CHAPTER 9

1.5M 32.5K 7K
                                    

CHAPTER 9

NAGMAMADALING bumaba sa hagdan si Mace ng marinig na tumunog ang telepono ng bahay na nasa sa sala. Kagigising lang niya at pababa siya kaya dinig na dinig niya. Nasaan ba si Rios at hindi nito sinasagot ang tawag? Gising na ba ang binata? Well, it was just five in the morning. Maybe he was still asleep like Ace.

Nang makalapit siya sa telepono, kaagad niyang inangat ang awtomatibo niyon saka sinagot ang tumatawag.

"Pierce Rios Muller's house, who's this?" Kaagad niyang tanong sa nasa kabilang linya.

"I think I'm lucky today," anang nasa kabilang linya at namilog ang mata niya ng mapagsino ang may-ari ng boses na 'yon.

"Titus?" Paniniguro niyang tama ang pandinig niya.

Mahinang tumawa ang nasa kabilang linya. "Miss me, cara mia?"

Sumikdo ang puso niya. "A-anong-- b-bakit ka tumawag dito sa telepono ng bahay ni Rios? Paano kung siya ang nakasagot?"

Titus blew a loud breath. "This is my tenth time to call, cara. Buti nga may sumagot at ikaw pa. But I still feel unlucky though. Fuck that bastard for playing with me. He played me and Nate like a fool." Parang pagod itong bumuntong hininga. "Puwede ka bang lumabas sa bahay ni Pierce? I want to see you, cara mia." Malambing nitong ungot. "Please, cara?"

And her heart couldn't say no. Kahit anong sabi ng isip niya na huwag lumabas, na gulo lang ang hatid niyon sa kaniya, kusang lumabas ang salitang 'sige' sa bibig niya.

Nang ibaba niya ang awtomaitbo ng telepono, may sariling isip na naglakad ang mga paa niya palabas ng bahay, palabas ng gate. Kapagkuwan ay kumunot ang nuo niya ng makitang wala naman doon si Titus sa labas pero kinuha ng kotseng kumikisap-kisap ang headlights ang atensiyon niya.

It was Titus car ...

Malalaki ang hakbang na naglakad siya palapit sa nasabing kotse saka sumakay sa passenger seat ng bumukas ang pinto niyon.

Kaagad siyang humarap sa binata, "Titus--"

Sinalubong ni Titus ang mukha niya at pinutol ang iba pa niyang sasabihin sa pamamagitan ng pagsilyo ng labi nito sa labi niya. Parang uhaw ang paghalik nito sa kaniya, kinagat pa nito ang labi niya na parang nanggigigil bago iyon pinakawalan at matiim siyang tinitigan.

"Hey," mahina nitong sabi habang sapo ang mukha niya.

Nagsalubong ang kilay niya. "Don't hey me," pagtataray niya. "Bakit mo ba ako pinalabas? May kailangan ka ba sakin--" Napatigil siya sa pagtataray ng mapansin ang pasa nito sa gilid ng mukha. "Anong nangyari sayo?" Umangat ang kamay niya para haplosin ang pasa nito dahilan para mapaigtad ang binata. "Titus!" Pinandilatan niya ito. "Ano ba ang pinaggagagawa mo, ha? Bakit may pasa ka?"

Umiling ito, "It's nothing--"

"No, it's not nothing." Pinanlakihan niya ito ng mga mata. "May pasa ka, kailangan magamot 'yan kaagad--"

"You care?"

Natigilan siya at napatitig sa mata ng binata. "H-ha?"

"Nag-aalala ka sakin?"

Malakas siyang napabuntong-hininga saka hinaplos ulit ang pasa nito. "Sino ba'ng hindi? Look at the side of your face. It's swollen."

"But I'm still handsome, yeah?"

Inirapan niya ito saka nginitian ang binata. "Oo naman. Hindi naman mawawala ang kaguwapuhan mo."

"And my handsome face is enough to make you stay with me?"

POSSESSIVE 16: Titus MorganWhere stories live. Discover now