CHAPTER 25

1.3M 30.8K 4.5K
                                    

Hi to Honeylette Consignado Zuela and Jeorge Zuela 👋👋👋


CHAPTER 25

MALALAKI ANG HAKBANG na pumasok si Titus sa loob ng mansiyon, kahit bugbog-sarado ang katawan niya, kahit may bali yata sa ribs niya at may damage sa tagiliran niya, kahit pumutok ang labi at kilay niya, kahit nananakit ang lahat ng parte ng katawan niya lalo na ang paa niya na pilit lang niyang inilalakad kahit pa nga pinilay iyon ng huli niyang nakalaban kanina, pilit siyang naglalad kahit iika-ika kahit sa bawat hakbang ay parang pinuputol ang paa niya sa sobrang sakip.

At nang makita siya ng kaniyang ina sa sala, kaagad siya nitong nilapitan at niyakap ng mahigpit.

"Where's Mace?" Kaagad na tanong niya sa ina ng pakawalan siya nito sa pagkakayakap.

He's expecting Mace to be here. Umasa siyang ito ang sasalubong sa kaniya pero nasaan ang cara mia niya? Hindi niya ito makita.

Luminga-linga siya saka tumigin ulit sa ina niya. "Nasaan si Mace? Nasaan ang cara ko?" Nang hindi sumagot ang ina niya, tumalim ang mata niya, "mom, where is my cara mia?"

Sa halip na sagutin siya ay masaya siya nitong ngitian. "I'm happy to see you alive and breathing, my son. Pero bakit ka nandito? Tapos na ba ang laban? Nang umalis ako sa Media Room, alam kong mananalo ka na pero hindi pa naman natatalo si Emmanuel at--"

"Bakit ako ang tinatanong mo niyan?" Nagtatakang tanong niya kapagkuwan ay napaigik ng maramdamang ang sumigid sa sakit sa tagiliran niya dahil sa ilang suntok na natanggap niya doon, "father's butler called the guards in the fighting arena. Sinabi niya sa guard na pahintuin na ang laban dahil tapos na at may nanalo na. Kaya nga nagmamadali akong pumunta rito para alamin kung nanalo ba talaga ako o hindi e. And..." He eyebrows furrowed, "why are you not answering my question, Mom, where is my cara mia? Where is she? Is she in the media room?"

Akmang maglalakad siya patungo sa media room ng pigilan siya ng kaniyang ina sa braso. "My son..."

Bumaling siya sa ina, may kakaibang takot at kabang lumukob sa kaniya. "Where is my cara mia, mom?"

Malalim itong napabuntong-hininga bago sumagot. "Dinugo siya." Nang mag-umpisa itong magkuwento doon bumukas ang pag-aalala sa mukha nito, "dinala siya ni Mauricio at Rinaldi sa Hospital--"

"Dinugo?" Nanlamig ang buong katawan niya. "B-bakit? Anong nangyari?"

"H-hindi ko rin alam." Marahas na ipinilig ng kaniyang ina ang ulo nito. "Basta nakita ko nalang na may dugong dumadaloy sa binti niya." Panay ang hinga nito ng malalim habang nagkukuwento, "tapos humingi siya ng tulong, buntis daw siya, at sa lagay niya kanina, parang magkaka-miscarriage siya. Hindi ko alam kung paano pero siguro dahil na rin sa stress sa mga nangyayari. At nang malaman ng ama mo na anak mo 'yon at tagapagma, kaagad niyang dinala sa Hospital si Macey, kasama si Mauricio at ang sampong bantay na kalalakihan."

Napasabunot siya sa sariling buhok at mariing pinikit ang mga mata. "No..." Humigpit ang pagkakasabunot siya sa buhok at nang magmulat siya ng mata, mababasa ang kislap ng kadesperadohan sa mga iyon, "no! No... No! Mom, please, tell me she's okay... Please... What if something bad happened to her? Anong gagawin ko? Mababaliw ako, Mom, mababaliw ako kapag may nangyaring masama kay Mace."

Kaagad siyang niyakap ng ina niya at hinagod ang balikat niya. "She's a strong woman. She will get through this."

Marahas siyang umiling. "Nag-aalala pa rin ako. Saang hospital siya dinala, pupuntahan ko siya."

Naghahanda na siyang umalis kahit pa nahihirapan siyang igalaw ang paa dahil sa pananakit niyon ng marinig niya ang mga boses ng kalalakihan na kakapasok lang sa sala. Mayroong nakangiti sa mga ito, mayroon namang lukot ang mukha. At nang daanan siya ay binati siya sa pagkapanalo niya.

POSSESSIVE 16: Titus MorganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon