table ni sir. Pinag gigitnaan kasi ako ni Pres. At VP.

The Lost Pieces (MayWard Fanfic)Where stories live. Discover now